Ilang minuto nang paroo’t parito si Art sa kinaroroonang kuwarto. Nanlalamig ang pakiramdam niya at tila may pumipisil ng dibdib niya. “You’re not having a cold feet, are you?” seryosong sabi ni Elias sa kaniya habang prenteng-prente itong nakaupo sa mahabang sofa. “I’m so damn nervous!” Pinagkiskis niya ang dalawang palad habang palakad-lakad pa rin sa loob ng silid. “Relax, Art. This is what you wanted, don’t screw this up,” saway ni Elias saka tumayo, kumuha ng tissue at pinunasan ang mukha niya. “You’re soaking wet! Ano ka ba?” “Whew!” Iwinasiwas naman niya ang mga daliri saka sunod-sunod na humugot nang malalalim na hininga. “Damn this nerves!” palatak niya saka saglit na pumikit bago muling huminga. “Sir, ready na raw po,” bungad ng assistant ng wedding coordinator nila pags

