CHAPTER THIRTY TWO

3502 Words

Hindi pa rin makapaniwala si Liz sa nalaman mula kay Elias. Palibhasa ay nahantad na dito ang totoong damdamin niya para kay Art, alam nitong apektado siya sa mga nalaman niya. Hindi siya nito hinayaang mapag-isa hanggang sumapit ang uwian ay nag-aya itong lumabas at kinumbinsi siyang magpalipas ng gabi sa Baywalk para kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya. Nag-takeaway lang sila ng meal-in-a-box at kumain sa konkretong upuan na nakahilera paharap sa dagat saka naglakad-lakad sa paligid. Makailang beses din niyang tiningnan ang cellphone niya ngunit kahit isang beses ay hindi man lang tumawag o nag-send ng message si Art sa kaniya magmula nang umalis ito kanina sa opisina. Nakadagdag pa iyon sa sama ng loob niya lalo na tuwing iisipin niya na nag-e-enjoy ito dahil kasama nito si Layl

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD