Kabanata XI

1714 Words
Allison Pagpasok na pagpasok ko sa bahay, agad na sumalubong sa akin ang duguang katawan ni Marian. Anong nangyari? Agad akong tumakbo sa office ni Miss Zendelle at sinabi sa kanya ang tungkol doon. "Mabuti lang sa kanya iyan" Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon. "Ano?! Bakit? Ang laki ng tuling niya sa atin! Paano nangyari yun?" "Umupo ka" utos niya at sinunod ko naman iyon "Ilang taon na nga nating kadama si Marian?" Tanong niya "Five years na po" sagot ko "At five years na rin niya tayong niloloko" Sobra naman akong nagulat sa sinabi niyang iyon. "Siya ang nagtatago ng kalahati ng pera natin at hindi niya rin hinack ang pang17th na robot para mascan ang mga suspects. At.. Inatake niya ako kanina. Balak niya sana akong saksakin kanina pero buti na lang at nakailag ako kaya sa kanya ko itinarak yung hawak-hawak niyang kutsilyo." Nagngitngit naman ako sa galit. All this time pinagkatiwalaan ko siya tapos ganito lang ang gagawin niya? Kaya pala nagtaka kami kung bakit may nagising na isang robot kung nahack naman niya lahat ng iyon. Nagkamali kami ng pagkakakilala sa kanya. Lumapit naman sita sa akin at hinawakan ang braso ko. "Pumasok ka na sa kwarto mo. Ipapalinis ko na lang sa kanila ang bangkay niya." Dahan-dahan naman akong tumango at kumalas mula sa pagkakahawak niya sa akin saka naglakad patungo sa aking kwarto. --- Nakamask ako't nakasumbrerong pumasok sa school. Para akong isang artistang nagtatago sa mga fans niya o di kaya naman isang sikat na taong nakasuhan ng Estafa at nagtatago sa batas. Hindi agad ako namukhaan ni Sy pagpasok ko sa room dahil sa aura ko. Pero nakilala din naman niya ako nang umupo ako sa tabi niya. "Ano yang aura mo, ha?" Panimula niya "May pimples ako" palusot ko na lang "Weeehhhh, patingin nga" sambit niya at akmang tatanggalin na sana yung mask ko nang hawakan ko bigla ang kamay niya para pigilan siya. "Wag kasi" naiirita kong tugon "Sige na nga. Che!" Tss. Parang bata. Sige na nga tapos che. Tss. Dumating na rin si Ms. Ferthyil maya-maya pa. Kinuha naman niya ang folder na nasa bag niya at binuksan ito bago ibaling muli ang paningin sa amin. "Mr. Dequila, hindi akma ang surname mo sa seating arrangement na nandito. Much better kung magpapalit kayo ni Mr. Villova ng seats." Tumango naman siya at nakipagpalitan ng upuan kay Andrew. So katabi ko na ngayon siya. Tss. What an awful day! "Good" sambit naman ni Ferthyil, I mean Ms. Ferthyil nang magpalitan na sila ng upuan. Dinig na dinig ko naman na ang mga bulungan ng mga usiserang kapitbahay na nasa tabi-tabi. Tss. "Buti pa siya" "Ang swerte niya" "Nakakainis siya" Tss. Hindi niyo lang alam kung gaano ako kamalas ngayon at nakatabi ko siya. Is this a nightmare?! YES IT IS! Discussion.. Projects.. Tests.. Graded recitations.. At sa wakas! Tapos na ang klase! "Partner tayo sa project, ah" sabi ko kay Sy pero napa-pout lang siya. "Sorry pero may partner na kasi ako" sagot niya na ikinabigla ko at the same ikinainis. "Huh? Sino naman?" "Uhmm.. Si.. Ano... Si Keila. Sorry. Nauna kasi siya, eh" Napakamot naman ako sa ilong ko sa sinabi niya. Tss. Lagi naman kaming magkapartner, e. Tapos ngayon ipagpapalit niya lang ako kay Keila? Tss. Edi wow Maya-maya pa'y tumingin siya sa relo niya at dali-daling inayos ang gamit niya. "Hanap ka na lang ibang partner mo. Sorry talaga" sambit niya sabay takbo "Teka! Wala naman akong masyadong kaclose dun sa room, e!" Pahabol ko pa "Nanjan naman si Andrew!" WHAT THE HEDGEHOG! Sabi ko na nga ba, e. Kaya ako nagtataka kung bakit hindi siya pumayag na maging parters kami dahil meron siyang napakasama at kasuklam-suklam na balak. --- Andrew "Sorry Drew, partners na kasi kami ni Jade, e. Hanap ka na lang ibang partner mo." Sambit ni Den na ikinainis ko Sabi ko na nga ba dapat apat na lang kami para mga sa ganitong masasamang sitwasyon. Nakakainis kasi si Ms. Ferthyil, e. Pa-project ba naman ng partners. Tapos ang hirap la ng pinapagawa. Searching ng mga bigtime syndicates. Jusme! Tapos pa-essay pa about dun. At hindi lang yun, hindi raw kami dapat kumuha ng articles sa google at kailangan kami mismo gagawa ng article. Pusong gala naman talaga, oh! Palibhasa walang lablayp "Eh sinong partner ko?" Inis kong tanong sa kanila "Marami ka namang fans jan sa tabi-tabi, e. Edi mamili ka sa kanila." Sagot ni Den "Ayoko nga! Mga baklang yun!" "May sinabi ba akong bakla piliin mo?! Eto talaga oh" si Den Ang tahimik naman ni Jade "Ah, so gusto mo mamili ako sa mga malalanding babae dun?!" "Edi mamili ka ng matino!" Iiling-iling na sagot ni Den "Bakit di mo piliin si Allison." Nagulat naman kaming dalawa sa biglaang sagot ni Jade na yun Natawa naman ng bahagya si Den sa sinabi niyang yun. "Oo nga naman" "Tss. Edi mamili na lang ako ng iba" iretable kong sagot sabay tayo at umuwi na. Sy Wahahahahahahahahaha! Sana magwork ang plan naming tatlo nina Den at Jade. Sana sila nga ang maging partners para projects. Wahahahahahahahhahahahahahaha! At oo! Plano naming tatlo yun. Flashback.. Nang sabihin ni Miss Ferthyil yung tungkol doons a project, nagvibrate ang phone ko kaya pasimple ko iyong tiningan at doon ko nakita ang message sakin ni Den. Den: Hanap ka na ng partner mo bago pa magsabi sayo si Allison. Tss. Uutusan pa ako. Hindi ko lang pinansin yung text niya na yun pero maya-maya lang nagvibrate muli ang phone ko kaya tiningnan ko ulit yun at doon ko na nakita ang message sa akin ni papa Jade. Jade: Hanap ka na ng partner mo pero wag si Allison. Pwede yung katabi mo, si Keila. May isa pa siyang message at doon nabuo ang plano Jade: Namessage ko na rin yung classmates natin na maghanap na ng partner pero wag si Andrew dahil meron na siyang partner. At may isa pa! Jade: Once kasi na wala nang mahanap na partner sina Allison at Drew, doon na sila mapipilitang maging partners kahit ayaw nila. Hmm.. Oo nga noh. Sige na nga. Ship ko rin yung dalawang yun, e kaya okay na rin yung plano. Sy: K Yan lang ang sagot ko. Pasalamat ka kasi crush kita. End of flashback.. At iyon nga ang nangyari. Hahaha! I think our plan will work. Eilish "Eh bakit hindi na lang si Papa Andrew? Eh gusto mo naman siya diba" maarteng sabi ni Krystel "Eh kasi nagmessage sa akin si Jade tsaka si Den na maghanap ako ng ibang partner at wag siya kasi kapag hindi ako sumunod, lagot daw ako sa kanila." sagot ko naman "What?! Nagmessage din sila sayo?" Gulat na gulat na tanong sa akin ni Flor sabay tingin sa phone niya "Oo.. Bakit?" ako May pinakita naman siyang message sa akin at doon ko nakita ang text sa kanya nung dalawa na tinext nila sa akin. First message: Maghanap ka na ng ibang partner mo at wag si Andrew. Second message: Lagot ka sa amin kapag di mo ginawa pinag-uutos ko At galing ang messages na yun kay Jade at Den. Bakit ba kasi may halong pagbabanta yung utos nila? Ang harsh nila. "Yan yung messafe sakin. Eh sayo?" Tanong ni Flor "Ganun din sakin, e" mahina kong sagot "Ngek! Copy paste lang" si Krystel "Sa tingin ko lahat tayo sa room nakatanggap ng message nila kasi lahat tayo nagtinginan sa cp's natin diba?" Ang talino talaga ni Flor "Oo nga." ako Pero bakit hindi ko nakitang tumingin sa cp ang halimaw na Allison na yun? Tsk. Tsk. I smell something fishy. Allison Sino na kayang partner ko? Eh hindi naman daw pwede walang partner. Tss. Eh bakit pa? Edi ako na lang gumawa sarili kong article patungkol sa Dark Side. Eh hindi pwede! Lagot ako kay Miss Zendelle tsaka privacy is the best policy. Tsk. Tsk. Alangan naman pumunta pa ako kina Gaizer para magtanong patungkol sa grupo nila eh kaaway naman namin yung Walton League na yun. Tss. Ay tama! Wahahahhahahaha! I have a plan! Tama! Pupunta ako dun. Kaibigan ko naman si Gaizer kaya okay lang. So, pagkatapos kong pumunta dun, titingnan ko yung mga transactions nila tapos papakinggan yung mga pinag-uusapan nila tapos... Ay mali! Hindi ko na pala kaibigan si Gaizer kaya sige, patungkol na lang sa Dark Side ang gagawin kong article. Ay ang gulo! Oo nga tama! Dapat tungkol sa Walton League ang gagawin kong article tapos, magdadagdag ako ng mga walang katotohanang balita tungkol sa kanila, fake news ba, tapos sisiraan ko sila para mapabagsak sila. Tama! Ganun nga! Mas mabuti pang bumagsak na sila para wala na kaming kalaban. Tss. Bad naman ako nun pag ginawa ko yun. Pero bad naman talaga ako kaya okay lang. Sige. The plan is done. --- Kinabukasan, nakita ko yung mga classmates ko na sinisimulan na yung paggawa ng article nila, pero siyempre plano pa lang yun. Naghahanap pa sila ng magagawan, e. Buti pa ako, may alam na agad. Pero nakakainis talaga. Si Sy gumagawa na, si Jade gumagawa na sila ni Den, at yung Eilish na yun pati mga kaibigan niya. Ako na lang talaga nakatameme pa dito... Pati si An.. Ay aywan! Bahala na! Nagtaas ako ng kamay para magtanong kay Ferthyil. "Miss, pwede po bang kahit wala nang partner? Kaya ko naman po, e." Tapang-tapangan kong tugon dahilan para mapatingin sa akin ang lahat. Tss. Fame "Sige. But, I will deduct the half of your grade if you will be the only one to do your project." Tss. Sungit ng asungot. Tumahimik na lang ako. "Wala ka bang mahanap na partner?" Tanong sakin ni asungot "Opo miss" mabait kong sagot "Bakit? Hindi mo ba pwedeng maging partner si Mr. Villova? Tutal kayong dalawa na lang naman ang wala pa sa list." What an asungot! Nakakainis! Hindi pwede! Hindi ako papayag! "Okay po, miss!" Anak ng tofu! Papansin talaga tong Andrew nato! Walang magawa sa buhay! "Ayieeeeee!" Mga kaklase ko nga pala Wala kayong magawa sa buhay! At pati ba naman si Sy? Ughh I feel so hopeless, helpless, and friendless! Hindi naman na ako nakapagreact pa dahil naisulat na kaming dalawa sa listahan. Tss. What an awful world!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD