Liz was so ecstatic that she got the job but David was a bit doubtful. Marahil ay dahil sa mabilisang pagkuha at agad-agad na pag-uumpisa niya sa Bubblegum & Talents Company. Of course, David being an HR Director himself, knew very well how recruitment should take place. Nawala lang ang pagdududa nito nang ipakita niya rito ang pinirmahan niyang kontrata kasama ng job description niya at profile ng kumpanya pagdating nito sa bahay niya mula sa pag-i-interview nito sa isang hotel sa Makati.
The next day, they decided to eat outside for a brunch dahil parehong ala-una ang mga appointments nila. Inihatid siya ni David sa Segundo Corporate Building ng bandang alas-doce y media ng tanghali bago ito dumiretso sa hotel para sa recruitment interview nito.
Iginiya siya ng receptionist sa isa sa mga meeting rooms kung saan gaganapin ang orientation. Hindi naglaon ay may dumating na rin ang ilang bagong empleyado na napag-alaman niyang mga production crews. Unlike her, they were selected and hired last month at sa Lunes pa lamang magsisimula sa aktuwal na trabaho.
Hindi naglipat saglit ay dumating na si Jazmine kasama ang HR Secretary na si Stella at isa pang lalaki na pihadong nasa late 20’s or early 30’s ang edad at ipinakilala ni Jazmine bilang si Allan, ang Asst. HR Manager.
Isa-isa silang nagpakilala bago nagsimula ang orientation. Bago matapos ang araw na iyon ay nagkaroon sila ng tour sa buong 20th floor at ipinakilala sa mga department head and employees na naroon, maliban kay Art.
“Liz, could you come with me for a minute?” tawag sa kaniya ni Jazmine matapos i-dismiss ang mga new staff.
“Yes, sure,” aniya saka sumunod dito.
Nilampasan nila ang HR Office saka dumiretso sa pinakadulong bahagi ng hallway.
“I will show you Art’s office pati na rin ang magiging opisina mo,” wika nito habang papalapit sa Executive Office. “So, this will be your office,” anito patungkol sa walang lamang gamit na L-shaped table at palagay niya ay bagong swivel chair. “And this is Art’s office.” Iginiya naman siya ni Jazmine sa isa pang pintuan na ang itaas na bahagi ng haligi ay salamin na natatakpan ng venetian blinds. Jazmine was a bit surprised nang buksan nito ang pintuan ng opisina ni Art at madatnang naroon pa ang kapatid. “Oh, you’re still here?” nagtatakang tanong ng babae.
“Yup,” kaswal na sagot nito saka nagliwanag ang mukha nang bumaling sa kaniya. “Oh, hi, Liz!” bati nito sa kaniya.
Ayon na naman ang dibdib niya, parang gustong kumawala sa rib cage niya! Hinamig niya ang sarili at gumanti ng ngiti rito, trying so hard not to be awkward.
“Come in, have a seat,” anyaya nito nang mag-atubili siyang sumunod kay Jazmine.
“Bakit nandito ka pa? Ang aga mong pumasok kanina, ah,” usisa ni Jazmine saka umupo sa sofa paharap sa lalaki. Siya naman ay nanatiling nakatayo.
“Have a seat, Liz,” anyaya naman ni Art saka umahon sa pagkakaupo at lumapit sa kapatid at iniabot ang dalawang pahna ng papel. “I have to finish my proposal for the upcoming conference,” anito saka siya nginitian nang makaupo na siya sa tabi ni Jazmine. “Tapos na ba ang orientation?” usisa nito sa kapatid.
“Yes, for today. How urgent is it?” sagot at tanong ni Jazmine saka pinasadahan ang papel na ibinigay ni Art.
“Very. The submission is due by Thursday next week,” sagot ng lalaki.
“I have a doctor appointment tomorrow morning and still has the orientation in the afternoon, Art,” imporma ni Jazmine sa kapatid.
“Maybe I could help?” singit niya.
Magkapanabay na tumingin sa kaniya ang magkapatid. Art was surprised but all smile but Jazmine was surpised but with disapproval facial expression.
“You’re still doing the orientation, Liz,” tanggi ni Jazmine.
“I could come tomorrow in the morning and see what I could do to help Sir Art, then I’ll come for the orientation in the afternoon. Wala rin naman akong ginagawa sa bahay,” paliwanag niya.
“But—” tatanggi pa sana ang babae nang sumingit si Art.
“That would be great! I really need an extra pair of hand here, Jazmine. I know that your hand is full right now that’s why I did not even bother asking you,” saad ni Art sa nakikiusap na tinig.
“All right, only if it’s okay with Liz,” napilitang wika ni Jazmine saka bumaling sa kaniya.
“I don’t mind. Anything to help out,” sagot niya.
“Thank you!” Mistulang sumasayaw ang mga mata ng lalaki habang nakatingin sa kaniya.
‘Diyos ko, bakit ba ganito pa rin kaguwapo itong lalaking ito!’ anas ng isip niya saka napilitang tumango.
“Thank you, Liz,” sambit ni Jazmine.
“You can come by even by 9, I will definitely be here by then,” wika niArt.
Tumango siya saka nagpaalam sa dalawa dahil napansin niyang tila gustong magpaiwan ng babae.
“See you tomorrow, I’ll go ahead,” aniya saka tuluyang tumalikod at lumisan.
Kinabukasan, personal siyang sinalubong ni Jazmine at iginiya sa Executive Office. Mayroon nang computer monitor sa lamesa at sa isang gilid naman ay naroon ang colored printer at scanner. Nakapatong din doon ang iba pang stationary at office supplies. Hindi nila nadatnan si Art sa opisina nito kaya tinawagan ito ng kapatid. Sinabi nitong pababa na ito galing sa 21st Floor kung saan naroon ang studio nila for a photoshoot, Makeup and Wardrobe Department, at Art and Editing Department.
“He’s on his way here. Ikaw na lang ang bahalang mag-ayos ng gamit mo the way you wanted. If you need anything else, just inform Stella para ma-request sa Purchasing Department,” wika ni Jazmine habang ipinapakita sa kaniya ang kabuuan ng opisina niya at ang mga files na nasa filing cabinet. “Art will give you your full access sa mga softcopies ng files. He’ll be the one to give you orientation about your work as his Executive Assistant since limited lang din naman ang pinahawakan niya sa’kin,” paliwanag nito.
“Okay,” tanging sambit niya saka sinipat ang mga papeles na nasa table niya.
“I will go now, may appointment pa ako sa OB ko, eh. Thanks again for starting early, I really appreciate it,” anito saka tuluyan nang lumabas ng opisina niya.
Inisa-isa niyang tingnan ang mga hardcopies ng files at nagsimulang magbasa. She was so focused on reading na hindi na niya namalayan ang pagdaloy ng oras.
“I hope I’m not interrupting.” Nagulat pa siya nang biglang magsalita si Art mula sa gilid ng lamesa niya. Ni hindi niya namalayan ang pagpasok nito at paglapit sa kaniya. “I’m sorry if I startled you.” Itinaas nito ang isang kamay habang nakangiting nagpapaumanhin. Napansin kasi nito na bahagya siyang napapitlag pagkarinig sa boses nito.
Bigla siyang napatayo saka agad na nagpaumanhin dito.
“Ah, I’m sorry, Sir Art. I was reading the—”
“I told you, just call me Art,” muling pagtatama nito sa kaniya. “Anyway, nag-breakfast ka na ba?” Umupo ito sa lamesa niya kaya’t medyo nailang siya.
“Ah, eh.” Hindi niya alam kung bakit naumid ang dila niya just by the sight of him. Tumango na lang siya at lihim na napalunok nang igiya nitong muli siyang maupo sa swivel chair.
“Thank you for doing this. I was not expecting you to agree with this but… well, Jazmine was right on hiring you,” umpisa nito habang magkasalikop ang mga palad at matamang nakatingin sa kaniya.
Ngumiti lang siya rito. A sincere yet nervous smile that her dimples flashed momentarily. Saglit itong natigilan saka ipinilig ang ulo bago muling ngumiti na para bang panandaliang nawala sa sarili.
“All right, then. Where should we start?” anas nito saka umayos ng tayo at nagpamulsa.
That day, she started to see the ‘Uno’ side of Art— serious, formal and focused, just like how he used to be whenever he was playing basketball back in high school.
All they discussed was about work, nothing else. May ilang pagkakataon na napapatunganga siya rito habang nag-e-explain ito at saka lang siya parang matatauhan kapag nagtatanong na ito. Hindi niya nga alam kung nananadya ba itong gamitin ang mapang-akit nitong ngiti, but, God, it’s effective. She hates the truth that until now, despite what he did to her, it seems that she still did not get over him.
Hindi na siya um-attend ng orientation since mostly ay sa operations ang topic sa ikalawang araw, bagay na matututunan niya eventually straight from Art.
Nang mag-alas-cinco na ay pinauwi na siya ni Art. Tatlong katok ang ginawa niya bago niya binuksan ang pintuan ng opisina ni Art. He was so focused in his computer that he did not even bother looking at her.
“Are you sure, okay lang na umuwi na ako?” alanganing tanong niya.
Bumaling ito sa kaniya at kagyat na napatitig sa kaniya, pagdaka’y ngumiti.
“Yes, tatapusin ko lang ‘to at uuwi na rin ako. Happy weekend,” sagot nito.
Tumango na lang siya saka nagpaalam. Sa isang sandali ay nakaramdam siya ng panghihinayang… lilipas pala ang dalawa ang araw bago niya muling masisilayan ang guwapong mukha ni Art.
“Where are you na?” bungad-tanong niya nang sagutin ang tawag ni David. Kanina pa siya sa lobby ng building at naubos na rin niya ang kapeng binili niya sa coffeshop na nasa groundfloor ng Segundo Corporate Building.
“Girl, grabe ang traffic! There’s an accident kaya traffic. I’m not sure kung anong oras pa ako makakarating diyan,” anito.
“Okay, I’ll just wait here sa lobby,” aniya saka ibinaba ang telepono.
Halos ala-seis y media na nang dumating si David. They were actually planning of going out pero mukhang pagod na pagod ang binata.
“Sorry, talaga. So, dinner muna tayo bago mag-clubbing?” anito habang inaalalayan siya pababa ng hagdan patungo sa naka-park nitong sasakyan sa harap ng building.
“Look at you, you are obviously tired. Pagbalik mo na lang from Davao. Maaga pa ang flight mo bukas,” aniya saka sumakay ng kotse nang pagbuksan siya nito.
“Obvious ba? Hay naku, kapagod, girl! Sumobra sa limit ang in-interview ko today palibhasa last day na,” daing nito saka ikinabit ang seatbelt bago ini-start ang sasakyan.
“Let’s just have dinner outside then umuwi na tayo. Pagod rin ako, eh,” aniya.
She spent her whole weekend arranging her condo. Palibhasa’y wala si David, she strolled outside her condo alone and found a good Chinese Restaurant nearby. Nag-take out na lang siya at kumuha ng leaflets ng restaurant bago bumalik ng unit niya. Dahil na rin sa pagod ay hindi siya nahirapang kuhanin ang tulog nang sumandal siya sa sofa pagka-dinner niya.
***
LUNES. Wala pang alas-ocho ay naroon na si Liz sa tapat ng building ng kumpanya niya.
Dahil nga naipakilala na siya noong orientation bilang Executive Assistant ni Art, magiliw siyang binati ng mga Receptionists na naroon sa Reception Area. She went straight to her office. She was about to pull out her office keys from her bag nang bumukas ang pintuan. Nagkagulatan pa sila ni Art nang mapagbuksan siya nito.
“Oh, hi! Good morning!” nakangiting bati nito. He was so close that she could smell his aftershave cologne.
‘Heart, huminahon ka muna!’ saway niya internally. Inalis niya ang bikig niya sa lalamunan at pinakalma ang sarili.
“Good morning. You’re early,” aniya saka tuluyang pumasok ng opisina nang luwagan nito ang pagkakabukas ng pintuan at pinapasok niya. Dumiretso naman siya sa table niya saka nakangiting humarap dito habang nananatiling nakatayo.
“Been here since five in the morning,” kaswal na wika nito pagkuwa’y umupo sa table niya.
Napamaang siya pagkarinig sa sinabi nito.
“Five in the morning?” ulit niya.
Tumango ito saka tumayo.
“I’m heading downstairs to get my breakfast. What would you like to have?”
“No, thanks. I already had breakfast at home,” tanggi niya.
“Well, I insist since first day mo. My treat. Bababa lang ako,” giit nito saka lumabas ng opisina.
She opened her computer and arranged the files on her table na inilagay siguro ni Art. Napailing na lang siya sa sarili. So, tama nga ang sinabi ni Stella na workaholic ang boss niya. A fact that she’ll eventually discover days after spending time with him. And the more time she spends with him, up close, the more she adores him… again.
He’s naturally considerate and kind, although he’s uptight most of the time. He always keep himself pre-occupied with work na minsan at nakakaligtaan na nga nitong kumain kung hindi pa niya paaalalahanan. Marami na rin siyang natutunan dito na hindi niya ginagawa noon sa dati niyang trabaho. She has more responsibilities now and more hands-on than before.
“Seems like you’re my lucky charm!” isang araw ay sambit nito nang makatanggap ng announcement na mamo-move ang conference into a later date kaya’t nagkaroon ng one week extension ang mga participants for the submission of the proposal. Ipinakita ni Art sa kaniya ang email na natanggap nito mula sa Cinematrix Entertainment.
“There’s no such thing, Art. Nagkataon lang,” nakangiting tanggi niya kahit na nga mahiya mo kinikiliti ang puso niya at nasa tapat ng pugon ang mukha niya sa pag-iinit. Well, it’s been more than a week since she started at Bubblegum & Talents Company and somehow, she learned how to control her speech whenever they talk to each other, however, not her blushing and most especially, not her heart.
He froze for a moment and looked at her as if he wanted to tell her something, but shrugged it off after a while. Ilang beses na rin niyang napapansin ang ganoong gesture nito sa tuwing kimi siyang ngingiti at sa tuwina’y nako-conscious siya. Pakiramdam niya kasi ay mayroong kung ano sa mukha niya na nahihiya lang nitong sabihin sa kaniya.
“Ahm, excuse me, I need to take this call,” tila natauhang wika niya nang biglang mag-ring ang cellphone niya. She was saved by the call, for real!
‘That was awkward!’ anas ng isip niya habang papalabas ng opisina ni Art.
It was a call from their Sales and Marketing Department informing her about the information she asked them to send on soft copies. Kaagad naman niyang ch-in-eck ang email mula sa mga ito. Habang hinihintay mag-load ng attachment ng email ay wala sa loob na napadako ang tingin niya sa glass wall na namamagitan sa opisina niya at ni Art. He’s so near… yet, so far. She let go a deep sigh then went back to work.
Kasalukuyan niyang inaayos ang report at chart na iniutos sa kaniya ni Art na idagdag sa presentation para sa proposal nang tumunog ang extension phone niya. It was a call from the reception.
“Yes?” she answered. Ikinipit niya sa pagitan ng kaniyang balikat at tainga ang phone upang malayang makapag-type habang ang mata niya naman ay naka-focused sa monitor ng computer.
“Ms. Liz, Ms. Diana is here looking for Sir Art,” imporma nito.
She rolled her eyes then looked at the clock. It’s almost 1 P.M.
“Okay, I will inform Art, thanks,” aniya saka ibinaba ang telepono.
Diana is one Bubblegum & Talents Company’s in-demand model. At ayon sa tsismis na kumakalat sa kumpanya nila, ito raw ang ‘present girlfriend’ ni Art. She haven’t met her in person yet pero nakita na niya ito sa reception noong araw ng interview niya. Mula nang magtrabaho siya kay Art, halos araw-araw itong pumupunta roon but Art never entertained Diana inside his office. They usually go out for lunch outside the company vicinity.
‘At least, he knows the limitation between work and fun,’ inis na anas ng isip niya noong minsang nakakuwentuhan niya ang isa sa mga receptionist at sinabi ngang kahit kailan ay hindi pa nila nakitang naglampungan ang dalawa sa tuwing naroon sa opisina o sa tuwing oras ng trabaho.
She dialed his extension at matapos ang ilang ring ay sumagot ito.
“Your girlfriend is at the reception,” imporma niya saka ibinaba ang phone saka ibinalik ang atensyon sa ginagawa. He usually doesn’t say a thing. Basta na lamang itong lalabas after a few minutes para puntahan si Diana at ang paalam lang nito palagi ay ‘lunchbreak’.
As expected, makaraan ang ilang minuto ay bumukas ang pintuan ng opisina ng lalaki at humahangos itong lumabas. Naiiling na pinilit niya ang sariling mag-focus sa ginagawa. She frowned dahil hindi man lang ito nagsabi na magla-lunchbreak pagkalabas. Pero lalong lumalim ang gitla ng pangungunot ng noo niya dahil ang akala niya’y lumabas na ito pagkasarado ng pinto ng opisina niya. He actually just closed the door and run towards her, he seemed furious. He grabbed her swivel chair when he reached her side and turned it to face him. His face was red and he was breathing heavily while staring at her. And she’s confused on why he was behaving that way.
“A-Art, are you okay?” Hindi niya alam kung naisatinig niya ang tanong na iyon. Para siyang mawawala sa sarili dahil napakalapit nito sa kaniya at ramdam niya ang pag-uunahan ng pintig ng puso nila.
He swallowed a lump then let go a deep sigh, trying to compose himself. Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang pag-igting ng mga bagang nito habang magkahinang pa rin ang kanilang mga mata. He bit his lower lips, heaved another deep sigh, then stood up, and stepped back.
“Could you do me a favor, Liz? Could you tell the reception that we’re busy at the moment?” anito bago umiwas ng tingin sa kaniya.
“O-Okay,” tugon na lang niya. Tumango siya saka walang tanong na i-d-in-ial ang reception at nagdahilan na lang na busy si Art.
Kimi itong ngumiti sa kaniya. “Thanks,” anito saka akmang papasok sa opisina nito ngunit muli itong pumihit at humarap sa kaniya at nagpakawala ng hangin sa dibdib. “Just so you know, Diana is not my girlfriend,” patuloy nito saka lang tuluyang pumasok sa opisina nito.
Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang natigilan. Napadiin ang pagpikit niya nang ma-realize niya ang sinabi sa niya sa lalaki kanina. Why the hell did she say that anyway?
She tried her best to finish the what she was doing then printed it for Art’s review. Lakas-loob siyang kumatok at pumasok sa loob ng opisina ng binata saka kiming ibinigay ang printout.
“I would like to apologize for what I’ve said earlier. I did not mean anything. Iyon din kasi ang—”
“It’s fine. I just want to clarify it to you. I casually date but not exclusively, I think you should know that,” seryosong pahayag nito habang matamang nakatitig sa kaniya.
Hindi siya nakatagal sa tila nanunuot na tingin ng lalaki kaya nagbaba siya ng tingin saka tumango. Huminga siya nang malalim saka iyon marahang pinakawalan.
“I already ordered our lunch. It’s past two already. I don’t have time to go out and we need to finish the proposal for review and editing,” patuloy nito, still in deep and serious tone.
“Noted,” aniya saka pumihit at lumabas ng opisina nito.
‘I should know? At bakit? Para pagtakpan ko siya sa mga babae niya?’ nagngingitngit na sigaw ng isip niya saka mapaklang tumawa, ‘Yeah, right. He’s still playing around until now. Kawawang Diana,’ sa isip-isip niya saka nagsimulang magtipa sa keyboard niya.