Kabanata XIII

1859 Words
Keila So, eto pala ang pinagmamalaki ng Dark Side? Oh! I thought that Allison Santivaniez was a wholesome one, but I was wrong. #dancingwithastranger Viral agad ang post ko na ito. Hmm, sa wakas at sira na rin siya sa mga tao. Akala ko pa naman matino siya Lasenggera naman pala Agresibo sumayaw sa hindi kilala Anghel sa panlabas pokpok sa panloob Iyan ang mga pinakanagustuhan kong komento galing sa iba. Wow naman! By the way, ako nga pala si Keila Swinnel at ako ang Dark Lotus ng Walton League. Ako rin ang ex-girlfriend ng campus heartthrob ng Sta. Monica Academy, si Andrew Villova. Masyado kasing sagabal sa mga plano ko si Allison na ngayo'y sira na sa mga tao. Siya rin ang dahilan kaya hiniwalayan ako ni Andrew. Tsaka pasikat siya sa mga tao. Kunwari pa siyang matino pero may tinatago rin namang baho. Allison Pagpasok ko sa campus, dinig ko agad ang mga bulungan ng bawat estudyanteng pagala-gala dito at alam ko na rin ang dahilan. Kitang-kita ko rin ang mga posters na nakapaskil sa bawat dingding at haligi nitong academy. Masyado nang pinairal ni Keila ang galit niya sakin. Ni hindi man lang siya nakapagtiis at talagang ginawa pa niya ito. Wala na. Sira na ako sa mga tao. Pero, matatapos ba ito ng wala akong ginagawa? "Allison! Sorry talaga kasalanan ko ang lahat. Sorry kasi hindi kita nabantayan. Sorry talaga" sinserong panimula ni Sy. "Wala kang kasalanan" maiksi kong tugon at naglakad na patungo sa room. Gaya ng kanina, puno na naman ng bulungan at usap-usapan ang paligid. "Ayan na ang munting w***e" "w***e everywhere" "Kunwari pa siyang malinis." Kinuha ko na lang ang dalawang cotton balls sa bag ko at isinalpak iyon sa tainga ko upang hindi ko na marinig ang mga tsismisan ng mga kaklase kong walang magawa sa buhay. Pag-upo ko'y nakaramdam ako ng hapdi sa pwetan ko. Anong meron? Nang tingnan ko naman ang upuan ko, doon na bumungad sa akin ang pitong maliliit na bagong thumbtacks. Salamat na rin at wala iyong kalawang. Pero anak naman kasi ng mahiwagang tofu! Paano nagkaroon ng thumbtacks dito tsaka sino ang may pakana nito? "Masarap ba sa pakiramdam ang maupuan ang sandamakmak na thumbtacks? Sa totoo nga lang kulang pa yan, e" Sabi ko na nga ba, e. Si Eilish lang naman ang may kakayanang gumawa ng mga bagay na to. Pasalamat siya wala si Andrew at talaga namang nakakahiya ang ginawa niya. "Oo nga pala!" tugon niya na para bang may naalala at tumingin sa lahat ng nandito at parang sinenyasan na may gawin ba. "Okay guys! Let us all give our respect to the queen of prostitutes, Allison Santivaniez!" sigaw niya habang nag-s-slow clap pa. Sumunod naman sa kanya ang mga utu-utong bayaran at nagbigay-pugay sa akin. Hindi ko na 'to kaya. Dali-dali akong lumabas ng room nang mapansing pabagsak na ang mga luha ko. Mga wala silang magawa sa buhay. Talaga bang umiikot na lang ang mundo nila sa mga ganyang gawain? Tss. Kasumpa-sumpang mga tao! Nasa garden ako ngayon at hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha ko dahil sa mga nangyayari. Ano bang nagawa ko? May narinig akong tinig sa kalagitnaan ng aking pag-iyak. "Poor Allison" nakakainsulto niyang tugon. Hanggang dito ba naman Eilish? Please, 'wag ngayon! "Dapat kasi nag-iingat ka hindi yung nagpapabaya ka. Yan tuloy, anong nangyari sayo? *laugh slightly* People now think that you are a w***e of a man you didn't know." she said sarcastically. I breathed deeply. Hindi ko na 'to kaya. Sumusobra na siya. Yumuko ako na para bang wala lang pakealam sa mga sinasabi niya saka pasimpleng kinuha ang syringe ko sa bulsa. "Poooooooor PROSTITUTE" ulit pa niya na nagbigay lalo sa akin ng dahilan para magawa ito sa kanya. Agad akong tumayo at pabiglang itinurok sa kanya ang injection dahilan para mahilo siya. "Anong nangyayari?" mahina niyang tugon at maya-maya pa'y tuluyan na siyang nawalan ng malay. Sabi ko naman sa'yo huwag mo akong susubukan. Agad ko siyang isinakay sa motor ko at nagmaneho patungo sa headquarters namin. Double purpose 'to. Makakaganti na ako sa kanya at maibabalik ko na ang ginawa sa akin ni Keila. Hindi lang yun 'cause I can now see our victory. Nakikita ko na sa balintataw ko ang pagbagsak ng kabilang sindikato sa planong gagawin ko. Nagpatulong ako kina Kuya Andrew at Kyle na igapos ang babaitang ito sa budega. "Ano bang nangyari?" tanong ni Kuya Andrew "Wala. Tuturuan ko lang 'to ng leksyon" ngingisi-ngising sagot ko. "Nga pala, Allison, kalat na ang picture mo, ah." nag-aalalang tugon ni Kuya Kyle. "Hayaan niyo na yun. Wala namang katotohanan, e" sagot ko "Sige na mga kuya, ako na bahala dito" sambit ko at umalis na sila. Almost a minute nang magising siya. She rolled her eyes all over the room but the only thing she can see is the dim light and me. Hindi siya makapagsalita kasi nakatape ang bibig niya. Pero may awa naman ako kaya nilapitan ko siya at saka pabiglang tinanggal ang tape dahilan para mapasigaw siya sa sakit. "Shhhh" saway ko with matching quiet sign pa. Wala naman siyang ibang magawa kundi ang sundin ako dahil wala rin naman siyang kawala, e. Mas lalo niya lang ilalagay sa bingit ng kamatayan ang sarili niya kapag nag-ingay siya. Poor Eilish. Kinuha ko naman ang cellphone ko at ipinakita sa kanya ang picture ni Keilish, ang nakababata niyang kapatid. "Bakit ka meron niyan? Anong gagawin mo?!" Kitang-kita ko naman ang pag-aalala sa kanyang mga mata. "Huwag kang mag-alala, wala naman akong gagawing masama sa kanya NGAYON." talagang inemphasize ko pa yung word na ngayon kahit hindi ko naman talaga kayang gawin iyon. "What do you mean?" "Ganto kasi yan, alam ko kasing expert ka sa pagsisinungaling at pagpapakalat ng FAKE NEWS. Kaya nga naman kit napili para tulungan ako sa plano ko." "At ba--" "At kapag hindi mo ako tinulungan, ang pinakamamahal mong kapatid, which is si Keilish ay mawawala sa mundo." Namugto naman ang kanyang mga mata sa mga sinabi ko sa kanya. "Please.. Wag mo siyang sasaktan.. Please.." This is the first time I heard the word please from her but I don't want mercy to prevail over me. "Hindi ko naman siya sasaktan KUNG susundin mo lahat ng ipinag-uutos ko at kung hindi ka magsusumbong sa mga pulis. Get it?" I smirked after I said that "A-ano bang dapat kong gawin?" Humakbang naman ako palayo sa kanya habang sinasabi ang mga plano ko. "Simple lang, pumunta ka sa police station at sabihin mo ang nangyari sayo ngayon PERO sa ibang pangalan. Sa pangalan ni Keila Swinnel at ibihay mo rin sa kanila ito *sabay abot sa kanya ng papel* Oopss.. I forgot, nakagapos pala ang mga kamay mo. Uhmm, so address ang laman ng papel na ito. Ibigay mo lang sa kanila ito at sabihin mong iyan ang address kung saan ka nila dinala. Sabihin mo rin sa kanila na kasama sa mga dumukot sayo at tumorture sa iyo ay sina Vaizer, Terrence, Ailkine, Triv, Sweden, at Gaizer ng Walton League kaya wala dapat silang palampasin sa mga suspects. Isa pa, sabihin mo rin sa kanila na ordinary car lang ang gamitin nila para hindi iyon magbigay warning sa kanila." Huminto ako panandalian bago muling nagbitaw ng salita. "Papalayain kita ngayon pero siguraduhin mong magagawa mo ang mga iniutos ko sayo at kung hindi, alam mo na ang mangyayari" pananakot ko pa. Tumango naman siya at kinalas na ang kadenang nakapulupot sa palapulsuhan niya. Eilish Wala na akong iba oang mgawa kundi ang sundin ang lahat ng ipinag-uutos niya. Mahirap pala siyang kalaban. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana pala hindi ko na lang siya ininsulto. Pagdating ko sa police station agad kong ikinwento ang nangyari sa akin at siyempre gaya ng sinabi niya, gawin ko raw na Keila Swinnel ang suspect at yung mga pangalang sinabi niya. Ibinigay ko rin sa kanila ang papel na ipinapaabot sa akin ni Allison at siyempre ang ipinagbilin niya sa akin na ordinary car lng ang gamitin nila. --- Allison Sinundan ko na ang mga pulis sa pagpunta sa headquarters ng kalaban. Sumunod naman sila kay Eilish na ordinaryong sasakyan lamang ang gamitin nila. Sinenyasan ko rin sila na sundan nila ako para hindi sila mahagip ng CCTV cameras na pumapalibot sa Walton Subdivision. Doon kami dumaan sa Hardenia Residencia na isang lagusan tungo sa Kalye Trese sa likuran ng subdivision. Huminto naman kami sa White Mansion kung saan nandoon ang garden patungo sa likuran ng headquarters nila. "Marunong naman siguro kayong magparkour?" paninigurado ko Tumango naman sila sa akin at sinimulan na namin ang pag-akyat patungo sa rooftop ng mansion na tinutuluyan nina Keila at doon na nga sinimulan ang paghuli sa kanila. ... ... ... Nakita kong lumabas mula sa pintuan si Keila at tumakbo patungo doon sa ladder para bumaba pero pinigilan ko siya. "Oh! Nice to meet you" nakakainsultong bati niya pa Hindi naman na ako nagpaliguy-ligoy pa agad n siyang sinuntok pero agad din nman niya itong nablock at doon na nagsimula ang ikatlo naming paglalaban. *** Halos sumuko na ako sa laban namin nang muli kong maalala ang kawalanghiyaang pinost niya sa sss dahilan par masira ako sa mga tao. Hindi to pwede. Kailangan kong lumaban. Patayo na sana ako noon nang bigla niya akong tadyakan sa mukha. Nakita ko namang nagkabas siya ng baril at itinutok iyon sa akin. Hindi pwedeng gumalaw. Mas lalo ko lang ilalagay ang sarili ko sa kamatayan kapag nanlaban pa ako kaya naman ipinikit ko na lmang ang aking mga mata at naghintay sa tawag ng kalikasan. Mga nasa sampung segundo rin akong naghintay ng putok ng baril ngunit wala man lang nangyari. Bakit? Agad kong iniangat ang aking ulo at doon ko nakita ang pinsan kong itinuring kong kalaban, si Kuya Gaizer. Halos mangiyak-ngiyak ako sa nakita. Kahit pala papaano, iniligtas pa rin niya ako. Mas pinili niya ako kaysa sa amo niya. Hiyang-hiya ako sapagkat itinuring ko siyang kaaway gayon ma'y kamag-anak pa rin ang tingin niya sa akin. "Kuya.. Gaizer.. " mangiyak-ngiyak kong tawag saka tumakbo patungo sa kanya ngunit nang malapit na ako'y nagulat naman ako nang bigla siyang tumumba sa aking harapan. Halos magdilim ang buong paligid sa nangyari at siya lamang at ang dugo sa paligid ang aking nakikita. Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya. "Kuyaaaaaaa!! Gising! Gising!" My voice was broken when I shouted the last word but it doesn't matter now. Napakabilis ng oras. Parang kahapon lang kausap ko pa siya tapos ngayon wala na siya. Ang bilis. Kuya Gaizer sorry, ah. Sorry kasi itinuring kitang kaaway, itinuring kitang kalaban. Kuya Gaizer sana sa pupuntahan mo ay sumaya ka. Huwag mo sana akong kalimutan, ah. Alam kong may natitira pa akong puwang jan sa puso mo kaya umaasa ako na kahit kaila'y hindi mo ako makakalimutan. Kuya Gaizer, sana mapatawad mo ako. Napakahirap kasing labagin ang mga kautusan ng sindikato at alam mo naman na kamtayan ng parusa sa bawat paglabag ng tao diba? Kaya sana maintindihan mo ako. Hindi kita kakalimutan at kahit kaila'y hindi kita makakalimutan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD