Pinagsawa ni Liz ang mga mata niya sa kalsada. Her mind was so pre-occupied that it’s making her tired. Kagagaling lang nila ni Art mula sa luncheon meeting with Robe Garcia, ang may-ari at designer ng Wardrobe Basics, ang sponsor ng wardrobe at accessories ng Bubblegum & Talents. “Are you all right? Kanina ka pa walang kibo, ah,” untag ni Art sa kaniya. Bahagya siya nitong nilingon bagao ibinalik ang atensyon sa kalsada. “I’m fine,” maikling sagot niya na diretso pa rin ang tingin sa dinaraanan nila. Tumango lang ito at nagpatuloy sa pagmamaneho. Kumunot ang noo niya nang mapansing ibang daan ang tinatahak nila imbis na pabalik ng opisina nila. “Aren’t we going back to the office?” nagtatakang tanong niya. “No. I have plans for today. Besides, I’m so tired. Pinuyat ako ni Jordan k

