C5: Galit ni Claude

1650 Words
“Ruki, ano bang iniisip mo?” tanong sa ‘kin ni Takumi. Naiwanan kami sa dressing room dahil nga nanonood ‘yong dalawa ng mga nagpeperform. “Masyado lang akong nag-iisip tungkol sa nagiging closeness nila Blue at Yuki, alam ko naman na baka ganoon lang si Yuki, malambing kay Blue dahil nakikita niya ‘to bilang nakababatang kapatid. Paano kung masaktan si Blue? Paano kung umasa siya? Paano kung magbalik si Claude?” Nakita kong natawa si Takumi. Inakbayan niya ‘ko bigla. “Alam mo masyado kang nanay mag-isip, pero ganito lang ‘yan, part nang pagiging lalaki ang sumugal sa laban. Masyadong mahina at alagain ang tingin mo kay Blue, paano kung masyado mo lang siyang minamaliit? Si Yuki, kahit pa sabihin natin na kapatid ang tingin niya kay Blue, puwede pa rin ‘yong mabago. Sa kaso naman ni Claude, kung magmahal na si Yuki, wala na tayong magagawa ro’n, siya ang umalis, hindi rin siya kaagad gumawa ng paraan, hindi ko alam, Ruki, gusto ko si Claude bumalik pero gusto kong matuto muna siya ng leksiyon niya.” Napansin ko ang iritasyon kay Takumi. Tama siya, kahit nga si Takumi masyado kong iniisip, na baka masyado siyang maging emosyonal sa pagkakaroon ng ibang kaibigan ni Claude, pero he’s getting stronger. “Susubukan natin siyang ibalik, pero kung hindi na, ang mahalaga sumubok tayo,”aniya. Ngumiti siya at inalis ang pagkakaakbay sa ‘kin. Top 10 na ang matitira, isinara na ang voting line isang araw bago itong Live Performance. Sa labing-limang performer, pang labing-tatlo kami no’ng huling makita namin bago maipribado ang mismong voting scores. Pero may pag-asa naman kami sa judges. Basta ibibigay naman namin ang lahat. Nang bumalik sila Yuki ay nagbihis na sila. “Maraming nagkakagusto kay Yuki,” sumbong ni Blue. “Itong si Blue, lahat nang kumakausap sa ‘kin, gusto na kaagad ako. Sobrang Diyosa ko ba talaga sa paningin mo?” natatawang tanong ni Yuki. Sumimangot si Blue. “Totoo naman, mayroon pang keep in touch sa mga social media.” Natawa si Yuki. “Wala kang magagawa, sobrang ganda ko naman nga kasi talaga. Pero—“ Lumapit si Blue kay Yuki. Nakahara psi Yuki sa isang vanity mirror. Lumingon si Yuki kay Blue at ngumiti. “Pero ikaw pa rin ang baby ko.” Kumindat pa ‘to. Namula si Blue at napatayo nang diretso. Napakamot sa kilay at pasimpleng naghanap na nang susuotin. Base sa pamumula nang tainga nito ay hiyang-hiya ‘to. “Yuki, baka naman iba na ‘yang biruan na ‘yan, huh!” segunda ni Takumi. “Ewan sa ‘yo, Narciso! Lumabas na kayong tatlo at magbibihis na ‘ko.” Nauna na kaming lumabas ni Takumi dahil magbibihis pa si Ruki. “Bakit hindi ka naghintay sa loob?” “Baka nahampas ako ng takong no’n kung titingnan ko siya!” “I mean, bakit hindi mo hinintay si Blue.” “Ruki, masyado ka talagang nag-aalala. Hindi naman kikilos ‘yong si Blue, virgin pa ‘yon sa lahat nang virigin!” Alam ko naman ‘yon. Nagsisimula nang kumanta ang iba. Magagaling lahat. Naalala ko pa, kapag ganitong panahon, isa kami sa inaasahan na kaagad na nasa Top 3. Ngayon, RSYND na ang inaasahan. Inaamin ko na magaling ang RSYND, mas dark ang theme nila pero magagaling silang kumanta. Kung magbibigay ako nang komento sa kanilang tugtog, masasabi ko na marahil ang RSYND ay pinagbuklod nang mapapait na karanasan na humubog din sa kanila. “Alam mo ba na minsan may naikuwento sa ‘kin si Claude?” ani Takumi. Nilingon ko siya sa ‘king tabi. “Mayroong may Clinical Vampirism na babae ang pinatay sa panggagahasa. Sinabi niya sa ‘kin na ang babaeng ‘yon ay girlfriend ni Calvin, pero nang mangyari ‘yon hindi pa sila magkakilala. Kaya tingin ko, isa sa rason bakit nag-stick si Claude kay Calvin dahil din sa alam nito ang pinagdaraanan niya. Pero hindi ko rin alam, parang kulang pa rin para maging dahilan.” Yuki Kanina nakita ko si Claude. Hindi ko siya pinansin dahil may sama ako nang loob sa kanya. Alam ko na gusto ko siyang kausapin, yakapin, at balikan pero hindi ko magawang maging ganoon ka-careless ngayon. Bigla, parang mas gusto kong ipakita sa kanya ang tough side ko. Hindi na ako ‘yong babaeng iyakin dahil sa pagmamahal sa kanya. Kailangan ko siyang turuan ng leksiyon. Kailangan niyang malaman kung sino ang tunay na kaibigan niya. Ibang-iba na siya tumingin, malamig at kung nakamamatay lamang ang titig ay bumulagta na ‘ko. Pero nasisiguro ko naman na malaki ang epekto ko sa kanya dahil nagagawa pa niya ‘kong titigan nang masama. Naglagay ako ng pulang lipstick. Siniguro kong taas na taas ang buhok ko at inikot ko ‘yon para lumantad ang aking batok. Hindi gusto ni Claude na ipinakikita ko ang aking batok. Sunod sa comfort room ako ay nagsuot ng fitted black top na may v-cut—exposing my breast. Naglagay ako ng jacket pero hindi ko ‘yon isinara. Gusto kong ipakita kay Claude na kaya ko ring magpa-sexy! Maging ang pusod ko ay nakalitaw. Fitted black satin pants din ang suot ko na binagayan nang e inches black stiletto. Naglagay ako nang eyeliner at gray contactlens. Nang lumabas ako ay nagulat pa si Blue. Nginitian ko siya. “Puwede ba?” Umikot ako sa kanyang harapan. Tumango naman siya. “Pero, Yuki, m-masyadong sexy,” nagkandautal na aniya. “Kaya ko naman dalhin ‘di ba?” Nginitian ko siya. Nangiti siya. “Kayang-kaya!” Sabay kaming lumabas at sakto na susunod na kami. Si Takumi na saglit lamang akong nilingon ay biglang napaikot para tingnan ako. “What the!” Maging si Ruki halatang nabigla. “Why? Hindi ko ba kayang dalhin ‘to?” tanong ko sa kanila. Nangisi si Takumi. “Kayang-kaya, pero baka makapatay ako kapag may humawak uli sa ‘yo ngayon kaya magti-triple ingat ako.” “Kumusta na ang RSYND?” tanong ko. “As usual, malaki ang laban nila at halos masira ang stadium kapag sila ang kakanta. Para silang mga napainom nang malalang droga.” Napansin ko rin naman ‘yon. Kakaiba ang RSYND kahit ang dark nang kanilang theme. Para iyong sakit na palala nang palala. Para bang matututo kang mahalin ang depression mo dahil sa kanilang kanta. Iyon bang sasanayin ka nila sa dilim at hindi ka na maliligaw pa. “Yuki, handa ka na? Kinakabahan ka ba?” tanong sa ‘kin ni Ruki. “Handa na ‘ko, ito man ang maging huli natin dito, ibibigay ko naman lahat.” Nagkangitian kaming lahat at umakyat nang marinig namin na tawagin ang aming grupo Sa isang floating stage kami nakatayo at talagang bumirit kaagad ako. Maraming makukulay na ilaw. Maraming tao pero hindi ko na magawa pang tingnan ang kanilang mukha. Hindi ko alam kung nasaan si Claude, gusto ko na lang kumanta at iparating sa kanya, sa lahat, na hindi kailanman mananatiling mahina ang babae dahil lamang sa pag-ibig. Gusto kong iparating sa kanya na magiging matatag ako para sa ‘kin at sa GZ. Kung sakaling mahuli siya, wala na siyang babalikan pa. Narinig ko ang hiyawan. Nakita kong maraming nakiki-headbang. Sa paningin ko, nakuha ko na ‘yong pagtanggap na ako si Yuki Sawajiri, ay isa ng GZ. Hinding-hindi na mananatili pa sa anino ni Claude Stephen Hartwell. Tiningnan ko isa-isa ang mga kasama ko at nginitian. Si Blue, pinapatatag niya ‘ko, hindi niya ‘ko iniiwanan. Hindi ko alam kung totoo ang sinabi niya sa ‘kin dahil iniisip ko biro lang ‘yon… “Yuki, kung sakaling mahuli si Claude, hindi ko na pipigilan ang sarili kong mahalin ka.” Iyon ang salitang sinabi niya sa ‘kin kanina sa dressing room. “Thank you, thank you so much!” malakas na sabi ko. Kumaway pa ‘ko sa kanila. Lalo silang nanghiyawan. Maraming hindi ako gusto, maraming sinusubukang gustuhin ako, marami ring gusto ako, lahat ‘to ay bagi ng pinasok ko. Kung pinagtitiwalaan ako nang GZ, kailangan kong ipagkatiwala rin sa kanila ang aking buong sarili. Nang makababa kami ay tuwang-tuwa ako. Naibigay ko kasi ang best ko. Nakita ko bigla si Claude at ang grupo niya. Nakita ko ang masamang tingin niya sa ‘kin. Abala sila Takumi sa mga kabilaang interview. Alam kong mag encore sila Claude dahil sila naman ang nangunguna sa voting. Nagkasalubong kami ni Claude. “So, you are becoming a w***e, Yuki?” tanong niya sa ‘kin. Nabigla ako. Pero kahit alam kong malaking ang epekto no’n sa ‘kin. “Hmm? Who knows, Claude?” nginitian ko siya. Nakita ko ang pagdilim nang kanyang paningin. Naririnig ko na ang paulit-ulit na encore for RSYND sa audience. Tiningnan ako no’ng Zey or Zach nila. “Hey, beautiful, you are so sexy today.” Bulong niya. “Really?” Tinamisan ko ang ngiti ko sa kanya. “Thank you!” Nakita kong nangisi siya. Pero nagulat ako nang bigla ‘kong hablutin ni Claude sa braso. “Anong problema mo?” mariin kong tanong. “Sa harapan ko talaga, Yuki?” sarkastiko niyang tanong. “Bakit? Sino ka ba sa buhay ko? Bakit hindi ako puwedeng makipaglandian sa harapan mo?” matapang kong tanong sa kanya. Inalis ko ang kamay niya. “Excuse me, marami pa ‘kong babatiing lalaki.” Tinalikuran ko siya. Nanginginig ang buo kong katawan. Nakakatakot si Claude, para niya ‘kong papatayin sa tingin lamang. Mukhang hindi alam nila Ruki ang nangyari. Pero narinig ko ang encore nang RSYND. Nang marinig ko ang boses ni Claude, kumabog kaagad ang dibdib ko. Kahit kailan talaga, hindi ko magawang ikaila na napakagaling niyang kumanta. Iyon lamang ay mas madilim na ang mensahe ng mga kantang inaawit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD