Prologue

1233 Words
Someday everything will all make perfect sense. You'll see. ******** "Paradise," Paanas niyang bulalas. Mula sa bangkang kanyang lulan ay tanaw ni Andrea ang napakagandang isla na kilala sa tawag na Villa Grande. It is a beautiful island surrounded by luxurious mansions, famous clubs, and hotels. Halos lahat yata ng mga mayayaman at makapangyarihan sa bansa ay nakatira roon. Kilala ito sa bansag na Maldives of the Philippines. She was looking at the island with a dreamy and hopeful face. Isa sa kanyang pangarap ay ang makapunta mismu sa islang iyon. Hindi tulad nito na tinatanaw niya lang ito mula sa malayo. "Nakikita mo ba ang islang 'yan Marcus?" Lingon niya sa alagang aso sabay turo sa direksyon ng isla. "Balang araw, titira ako riyan!" tila nangangarap niyang wika. "At siyempre, isasama kita!" masigla niyang turan. "Pag mayaman na ako Marcus bibili rin ako ng bahay diyan sa Villa Grande. Aalis na tayo sa paupahang bahay nina Tiyang Marites," aniya at umismid nang maalala ang masungit niyang tiyahin na palagi na lang nakasimangot pag kinakausap siya. Nakatatandang kapatid ito ng nanay niya ngunit tila ibang tao ang turing nito sa kanila. Malupit ang Tiyang niya. Ni wala siyang may maalalang pagkakataon na ngumiti ito sa kanya kahit isang beses man lang. Parang ang bigat-bigat ng dugo nito sa kanya kahit wala naman siyang ginagawa. Ipinagkibit-balikat niya na lang iyon. "Gusto mo ba 'yon Marcus?" tanong niya rito. Tumahol naman ang aso na tila nauunawaan ang sinabi niya. Inilabas pa nito ang dila at iwinagayway ang buntot. Napatawa naman siya at nasisiyahang ginulo ang balahibo nito sa ulo. "Tapos pag marami na akong pera di kana kakain ng tira-tira mula sa karenderia ni Tiyang, dog foods na!" Muling tumahol ang aso sabay talon ng bahagya. Napatawa siya ng malakas sa iginawi nito. "At siyempre titigil na rin sa pagtatrabaho sa club si Nanay," aniya at biglang natigilan. Ang kaninang masaya at masigla niyang mukha ay biglang nabahiran ng lungkot. Naalala niya ang palaging pagod at puyat na ina. Pati na rin ang pangungutya ng Tiyang Marites niya at mga kapitbahay dahil sa uri ng trabaho mayroon ito. Isa itong entertainer sa isang bar. Gayon pa man, isa itong disenteng babae. Ayon sa nanay niya, kahit kailan ay hindi ito sumama sa kustomer para ibenta ang sarili. Kahit sabihin pa na hikahos sila sa buhay ay hindi ito lumalagpas mula sa pa-table lang at pasimpleng pakikipag-usap. Dangal lang ang mayroon sila at ayaw niya iyong madungisan. Kaya nga nagsisikap ang nanay niya na magtrabaho araw at gabi para makapagtapos siya ng pag-aaral sa gayon ay hindi siya matulad rito. Minsan kung halos wala silang makain ay tumatanggap ito ng mga labahin mula sa mga maykaya nilang mga kapitbahay. Pag walang pasok naman ay nagbebenta silang mag-ina ng mga kakanin sa kanilang lugar minsan abot sa bayan. Minsan suma-sideline pa ang nanay niya sa parlor ng kaibigan nito bilang manikurista. Lahat ng raket basta marangal pinapatos niya mairaos lang ang pangangailanggan sa araw-araw. Hindi niya iyon ikinakahiya. Kung hindi lang sana sila iniwan ng Italyano niyang ama ay hindi sila maghihirap ng ganoon. Ang buong akala kasi noon ng nanay niya ay binata ang kanyang ama kaya nakipagkamabutihan siya rito hanggang sa naging magkasintahan silang dalawa. Ngunit nang malaman nitong buntis ang nanay niya ay bigla na lang itong naglaho na parang bula. Huli na nang mapag-alaman ng nanay niya na bumalik na ito ng Italya at pamilyadong tao na pala ito. Mas pinili na lang ng nanay niya na ipagpatuloy ang buhay alang-alang sa kanya kaysa magmukmuk at maghabol pa ito sa magaling niyang ama. Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. Pangako niya sa sarili na kapag iibig siya balang-araw ay hindi siya tutulad sa kanyang nanay. Pipili siya ng lalaking karapat-dapat ibigin. Iyong mamahalin siya ng tunay at hindi lolokohin. Napahalukipkip siya at napabuntong hininga saka ibinalik ang matamis na ngiti sa labi. "Ano kaya ang pakiramdam ng ma in love?" pabulong na tanong niya sa sarili. Tulad ng isang pangkaraniwang babae ay nangangarap din siyang makakilala ng lalaking magmamahal sa kanya. Yung tatangapin siya ng buo. Ang magpaparanas sa kanya ng wagas na pagmamahal tulad sa mga napapanood niyang mga teleserye sa lumang TV sa karenderya ng kanyang Tiyang Marites. "Ay oo nga pala!" Bigla niyang naalala ang rason kung bakit sila pumalaot ni Marcus. Mula sa luma niyang backpack ay kinuha niya ang walang lamang bote ng alak na ipinuslit niya sa karenderya ng kanyang tiyang. Nilinisan niya na iyon kagabi at tinuyo. Dumukot siya ng papel at ballpen at nakabungisngis na nagsulat. Tila kinikilig pa siya habang ginagawa iyon. Pagkuway kinuha sa bulsa ng shorts ang nag-iisang picture. "Naku buti na lang may sobra pa sa pinasang ID picture sa school," aniya kay Marcus at ngumisi. "Okay na 'to!" aniya at nakangising nilagay sa bote ang papel na pinagsulatan at ang natatangi niyang larawan. Pagkatapos itong takpan ng maigi ay hinalikan niya pa ito ng ilang beses. Nakapikit na umusal siya ng isang panalangin bago itinapon iyon sa laot. She was so thrilled and excited sa maaaring kahihinatnan ng kanyang ginawa. Ginaya niya lang iyon sa napanood na pelikula. Nagbabakasakali na matulad rin siya sa bida ng palabas. "Dagat pake dala na lang kay Mr. Right ha!" tila nahihibang niyang wika. It's crazy but she believes in destiny. Alam ng bata niyang puso na dadalhin ng dagat sa kung kanino mang nararapat na lalake ang boteng iyon and make her dreams come true. Satisfied. Napangiti siya nang ubod tamis. "Mission accomplished!" Maluwang ang kanyang pagkakangiti. "See you soon Mr. Riiiiiiiiiiiiiiiiiiight!" sigaw niya sa bote. Umalingawngaw ang boses niya sa buong paligid. Wala siyang may natangap na sagot maliban sa halinghing ni Marcus na tila nagsasabing.. Ewan ko sayo baliw! Nilingon niya lang ito and then rolled her eyes. "Whatever Marcus!" she snorted at nagsimula nang sumagwan pauwi ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD