SYDNEY POV KINABUKASAN, naabutan ko agad si Draven sa baba ng parlor habang naghihintay sa akin. Meron na naman siyang dalang bulaklak, chocolate, at my dala na naman siyang pang-umagahan. Kumain rin kami ng sabay-sabay. At si ninang naman tuwang-tuwa habang ako ay ilang na ilang. “Iho, ingatan mo ang anak ko ha? Ingat sa pag-dri-drive, siguraduhin mong ligtas lagi ang anak ko,” Saad ni ninang. Nasa may pintuan siya habang kami naman ay nasa labas. “Makakaasa po kayo tita,” Saad ni Drav sabay ngiti kay ninang. Humalik ako sa pisngi ni ninag saka kami nagpaalam. Sabay kaming naglakad, pinagbuksan pa ako ng pintuan ni draven bago siya pumasok sa driver seat. “Let's question each other. Parang Q and A,” Saad niya. Nag dri-drive na siya ngayon. Actually mamayang hapon pa ang klase

