Hello Again My Heart

1210 Words

"It's amazing how seeing you gives me so much butterflies." ******** Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Mula sa malabo ay unti-unting lumiwanag ang kanyang paningin. Ang magarang chandelier sa kisame ang agad bumungad sa kanya.  Teka... Napakunot-nuo siya. Nasaan ako? Bahagya siyang napangiwi nang makaramdam ng pananakit ng katawan. Pakiramdam niya ay namamaga ang buo niyang kalamnan kaya nahihirapan siyang gumalaw. Masakit din ang kanyang lalamunan at hirap siyang magsalita. Lumikha siya ng tunog at isang malat na glothal ang lumabas mula sa kanyang bibig. Ilang minuto rin siya na nakatingin lang sa kisame, pilit hinahagilap ang utak na nagbakasyon yata kung saan. Itinaas niya ang mga braso at gulat na napasinghap nang makita niyang may nakakabit na dextrose sa kanyang kamay.

New users can unlock 2 chapters for free!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD