"Sege" hahaha uto uto talaga dapat lahat ng gamit ko bago at mamahalit pati bibili narin ako ng make up ko oh diba ang taray ng ate nyo
"Hindi mo pa nakikita yung pinsan ko nuh" andi
"Malamang Hindi pa, kakarating ko lang kaya" pambabara kong sabi sa kanya pati totoo naman Hindi ko pa nakikita yung pinsan nya simulat sapol
"Makikita mo rin sya mamaya, sasama sya sa atin mamili ng gamit dito kase dito narin sya mag-aaral"
Dito narin pala sya mag-aaral panigurado magiging kasundo ko rin sya tulad ni monic kukunin ko rin yung loob nya lalo nat mayaman pala sya
"Talaga edi masaya yun lalo na at sabay sabay na tayong tatlo pumasok sa school" kunyare tuwang tuwa ako
"Oo nga excited na nga akong pumasok" halatang halata sa kanya na gusto nya na ngang pumasok para makita nya na ang taong gusto nya
"Ewan na kita dyan, matutulog muna ako para Hindi ako antukin mamaya"
"Sige papagising nalang kita mamaya kapag aalis na tayo"
Kaagad naman akong pumasok sa room ko at ipinikit ang mga mata ko na kanina pa gustong bumagsak, mga 4:00 ginising na nila ako para mamili na nang gamit
"Pinapagising ka ni ma'am andi, aalis na daw kayo" aba at tinarayan pa nya ako papalabas ng room ko
"Tutusukin ko yang mata mo eh sabihin mong gawa" tuloy tuloy parin sya sa oag-lalakad nya na tila walang naririnig
Aba parang napapansin ko na lahat ng yaya dito galit sa akin, sabagay Hindi ko sila masisisi ganito ako eh, bumaba na ako kaagad para kumain muna bago kami umalis, pag-bakas ko ng reft may nag-salita mula sa likod ko.