Kabanata XV

1518 Words
Keila "Eh bakit hindi niyo nga nakita sa subcams ang pagdating ng mga pulis?!" galit na galit kong tanong sa kanila. "S-sorry.." hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin pa ni Lander dahil pinaputukan ko na agad siya ng bala Anong magagawa ng sorry niya e huli na, wala na. Wala na ang Walton League, sira na dahil sa kapabayaan nila. Ngayon, tatlo na lang kami nina Dwaigne at Veil. "Pwede pa naman po maibangon ulit ang--" Ayoko nang patapusin pa ang sasabihin ni Dwaigne dahil nga gali na galit ako sa mga nangyari. "Maibangon? Oh, so papaano?" I asked sarcastically "Pwede naman tayo magrecruit ulit ng bago, eh" I got calmed when Veil said that "Pero aabutin ng ilang taon? Matagal diba?" "Eh gaya nga rin ng dati, magrecruit tayo tapos i-train natin. Gawin natin ang lahat ng Dark Lotus" Dwaigne suggested Napatango-tango naman ako sa mga sinabi nila pero kahit na ganoon, may unti pa ring galit ang nananahan sa puso ko. "Let's do everything for Walton League" Allison Inayos ko na ang mga gamit ko at akmang uuwi na nang tawagin ako ni Andrew. "Allison! Hatid na kita!" pagmamagandang-loob niya "'Wag na! May pupuntahan pa ako?" "Saan?" "Daming tanong, ah" "Curious lang ako" "Curious ka pala. Saan? Sakin?" Sagot ko with matching evil smile pa "Hindi, ah. Saan ka nga pupunta?" "Tsk. Sa airport" blangko kong sagot Bilis magbago ng mood Paalis na sana ako nang muli nanaman siyang magtanong "Aalis ka nanaman ba?" Nakakarami na 'to sakin, ah "Oo" "Iiwan mo na naman ako?" Nagulat ako sa tinanong niyang iyon. Diba wala lang siyang pake kung umalis ako? Sabi niya yun sakin dati, eh. Tapos ngayon ganyan ang tanong niya. "Iiwan mo nanaman ba ako?" Ulit pa niya "Ano naman sayo?" Tugon ko at naglakad na papalayo pero hindi pa ako nakakarami ng hakbang, nagsaiita na naman siya dahilan para mapahinto ako. "Mahal kasi kita, eh." Ano bang sinasabi niya? "Mahal kasi kita kaya 'wag mo akong iiwan." Chill pa niyang utos. "Ano bang sinasabi mo?!" Inis ko nang tanong "Sa tingin mo ba gagawin ko yun sayo kung wala akong feelings para sayo? Mag-isip ka nga" "Marami akong gawin sa buhay ko at ayoko lang umikot ang mundo ko dito." Humalukipkip naman siya na para bang okay na sa kanya na umaiis ako. "Sige. Umalis ka." Mapa-oaky na sana ako nang may bigla siya muing sabihin sa akin. "Pero walang sisihan kapag napunta ako kay Keila." Napatitig ako sa kanya ng panandalian pero umiling na lang ako at umalis na nang mahimasmasan. Ano bang sinasabi niya? Edi pumunta siya kay... Ano? Keila? Anong Keila? Diba patay na yun? Ahhh.. Baka ibang Keila yun. Baka EX niya yun. Tss. Edi bahala siya. Ako pa tinakot niya. Edi kung bumalik siya kay Keila edi bumalik siya. Walang pumipigil sa kanya. Itali ko pa sila, eh! Nagmotor na lang ako papuntang airport at nagpabook papuntang Texas. Napahinga naman ako ng malalim nang makuha ko na ang ticket. Tama ba 'tong gagawin ko? "Oo naman" Bulong ko pa sa sarili Sa Friday na ng umaga ang alis ko. Wednesday pa naman ngayon kaya makakapaghanda pa ako. Pagbalik ko sa unit ko, nagsimula na akong mag-impake para hayahay na pagdating ng gabi. Marami akong gustong gawin pagdating sa Texas. Doon na rin kasi ako titira saka doon ko na rin tatapusin ang pag-aaral ko. Atlis doon walang mga asungot tsaka sagabal sa mga plano ko. --- Kinabukasan, nagpunta akong supermarket para may panlaman sa ref pero habang naglalakad ako'y may namataan akong isang babaeng sobrang pamilyar sa akin. Nilapitan ko pa siya hanggang sa maging malinaw na sa akin ang mukha niya. Hindi. Hindi 'to pwede. Patay ka na diba? Alam ko patay ka na. Pero bakit nandito ka pa? I rubbed my eyes just to see things clearer but I can still see her. Maya-maya pa'y napatingin siya sa gawi ko dahilan para makita niya ako. Napangisi naman siya habang naglalakad papalapit sa akin. "Good morning, Allison! Nice to meet you!" Nakakaasar na bati niya "Again.." Pagkasabi niya noo'y may isang matigas na bagay ang humampas sa akin dahilan para mawalan ako ng malay. Paggising ko. nasa isang lumang warehouse na ako. Inilibot ko ang aking paningin at mayroon akong namataan sa 'di kalayuan. Sa pangangatawan at postura niya'y kilala ko na siya kahit nakatalikod lamang siya. Maya-maya pa'y humarap na siya sa akin kaya naman nakita ko na kung sino siya. Hindi nga ako nagkamali. Siya nga. Si Keila nga. "Hi! Good evening!" pang-asar na bati niya "Ano ba kasing kailangan mo?!" iretableng tanong ko "Chill... Hindi naman kita sasaktan, sa ngayon. Pero mamaya... *kumuha siya ng baril at itinutok iyon sa akin* Ipuputok ko na 'to sa bungo mo. Pero don't you worry, papatagalin ko pa naman kasi... Maglalaro muna tayo" paliwanag niya while wearing her evil and demonic smile. Pero siyempre magpapakamatay na lang ba ako nang hindi siya naaasar? Hmm. Siyempre hindi. Kaya naman tiningnan ko siya ng diretso sa mata at saka tinapatan ang ngiti niya. "I'm so scared" ngingisi-ngisi kong sambit dahilan para mapabusangot ang mukha niya Pikon? Humakbang siya papalapit sa akin saka tinitigan ako ng mga nanlilisik niyang mga mata at maya-maya pa'y bigla niya akong sinampal gamit ang kanyang baril dahilan para tumulo ang aking dugo sa sahig. Mas lalo pa siyang lumapit sa akin at hinawakan ang aking baba para iharap ang mukha ko sa kanya. "Wag ka na kasing lumaban" gigil niyang tugon "Eh sa gusto kong lumaban, eh" asar ko pa "Tumigil ka!" sigaw niya sabay hampas na naman ng baril sa aking mukha. Wala akong pakealam kung ano mang mangyari. Ang mahalaga mainis ko man lang siya kahit sa huli kong hininga. "Wala kang kadala-dala. Alam mo namang wala kang laban sakin sabat ka pa ng sabat!" Itinutok niya muli sa akim ang kanyang baril at ipapaputok na niya iyon sa akin ng biglang nagkagulo sa labas dahilan uoang maibaling niya ang paningin niya doon. Ang hindi niya lamang alam ay dahan-dahan ko nang kinakalas ang lubid na nakapulupot sa aking palapulsuhan at nang tuluyan ko nang makalas iyon, naghintay na lamang ako ng tamang panahon para ibalik sa kanya ang lahat ng ginawa niya sa akin ngayon. Nang wala na siyang marinig, muli na naman niyang ibinaling ang kanyang paningin sa akin. "Any last words?" tugon niya Ngunit muli na namang nahinto ang pagpatay niya sa akin nang may biglang bumukas ng pintuan at doon na lamang ako nagulat nang makita kung sino siya. "Andrew?" mahina niyang sambit Naglakad naman siya patungo sa kinaroroonan naming dalawa. "Pwede bang itigil mo na yan?" tugon niya ngunit umiling lamang si Keila "Hindi!" sigaw niya sabay tutok muli sa akin baril ngunit agad naman itong naihagis ni Andrew sa ere. Ibinaling ni Keila ang paningim niya sa kanya at saka ito sinuntok na para bang lalaki. Dali-dali naman akong tumayo at saka siya sinipa bago hilain si Andrew palayo sa kanya. "Bumalik kayo dito!" sigaw niya saka pinulot ang baril Bago naman niya ito maipaputok ay nakalabas na kaming dalawa doon. Tumakbo kami papasok sa kanyang sasakyan habang patuloy kaming hinahabol ng demonyong Keila na yun. Kotse ang gamit namin samatalang motor naman ang gamit niya. Mas lalo pa niyang pinabilis ang pagpapatakbo sapagkat patuloy kaming nakakadinig ng mga putok ng baril sa kung saan. Sa kalagitnaan ng kanyang pagpapaharutot ay mayroong isang truck na sumulpot mula sa kabilang kalsada dahilan para biglaan niyang mailiko ang sasakyan patungo sa gilid ng tulay at doon na nga nangyari ang trahedyang naging laman ng pahayagan. -------------–--------------------------------------------------------- Walang reaksiyon kong binabasa ang dyaryong ito habang umiinom ng tsaa. "Kumusta?!" masayang bati sa akin ni Dike Alfonso, ang ama ng sindikato kung nasaan ako ngayon... Ang Black Republic.. To Be Continued.. --------- So hi wazzup mga kababayan! So hanggang dito na lang po ang The Good Assassin! Salamat po sa support at sa pagbabasa niyo! Labalatsss!!! Magandang araw mga kababayan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD