Allison
"Buti na lang talaga at pinatulan mo yung aswang na yun. Nakaw! Tingnan natin ngayon kung makakalapit pa siya sayo"
Nandito kami no Sy sa canteen ngayon habang kumakain ng lunch. Habang nag-uusap kami, aksidente akong napatingin sa table 3 sa kaliwa namin at doon ko nakita yubg tatlo. Napatingin naman ako kay Andrew na ngayo'y nakikipagkwentuhan sa dalawa. Bahagya naman siyang napatingin sa gawi ko hanggang sa magtama ang aming mga mata. Sabi nila kapag may nakipagtitigan sayo, wag kang magpapatalo! Kaya sige! Magtitigan tayo!
1
2
3
4
5
...
24
25
What the--! Ang tindi naman niyan!
29
30
"Hoy!" Sabay-sabay na sambit nina Jade, Den at Sy dahilan para mapatingin sa amin ang mga tao.
"Bakit?!" Nagulat ako kaya napalakas yung tanong ko. Tutal nakatingin na din sa amin ang mga estudyante, edi itodo ko na yung pagpapapansin.
"Sino bang tinitingnan mo jan?" Tanong ni Sy.
"W-wala.. Wala!" Sagot ko peeo nainis din ako sarili ko kasi nautal ako edi alam na niyang... Ay jusko! No!
Tiningnan niya kung saan ako nakatingin at doon niya nakita si Andrew.
"Ahhh kaya naman pala. Kay Mr. Right naman pala siya nakatitig."
"Jusme! Anong Mr. Right? HINDI ah" pabulong ko.
Ngumiti naman siya sa akin ng ngiting aso saka bumalik sa pagkain at ganoon din ako. Hindi ko na tiningnan ang S3 short for Shokoy 3 kasi ayoko na.
---
Nandito ako ngayon sa office ni Mr. Alfonso kasi kakausapin niya raw ako about doon sa pagiging member ko ng varsity team.
"Good afternoon po!" Bati ko
Pinaupo naman niya ako at nagsimula nang magsalita.
"So welcome sa Sta. Monica Varsity Team." Panimula niya at ngumiti naman ako
Kinuha naman niya ang blue na folder na nasa drawer niya at binuklat ito saka ipinakita sa akin.
"Eto ang school calendar natin at sa darating na April 24 ay magaganap ang Inter-School Sports Competition at kasama ka sa mga representatives ng school."
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni niya.
"Sir.. Uh... S-sorry po sir.. Kasi.. Uhmm.. Kasi sir hindi po ako pwede sa April 24 dahil meron po kaming.. Uhmm.. Special mission sa Sacred Heart, sa Bacolod po, dun sa mga special children. Eh hindi naman po ako pwedeng umabsent dun kasi outreach po yun, e. Sorry po sir talaga." Uutal-utal kong paliwanag.
Napasandal naman si Mr. Alfonso sa upuan niya.
"So paano na ngayon 'yan? Hindi na ba pwedeng mamove yang outreach niyo?"
"Naku sir hindi po pwede kasi programed na po yun tsaka yung mga tao is umaasa na darating kami sa ganoong oras."
"Ahh okay, napakabait mo kasi"
Bahagya naman kaming natawa sa sinabi niya. Tss. Yan ang sinasabi ko sa inyo na napakabait ko sa paningin ng mga tao.
"Hindi naman sir"
"Pero in case na hindi ka talaga makakadalo sa competition, we have no choice but to replace you." Seryoso niyang tugon.
Tumango naman ako sa kanya at nagokay sign na parang okay lang talaga sa akin na palitan ako kahit hindi naman. "Okay lang po sir, masyado po kasing importante sa akin ang dalawang yun pero kailangan ko po talagang mamili sa dalawa kung saan po ako dadalo. Kaya sorry po talaga" Sinsero kong sambit.
Napatango naman siya at isinara na ang folder.
Tumayo naman na ako at nagpaalam bago lumabas ng office niya.
Nakakainis. Kung wala sana kaming misyon edi sana makakadalo ako sa competition. First time ko pa namang irerepresent ang Sta. Monica Academy sa ganoong palaro tapo hindi pa ako makakadali. Hay nakaw!
Andrew
Nandito ako ngayon sa library para magsearch tungkol sa mga assassins at para maconfirm ko na kung totoo ba talaga ang sinasabi ni Allison.
Una kong sinearch ay siyempre ang mga assassination groups at mayroon lamang dalawang nagtop doon at iyon ay ang Dark Side at ang Walton League. Inuna ko ang Dark Side ngunit wala akong nakitang mga miyembro nito. Ang tungkol lamang sa kanila ang nakita't nabasa ko at siyempre ang palatandaan nila, ang tattoo. Korteng agila ang tattoo nila at pinaghalong itim at pula ang kulay nito. Ngunit kahit ganoon man ang kulay, napakaliit lamang nito kumpara sa tattoo na mayroon ang Walton League. Halos napapalibutan kasi ang forearm nila ng tatoo nilang mala-illuminati ang datingan. Grabe, tattoo palang masama na.
Magsesearch pa sana ako patungkol sa iba ngunit bigla nang tumunog ang bell kaya naman agad kong pinatay ang computer at dali-daling lumabas sa library. Nakasalubong ko naman sa daan ang dalawang unggoy kaya sabay-sabay na kaming umakyat sa second floor at pumasok sa room.
Allison
Nanghihinayang pa rin talaga ako sa competition. Pero may misyon kasi ako, e. Hindi ko dapat ipasawalangbahala yun. Starter lang naman ako kaya hindi ako makakapatay pero kapag nagkahulihan, isa ako sa mga suspects siyempre.
(Discussion)
Break na namin at nandito ako ngayon sa garden kasama at ako lang mag-isa. May sakit si Sy kaya hindi siya makakapasok ngayon.
Habang nagrerelax ako dito, may biglang tumabi sa akin at kitang-kita ko sa peripheral vision ko kung sino siya.
"Nandito ka nanaman" panimula ko
"Allison, gusto ko sanang magsorry sa mga nangyari" sinsero niyang tugon
"Wala na yun" walang emosyon kong sagot at hanggang ngayon, hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.
"Narealize ko lang na masyado na pala akong masama" hindi ko lang siya sinagot
"Tsaka narealize ko lang na hindi pala lahat ng binubully ko, talunan, mayroon din naman palang palaban." Pagpapatuloy niya
"Kinausap ka pala ni--" hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya dahil pinutol ko na agad iyon.
"Pwede bang layuan mo na ako. Huwag mo na akong kakausapin. Pinatawad na kita pero hindi yun nangangahulugang pwede na tayong maging magkaibigan. Tandaan mo, isa akong assassin, pumapatay ako ng tao at kapag nainis ako sayo, isang iglap lang wala ka na sa mundo."
Binitbit ko na ang pouch ko at umalis na doon. Sa totoo lang, tapang-tapangan lang ako. Naguguluhan kasi ako sa nararamdaman ko sa tuwing makikita ko siya. Ayokong mapalapit ang loob ko sa kanya dahil ibang-iba ako sa kanila. Ibang-iba ako sa mga estudyante dito. Naging best friend ko lang naman si Sy kasi ang daldal niya pero natutuwa ako sa kanya. Siya kasi yung tao na kahit ang daldal may kabuluhan naman yung pinagsasabi.
Pumunta na lang ako ng canteen at bumili ng tacos at doon kinain sa gym. Walang tao dito kasi kadalasan sa mga athletes, doon nag-t-training sa gym 2. Bagong renovate kasi yun kaya doon lahat sila nagsasanay. Pero akala ko wala nang tao dito pero mali pala ako. Nakita ko kasi si Jade na nandoon sa kabilang bench at nakatingin sa gawi ko. Akmang aalis na sana ako nang bigla niya akong tawagin.
"Allison!" Tawag niya at tumakbo patungo sa akin.
Humarap ako sa kanya at nakipagtitigan mata sa mata. Wala naman akong dapat ipangamba dahil wala naman siyang hypnotizing power kaya okay lang.
"Allison, may problema ka ba?" Diretso niyang tanong.
Kumalas naman ako sa pagkakahawak sa kanya at sinagot yung walang kwenta niyang tanong.
"Meron at kayo yun" Iyon ang huli kong sinabi bago ako naglakad palayo.
Walk out peg talaga ako ngayong araw na 'to. Siguro gawa na rin to ng pagkakareplace sa akin. Pingarap ko pa naman ang makasali sa varsity team tapos eto na nga, nakasali na nga ako pero anong nangyari? Ekis agad sa competition. Oh diba! Anong klaseng athlete yun? Kabago-bagong miyembro replaced agad! Hay naku!
Dumiretso na ako sa room at hinintay na yung teacher namin pero sa kasamaang palad, biglang nagbrown out kaya inanunsyo agad ng napakaganda naming principal na suspended ang klase namin kaya maaga kaming makakauwi.
As usual, tuwang-tuwa ang halos lahat ng classmates ko pero ako, hindi. Hindi ako masaya kasi dito lang ako nakakapag-isip ng maayos. Sa headquarters kasi namin puro training ang ginagawa. Kung hindi naman training, meeting. Halos buong araw namin ginugugol namin sa pag-t-training. Training kung paano pumatay.
Zennaiah
Iniimpake na namin nina Kylie at Elise ang mga gamit namin para sa trio to England namin. Si Allison kasi, parang wala siyang gana simula nung nareplace siya sa competition. Pero siyempre siya pa rin ang mag-aayos ng gamit niya. Ano siya? Sinuswerte para kami ang magkusa na ayusin ang mga gamit niya? Huh! No way low way!
"Oh ayan na pala siya!" Biglang sambit ni Elise na ikinagulat ko.
Nakita ko naman tong si Allison na may laklak na yakult. Oh diba! Ang laki-laki na tapos nagyayakult pa.
Inihagis niya ang bag niya sa sofa kaya naman nagulat kami sa ginawa niya.
"Nakakainis!" Sigaw niya
"Hala siya" si Elise
"Nakakanis!" Muli niyang sigaw at dumamba sa sofa at pinagpapalo ito.
"Hoy bakit ka ba naiinis?" Tanong ko pero nagsisigaw lang siya habang nakasubsob ang mukha sa sofa.
Baliw na talaga. Napailing na lamang kami at ipinagpatuloy na ang ginagawa. Maya-maya pa'y pabila na siyang umupo habang kumakamot ng ulo. Gulo-gulo na ng buhok nitong babaitang 'to.
"Ang sungit ko kanina kay Andrew." Iretable niyang sambit
Natawa naman kaming tatlo sa sinabi niya.
"Oh bakit kayo natatawa?" Walang kaalam-alam niyang tugon
"Talaga naman ang pag-ibig, oh" panunuya ni Kylie dahilan para tingnan siya ng masama ni Allison pero dedma lang sa kanya yun.
"Anong pag-ibig? Walang pag-ibig!" Sigaw niya sa amin
"Kunwari ka pa eh sa tuwing nababanggit ang pangalan niyang Andrew na yan, eh halos puputok na ang mukha mo sa pula" singit ko naman
"Isa ka pa" ang laki talaga ng mata niya.
"Pero kahit na, kay Papa Jade pa rin ako." Tugon naman ni Elise
"Sus kahit kailan ka talaga." Sambit ko
"Ano ka ba Lis? Mas bagay ang AlDrew kaysa sa AlJade noh tsaka, maalam sa pakikipaglaban si Papa Drew, eh si Jade mo ba, anong alam? Puro pagpapacute lang." Depensa naman ni Kylie na parang akla mo'y isang batang pinapagalitan ng principal
"Anong AlDrew?! Anong AlJade?!" Galit na tanong ni Macquelle
"Hahaha! Sa tuwing kinukwento mo kasi sa amin yung Andrew na yun, ginawan na namin kayo ng love team. Ayieee" paliwanag ko
"Bahala nga kayo jan!" Sigaw niya sa amin
Napakamot naman sa ulo itong biktima namin at padabog na pumasok sa kwarto niya. Tawang-tawa naman kaming tatlo sa nangyari. Tsk. Tsk. Strike 4!
Jade
Nakasandal ulit ako dito sa kotse ko habang nagsusunog ng baga. Ang boring kasi sa bahay, wala akong magawa.
"Jade!" Napalingon naman ako sa gawing kaliwa ko at nakita ko si Den na papalapit sa akin.
"Oh!" Bati ko
"Bat ka nandito?"
Oh diba! Ang ganda ng bati ko.
Sumandal din naman siya sa kotse ko at nagsindi din ng yosi.
"Si Drew kasi, ang laki ng problema niya dun kay Allison." Panimula niya
Napatingin naman ako sa sinabi niya.
"Ano?" Tanong ko
"Eto kasing si Allison, sinabihan siya na lumayo sa kanya."
"Sus. Yun lang? Eh ba't di mo na lang tinext sakin yan."
"Eh kasi, gusto niya gumawa tayo ng plano para mapaamo natin si Allison. Gusto niya gumawa tayo ng paraan para mapagbati sila." Paliwanag noya
"Tss. Paano bang plano?" Tanong ko
"Ewan ko, eh ikaw magaling sa mga pagpaplano, e"
"Ikaw na bahala" tamad kong sagot
"Eh anong gusto mong gawin ko? Magpapogi dun kay Allison tapos sabihin ko 'hey Allison bla bla bla' naku"
"Ulul! Hindi ganun yun!"
"Eh paano ba?"
"Edi kausapin mo ng maayos."
"Luhh"
"Tsaka bakit tayo yung pinapagawa niya ng plano, bakit hindi siya?" Iretable kong tugon
"Teka nga. Galit ka ba?" Tanong niya
"Hindi. Inaantok lang."
Itinapon ko na ang sigarilyo ko at pumasok na sa loob.