Nagising si Lara sa sandaling iyon, nilalamig siya dahil sa AC ng kaniyang kwarto. Katabi niya ngayon ang kaniyang inay, mahimbing itong natutulog habang nakayakap ito sa kaniya. Dahan-dahan niyang kinuha ang kamay nito saka marahang bumangon. Nang makatayo siya mula sa hinihigaan ay nagdesisyon siyang pumunta muna sa may bintana. Tinabig niya ang makapal na kurtina mula roon. Nasilayan niya ang kabuoan ng metro Manila, tanaw niya ang malalim na gabi at ang makislap na mga ilaw na siyang nagpapaliwanag sa ibaba. Nasa itaas siya ng building, kung saan nandoon ang unit ni Leon. Ngayon lang siya nakaranas ng ganito, napag-isip isip niya na malayo na ang nagbago sa buhay niya nang makilala si Leon. "Ikaw na po ang bahala sa'kin, oh diyos ko." Napatingala siya sa maitim na kalangitan. Napalin

