"Denying the truth doesn't change the fact." ******** Hanggang sa makauwi na sila ng mansyon ay ang batang si Dylan pa rin ang bukang bibig ng mag-asawa.Wiling-wili sa bata. "That boy really reminded me of our son, Leon. Ngayon ko lang naisip na ang boring ng bahay matagal nang walang bata nagtatakbo at nagsisisigaw dito sa sala." Wika ng Dona. "Bakit kase hindi natin naisipang sundan ang anak mo." Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Don Leon saka hinagkan ang asawa. "Ewan ko rin ba riyan sa anak mo kung kailan niya tayo bibigyan ng apo. Naiinip na rin ako." Patuloy na kwentuhan ng mag-asawa. Labis na nasiyahan talaga ang mga ito sa bata gayong kanina lang nila ito nakilala. Angelo was just listening at kung tama ang kutob niya ay hindi siya magtataka kung bakit ganoon na lang

