SYDNEY POV “FINALLY! makakapag pahinga na rin tayo!” It was Rex. Naka seat apart lahat ng mga student's. Kakatapos lang namin mag exam sa major subject namin. Nakakangawit nga eh, at nakakatamad pa magbasa ng mga questions. “Anong sinagot mo sa number 5,6,7 and 8?” Rex again. Sumulyap muna ako kay draven sa bandang kanan ko. Nakapikit ito na parang may malalim na iniisip. “I don't know, hindi ko na matandaan eh.” Sagot ko. Napakamot siya sa kanyang batok. “Gagi! Hinin ko talaga alam kung tama ba mga answer ko do'n,” “Why? Hindi ka ba nag review?” Umiling siya. “Nope. Hindi uso sa akin ang mag-review,” “Tanga ka pala eh!” “Alam ko yun!” Sagot nito. Sarap niyang batukan sabulo eh! Alam nang may exam hindi pa nag-review. “Saan pala tayo mag-lu-lunch?” Tanong nito.

