Allison
Nandito kami ngayon sa palace gates at hinihintay ang pagdating ng commander. Nasa sampung minuto rin kaming naghintay at sa wakas, dumating na rin ang pinakahihintay namin.
Agad kaming nagtago sa likod ng poste at inabangan ang paglabas niya.
"Pagtapak niya sa red spot, tsaka natin siya barilin."
Tumango naman ako.
"Maghihiwalay tayo. Doon ako sa great wall ikaw naman dito. Okay?"
"Okay"
Isinuot ko na ang earpods ko at naghiwalay na kami. Inabangan naman namin si commander at makalipas lamang ang dalawang minuto, nandyan na siya.
"Game" sambit niya
Ipinutok agad namin ang baril pagkasabi na pagkasabi niya.
Agad namang bumulagta sa gitna ng red spot ang commander at doon na kami nakahanap ng magandang tiyempo para makuha mula sa kanya ang VIP Card. Dali-dali naman na kaming tumakbo matapos kong makuha iyon.
Pagkarating namin sa bahay, agad naming inireport kay Miss Zendelle ang nangyari.
"After three hours, sisimulan na ang plano" sambit ko
"Elise, Kylie, Zennaiah, final training tayo sa garage." Tugon ko at pinangunahan sila sa garahe.
Sumunod naman sila at nagsimula na kaming magtraining.
Andrew
Hindi ko nakita si Allison kahapon. Pero okay na siguro yun para wala nang gulo. Kalimutan na nga diba. So bakit pa ako nag-aalala?
Dumiretso na ako sa corridor 2 kung saan nandoon na yung dalawang unggoy.
"Naks naman Drew, astig ng aura mo, ah. My date ka?" Pambungad sa akin ni Den.
"Tss." Iyon na lang ang naisagot ko sa kanya.
Bakit ba? Tinatamad ako, e
Nilingon ko naman si Jade at naglalaro lang siya ng rubics cube.
"Balak mo bang sumali sa competition at walang oras na hindi ka naglalaro niyan?" Tanong ni Den
"Eh gusto ko e"
Oowwwwsss!! Basag nanaman ang kawawang Den. As always naman, e. Kaya nga siya yung pinakakawawa sa aming tatlo dahil siya palagi ang nababara.
"Geh ganyan kayo, ah"
Isip bata talaga 'to kahit kailan.
"Hi Andrew!" Pabebeng bati sakin ni Eilish.
Tss.
Hindi lang namin siya pinansin. Bahala siyang mapahiya jan. Wala akong pakealam sa kanya.
"Andrew, may pupuntahan ka ba mamaya?" Pabebe as always
"May get together kasi kami ng mga friends ko mamaya. Gusto mong sumama?"
Ibinaba ko naman ang cellphone ko at hinarap siya.
"Never pa ako nagkaroon ng kasamang panget unless kung papayag akong makasama ka." Nakakabastos kong sabi at saka inaya na yung dalawa na umalis dun.
Kami na lang mag-adjust kahit kami yung hari dito.
At si Allison ang reyna ko.
KABALIWAN! KABALIWAN! KABALIWAN! ANONG REYNA?! KABALIWAN MO ANDREW!
Wala na siya. Ekis na siya sa buhay mo. Kung ayaw ka niyang maging kaibigan edi wag. Walang pumipilit sa kanya. Okay?!
Doon na lang kami tumambay sa lobby. Paunti-unti lang naman yung mga tao dito tsaka wala ngayon dito mga fans ko...
Sabi ko nga nanjan sila
Halos magiba muli ang buong campus sa tindi at lakas ng sigawan nila. Para bang may nakita silang artista. Tsk. Tsk. At papalapit sila ngayon sa amin.
"Andrew!"
"Andrew! Waaaaaaahh!"
"Aaaaaaahh!"
Naku po! Yari kami neto!
Agad kong hinatak yung dalawa papasok sa bago naming room bago pa kami madumog at mabugbog ng mga fans ko. Grabe sila! Mga hindi nahihiya.
Allison
"Eto na ang VIP Card." Sambit ko at ibinigay ito kay Marian.
"Pakikopya na lang yung password sa laptop and then yung code ng mga PR ng target, nanjan na rin." Paliwanag ko
"Copy" sagot niya
"Mamayang five na gagawin ang plano. May meeting kasi ang target at 7 o'clock kaya malabong mapatay natin ito." Paliwanag ni Seb
"Nagpapahinga na rin ang prinsipe sa oras kung kailan tayo aatake kaya mas mapapabilis tayo." Dagdag pa niya
Tumingin naman ako sa aking relo at ibinaling muli ang paningin sa kanila.
"It's thirty minutes before five. Ready na tayo." Sambit ko at pinangunahan na sila sa paghahanda
---
Isinuot na namin ang masks at hoods namin bago tumakbo patungo sa Green Castle.
Naiwan sa labas yung limang lalaki na sina Seb, Dion, Andrew, Kyle, at Jin, samantalang naiwan naman sa bahay si Marian dahil siya na ang bahala sa hacking at kaming apat nina Elise, Kylie, at Zennaiah lang ang nakapasok sa palasyo.
"Kita tayo sa main tower" utos ko bago kami naghiwa-hiwalay.
Sa unang tore umakyat si Elise, sa pangalawa si Kylie, sa pangatlo naman si Zennaiah at ako naman sa pang-apat. Katabi lang kasi ng third tower kung saan nagpapahinga ang target ang main tower. Nagkalat na kasi ang robots all over the targeted tower kaya mahihirapan kami kung didiretso agad kami doon.
Inakyat ko ang haligi sa pamamagitan ng lubid at sa tulong na rin ng mga batong pumapaligid dito. Todo iwas din ako sa mga robots na ini-i-scan ang paligid. Muntik pa nga akong mahulog dahil sa pagkadulas ko pero buti na lang talaga dahil nakakapit ako doon sa lubid. Malas ko nga dahil lubid lang meron dito hindi tulad sa mga naunang haligi na ladders ang nandoroon.
Nang marating naman namin ang main tower, agad kaming tumawid sa kabilang tore kung nasaan nagpapahinga ang prinsipe.
"Jackpot" bulong ko
Inihanda naman nila ang glass cutter at hiniwa na ito para amin nang pasukin.
"Musta na?" Tanong ko kay Marian
"Okay na. Hacked na ang robots" sagot niya
"Good"
Nanguna naman na ako na pumasok sa kwarto at sumunod naman sila.
Kinuha naman ni Elise ang baril at saka ito ipinutok sa target.
Gaya ng sabi, dapat malinis at walang dumi.
Paalis na sana kami nang sa kasamaang palad, biglang may isang robot na lumabas mula sa glass at nakita kami.
Dali-dali naman kaming lumabas sa tore at tumawid sa main tower at sa kamalas-malasang pagkakatao'y dumami na bigla ang mga robota sa paligid at kaming apat naman ngayon ang tinatarget.
Pinaputukan nila kami ng maraming beses pero nakaiwas naman kami. Gaya ng kanina, muli kaming naghiwa-hiwalay at bumaba sa haligi kung saan kami umakyat kanina. Nang makababa naman ako'y dali-dali
akong gumulong patago doon sa halaman at gumapang patungo doon sa maliit na butas na siyang naging daan ko palabas ng Green Palace.
Nagkita-kita naman kaming apat sa red spot at sabay-sabay na kaming tumakbo pauwi sa bahay.
Agad naming nireport kay Miss Zendelle ang nangyari. Hindi naman siya nagalit sa nangyari bagkus ay natuwa pa dahil naipadala na ang pera pagkamatay na pagkamatay ni Prince Kyle. Naipasok na rin sa bank accounts namin ang pera at bukas na kami makakauwi ng Pinas.
2.2 billion U. S. Dollars na ang laman ng account ko at ako na ang sumunod kay Miss Zendelle na pinakamayaman at may pinakamaraming shares sa Dark Side.
Ano kayang gagawin ko sa pera?
Andrew
"Congrats, Drew!" Bati sa akin ni Den
"Naks naman Drew" bati naman ni Jade.
"So, san na yung susunod mong laban?" Tanong ni mommy
"Inter-province na sunod, mommy" sagot ko
"Goodluck, ah!"
Ngumiti naman ako sa kanya at naglaro na ng rubics cube.
Sila lang ata nagcecelbrate sa pagkapanalo ko. Sabi ko kasi wag na magcelebrate dahil inter-school pa lang naman yun. Eh ang kulit, gusto talaga i-celebrate ang pagkapanalo ko edi sige, nagcelebrate sila, di nga lang ako nakijoin.
"Oh, jan ka lang?" Tanong ni Den
Tumango naman ako habang binubuo yung laruan ko. Tamad akong sumagot ngayon, e kasi nakakatamad.
Maya-maya pa'y biglang nagvibrate ang phone ko kaya naman binuksan ko ito at tiningnan kung bakit ito tumunog. Laking gulat ko naman nang makareceive ng notif mula sa station na finofollow ko.
What the--- Si Prince Kyle? Patay na?! At bakit naman? At kasama sa article na pinatay ito at hindi suicide. Sino kaya ang may gawa nito?
Nabalot naman ng katahimikan ang dining room maya-maya lang. Agad naman akong tumayo at tiningnan sila at doon ko nakita ang mga gulat na gulat na mga mukha nila.
"Anong meron?" Inosente kong tanong
"Napakabilis ng panahon" tugon ni mommy
"Napakabata pa ni Prince Kyle para mamatay" ani Tita Tracey
"Sino kaya may gawa nun" si Den
"Imposible namang suicudal yun diba" sambit naman ni Jade
Maya-maya pa'y nagkatinginan kaming tatlo at sa tingin nilang iyo'y alam ko na kung ano ang nasa isip nila.
---
"Anong pakiramdam mo?" Tanong sa akin ni Den
Kaming tatlo na lang ngayon ang nandito sasalas dahil tulog na yung iba.
"Naguguluhan at the same time kinakabahan" sagot ko
"Bakit ka naman kinakabahan?" Muli niyang tanong
"Dahil pakiramdam niya na may kinalaman si Allison sa pagkamatay ng prinsipe" diretsong sambit ni Jade
"Hindi. Hindi pwede. Paano siya makakarating sa England ng ganun ganun lang?" Analysis ko
"Pero hindi ka ba nagtataka na nawala si Allison the day before namatay ang prinsipe?" si Jade
Napaisip naman ako doon. Sa bagay, may point naman siya. Pero malabo pa rin, e. Ano bang koneksyon niya doon sa prinsipe at sino naman ang mag-uutos sa kanya na gawin yun? Kaya malabo pa rin talaga na mangyari yun.
"Ano? Natahimik ka, ah" siya ulit
"Para kasing malabo yung sinasabi mo, e"
"Hindi rin ako sure. Eh ako, gumagawa lang naman ako ng teorya pero imbestigasyon pa rin naman ang bahala." Sambit niya at tumingin sa relo niya
"Nga pala, Drew uwi na ko. Gabi na rin, e"
Tumayo naman na siya at lumabas na. Sumabay na rin si aden sa kanya pauwi.
Agad naman akong napaisip sa mga sinabi niya kanina. Assassin siya at kaya niyang pumatay ng tao. Pero may side kasi na nagsasabi sa akin na wala siyang kinalaman pero may side din naman na nagsasabi na suspect siya. Sa bagay, siya na rin naman ang may sabi na pumapatay siya. Pero kung siya man talaga ang may gawa, ang tanong ko lang, e bakit yung inosente pa?
Allison
In just an hour, kalat na agad sa buong mundo yung article about doon sa pagkamatay ni Prince Kyle. Ang bilis kumalat ng balita pero wala pa naman silang suspect para doon.
"Allisom, nabalitaan mo na ba?" Bungad sa akin ni Sy
"Ang alin?" Inosente kong tanong
"Ano ka ba? Hindi mo nabalitaan?"
"Ang alin nga?"
"Yung pagkamatay ni Prince Kyle?"
Pinilit ko namang ikunot ang noo ko at umiling.
"Hindi, e" sagot ko
"Ano ka ba? Ikaw na lang ata yung hindi pa nakakaalam dun"
"Hindi nga ako open sa social media kaya hindi ako kaagad nakakasagap ng balita. Siguro mga three to four days bago ko mabalitaan yung nga ganun" paliwanag ko naman
"Hmm.. Sayang naman, noh. Bakit kaya siya pinatay?"
Nagkibit-balikat lang naman ako at nagpaalam na mag-c-cr lang ako.
On the way na ako sa rest room nang may biglang humatak sa akin patago doon sa stock room.
Nagpumiglas naman ako pero hindi ko rin maikakaila na mas malakas siya kaysa sa akin kaya hindi ko nagawang makawala mula sa mahigpit niyang pagkakahawak sa akin.
Isinandal niya yung kamay ko sa may pader at ibinagsak ang isa niyang kamay sa gilid ko.
Wala na. Corner na talaga. Pero hindi. Ano? Papakorner na lang ba ko ng ganun ganun na lang? No way high way!
Malaya pa naman yng isa kong kamay at iyon ang ginamit ko para higitin ang damit niya at pilipitin ang braso niya. At sa ginawa kong iyon, dito na nangyari ang pangalawa naming paglalaban.
Sinampal ko siya at tinulak saka tumakbo palayo pero malas nga lang dahil nahawakan niya ang damit ko at hinila palapit sa kanya. Pero di pa rin ako papatalo kaya naman hinigit ko yung jacket niya at pinilipit sa leeg niya pero napakalakas pa rin talaga niya at napakabilis kata naman agad niya nahawakan ang magkabila kong kamay at saka iniuntog doon sa pader.
Siomai ang sakit!
Inilapit naman niya ang mukha niya sa akin at hinigpitan pa lalo ang hawak sa kamay ko. Parang pinipilipit na ata niya ito, e.
"Aray ko!" Sigaw ko
"Ano bang problema mo, Andrew?!"