Chapter 1

1486 Words
“Kainis! Bakit ba kasi sumama pa ako sa kanila!”  Sigaw ni Reva sa kanyang sarili habang mabigat ang bawat hakbang nito papalayo sa mansyon kung saan nandoon ang dalawa niyang kapatid na lalake na nagpapakasaya dahil sa party na nagaganap doon.  Flashback...... Tahimik lang siyang nagtitipa sa kanyang cellphone ng biglang siyang tinawag ng kanyang nakakatandang kapatid na si Yuno. “Eva!”  Agad namang naagaw nito ang kanyang atensyon at hinarap ito.  “Oh?” Simple niyang sabi habang dahan-dahan niyang ibinababa ang kanyang cellphone.  “Come with us.” Ma-awtoridad nitong sabi na parang nagsasabing ‘I am not asking your permission, I am ordering you.” .  Wala nang nagawa pa si Reva kundi sundin ang gustong mangyari ng kanyang nakakatandang kapatid. Tatlo silang magkakapatid, siya ang bunso at natatanging babae. Nabanggit ng kanyang kuya Jiro na pupunta sila sa isang house party, kung saan kababata ng dalawa niyang kapatid ang host.  Nakarating naman kaagad sila sa kanilang pupuntahan. Papasok pa lang sila pero tanaw na tanaw niya na agad ang mga taong nagsisiyahan sa front garden nito. Hindi naman siya gaanong namangha dahil pang ilang beses niya nang nakapunta dito, matalik na magkaibigan kasi ang kanilang mga pamilya. Sanay na din siya sa mga ganitong klaseng party dahil palagi siyang sinasama ng kanyang dalawang kapatid.  “Hey! Yuno! Jiro! Akala ko hindi na kayo pupunta!” Bungad ni Kin na siyang anak ng may-ari ng mansyon na ito na kababata ng dalawang kapatid ni Reva.  “Tsk. That will not happen dude!” Sabi ni Jiro at nakipagbro fist naman yung dalawa kay Kin. Hindi naman agad napansin ni Kin na kasama pala nung dalawa si Reva dahil natatakpan siya ng dalawa dahil sa matatangkad ang mga ito, kaya bahagya itong nagulat nung nakita niya si Reva na tahimik na nakatago sa likuran ni Yuno.  “Oh! Eva! I didn’t notice you earlier, bakit ka kasi nakatago diyan sa likuran ni Yuno.” Medyo may bahid na pagkainis na pagkakasabi ni Kin.  “Hello kuya Kin, nice party huh! I’m sure mag-eenjoy na naman itong dalawang ‘to dahil ang daming babae sa paligid!” Medyo matabang na pagkasabi ni Reva dahil alam niyang hindi na naman niya ma-eenjoy ang party na ito dahil sa apat na pares ng mga mata na palaging nakatutok sa kanya.  “Don’t worry my dear little sister, I am not an easy boy.” Paglalambing sa kanya ng kanyang kuya Yuno na sinundan naman ng kanyang kuya Jiro.  “Promise, we will just have a drink.” Napairap naman si Reva dahil alam niya na kung anong gagawin niya. “Fine. I’ll go now.” Kibit balikat niyang sabi ginugulo naman ni Jiro ang buhok niya na parang ginawa siyang isang aso.  “Argh! Kuya Jiro, stop it!” Naiirita niyang tugon pero tinawanan lang siya nito. “You better keep your promise!” Sabi niya doon sa dalawang habang isa-isa itong tinuro.  “Yes maam!” Sabay naman na sabi nung dalawang lalake. Isang tango na lamang ang isinagot niya at nagsimula na siyang maglakad papalayo doon sa tatlo. Hindi pa naman siya tuluyang nakakalayo ng biglang nagsalita si Yuno at Jiro. “No boys Reva!”  “We are watching you!”  ‘Para namang may makakalapit sa akin, tsk.” Sabi niya sa kanyang sarili.  Dumiretso na siya sa loob ng mansyon kung saan doon nakalatag ang mga pagkain at iba’t-ibang klase ng alak. Nung una wala siyang alam tungkol sa mga ganitong bagay pero simula nung palagi siyang isinasama ng kanyang dalawang kapatid, natuto na siya sa mga ganitong gawain. Yun nga lang, kahit hindi niya nakikita ang mga ito pakiramdam niya, may apat na pares ng mga mata ang nakabantay sa bawat kilos niya.  Pumunta siya sa pool side kung saan mas marami  ang taong nandoon. Karamihan sa mga ito ay nakabihis pangligo at kulang nalang labas kaluluwa ang mga swimsuit na suot ng mga babaeng naliligo. Syempre hindi makakatakas sa paningin niya ang mga taong nagmamake-out sa gilid at yung mga taong kulang nalang maghubad dahil sa kalasingan.  Kanina niya pa hinahanap ang dalawa niyang kapatid at si Kin pero hindi niya matamaan kung nasaan ang mga ito. Marahil, nakabingwit na ang mga ito ng mga babae. Kumuha siya ng isang canned beer at saka ito nilagok. Pagkatapos nun, naisipan niyang umalis nalang muna doon sa mansyon dahil naririndi na siya sa ingay ng mga sound system.  Sa kabilang gate niya naisipang dumaan kung saan walang makakakita sa kanya dahil baka isumbong siya sa dalawang kuya niya. Hindi naman nakakatakot sa labas ng mansyon dahil may mga light posts naman, nakakasigurado siyang walang mangyayaring masama sa kanya dahil isa itong pribadong subdivision.  Tahimik siyang naglalakad habang tinitignan ang mga puno at bulaklak na nakapaligid sa buong lugar. Agad naman siyang napayakap sa kanyang sarili dahil biglang umihip ang malakas na hangin. Nakasuot siya ng isang jeans at croptop na pinaresan ng sandal na hindi naman kataasan ang takong nito, dahilan kaya agad siyang nakaramdam ng panggiginaw. Pero hindi niya parin magawang bumalik ulit doon sa mansyon dahil wala naman siyang ibang gagawin kundi ang kumain habang hinihintay niya ang dalawa niyang kapatid.  Pasado ala una na ng umaga pero hindi parin siya  nagsasawang maglakad lakad. Medyo malayo-layo na din ang kanyang nalakad pero hindi siya nababahala dail kabisabo niya naman ang lugar na ito. Ramdam niya ang lamig na dulot ng hangin na tumatama sa balat niya. Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Buti nalang at may nakita siyang pwedeng pagsilongan. Sa tantya niya, isa itong tree house. Dali-dali siyang nagtungo dito dahil basang-basa na siya. Nakaramdam siya ng kaunting takot dahil sa walang siyang kasama at ang lakas pa ng ulan. Hindi niya pa naman dala ang cellphone niya.  ‘s**t! Lagot ako neto pag nagkataon!’ Sigaw niya sa isipan niya.  Agad naman siyang napalingon kung saan nanggaling ang tunog ng bawat yapak ng mga paa na siyang papunta sa direksyon niya. Base sa pangangatawan nito, masasabi niyang isa itong lalake dahil sa kasuotan nito. Nakaramdam naman siya ng kaunting saya dahil sa wakas may kasama na siya pero agad din naman iyon napalitan ng takot dahil baka masamang tao ito.  Agad naman itong nakarating sa kinaroroonan niya at nakaramdam naman siya ng hiya dahil bigla itong tumingin sa direksyon niya, dahilan para mapaiwas siya ng tingin. Hindi niya kasi namalayan na kanina pa pala siya nakatingin dito.  “It’s too deep at night, why are you still out here?” Nahihimigan niya ang sobrang lalim nitong boses at sing lamig ng nararamdaman niya ngayon. Napalunok naman siya ng ilang beses dahil dito at bahagyang nagtalo pa ang kanyang isipan kung sasagutin niya ba ito o hindi.  “I-i just thought of taking a walk.” Nauutal niyang sabi dahil sa magkahalong kaba at lamig.  Hindi na ulit pa umimik ang lalake pagkatapos niyang sagutin ang tanong nito. Tumagal pa ng ilang minuto ang malakas na buhos ng ulan bago ito humupa.  ‘Kung susugod ako sa ulan, tiyak basang sisiw ako pag nagkataon dahil medyo basa na rin yung damit ko.’   Sabi ni Reva sa kanyang isipan. Nanatili lamang na walang imik ang estrangherong lalake habang nakatayo sa gilid niya. Bahagya naman siyang napatalon sa gulat dahil sa may biglang inilagay ang lalakeng ito sa balikat ni Reva dahilan para hindi na siya makaramdam ng pagkaginaw.  “H-hey, what are you doing?” Akmang tatangalin na sana ito ni Reva ng bigla siyang pigilan nung lalake.  Nakaramdam naman siya ng kaunting boltahe sa kanyang buong katawan dahil sa sobrang lapit nung lalake sa kanya at amoy na amoy niya ang mabango nitong hininga. Hindi niya nakita ang buong pagmumukha nito dahil nasa medyo madalim silang parte. “You need it.”  Hindi na siya nakaangal pa dahil bahagya siyang naestatwa sa ginawa nito. Ramdam na ramdam niya ang malambot na labi na lumapat sa kanya. Nanatiling dilat ang kanyang mga mata at hindi alam kung anong dapat gawin dahil sa labis na pagkabigla. Nanatili namang nakapikit ang lalake habang nakalapat parin ang labi nito sa kanya.  “Mag-iingat ka.” Sambit nito nung medyo inilayo na nito ang kanyang mga labi. Tanging isang tango na lamang ang nagawa ni Reva habang pinagmamasdan ang lalakeng kumuha ng una niyang halik. Agad naman siyang napahawak sa kanyan labi nung siya ay natauhan na.  ‘f**k! That stranger stole my first kiss!’  Inis na sigaw niya sa kanyang isipan pero sa puso niya, hindi man lang siya nakaramdam ng kahit kaunting inis.  Tuluyan ng humupa ang ulan, kinuha niya ang jacket na nakapatong sa kanyang balikat at isinuot itong mabuti saka tinahak na ang daan pabalik ng mansyon na tila ba wala sa sarili dahil sa nangyari. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD