CHAPTER TWO

2919 Words
"While we’re here, dito ka na rin muna mag-aaral hanggang makabalik tayo ulit sa UAE, anak,” wika ni Eliza, ang ina ni Jenna habang inaahon ang mga damit nila mula sa maleta. Tumango lang siya habang abala sa pagkain ng hamburger at tutok sa panunuod ng TV.  She was only eleven years old at walang pakialam kung magpalipat-lipat siya ng school. After all, she’s been in four different schools sa UAE, so, nasanay na rin siya. Pansamantala silang umuwi ng kaniyang ina dahil nagsara ang kumpanyang pinagtatrabahuhan nito at hindi kaagad nakahanap ng trabaho. Hindi naman kasi gaanong kalakihan ang sahod ng kaniyang ama para itaguyod ang pagbabayad ng taunang renewal ng visa at insurance nilang mag-ina, idagdag pa ang matrikula niya na may kalakihan din ang halaga. Doon sila sa bahay ng magulang ng kaniyang ina tumuloy dahil wala rin namang kasama ang mga abuelo at abuela niya sa bahay na iyon na may dalawang kuwarto. Tulad niya, nag-iisang anak lang din ang kaniyang ina kaya’t masayang-masaya ang mga ito na naroon silang mag-ina. Sa una’y nahirapan siyang mag-adjust dahil karaniwang Tagalog ang ginagamit na lengguwahe sa pagtuturo  ng mga guro sa elementary public school na pinag-transfer-an niya na malapit lang sa kanilang bahay, at ang ikalawa’y ilag sa kaniya ang mga estudyante kaya’t wala siyang naging kaibigan doon kahit isa.  Mas naging maayos ang pag-aaral niya pagtuntong niya ng high school. Kahit paano’y naging mas madali sa kaniya ang adjustment pagdating ng first year high school kahit pa nga may kalayuan ang St. Louis High School Academy – Muntinlupa  mula sa kanilang bahay sa Laguna. Medyo marami-rami na rin kasi siyang alam na Tagalog at palibhasa’y exclusive school ang St. Louis, English ang medium na gamit ng mga guro sa pagtuturo. However, her happy days on her high school life turned sour when her classmates and other schoolmates started bullying her because of her appearance right after it was announced that she’s the top one of the whole first year students. “How’s school?” tanong ng kaniyang ina pag-uwi niya mula sa eskuwela isang linggo matapos ang announcement ng honor roll sa first grading.   “Okay lang po,” tugon niya saka ibinaba ang gamit at dumiretso sa kusina para kumain. Her mother was a good cook kaya naman halatang-halata sa katawan niya na hindi siya napapabayaan sa pagkain. At dahil matangkad din siya, mas lalo tuloy siyang naging malaking tingnan kumpara sa mga kasing edad niya. “O, dahan-dahan lang sa pagkain, hindi ka mauubusan, anak,” awat ng kaniyang ina matapos niyang kumuha ng pangatlong tasa ng sopas. Sumimangot lang siya saka iniayos ang makapal na salamin. Siyempre, wagi na naman siya. Hinayaan na lang siya nitong kumain. Lingid sa kaalaman ng kaniyang ina, ang pagkain ang naging outlet niya dahil sa stress at pambu-bully sa kaniya sa school. While studying, she eats. While watching TV, she eats. While reading stories, she eats. Minsan lang magpahinga ang bibig niya sa pagnguya. Somehow, stress-eating relieves the pain she’s feeling.  “Bakulaw!” tawag sa kaniya ng classmate niyang si Shana saka binirahan ng nakakalokong tawa. Anak ito ng isang politiko at consistent top one sa St. Louis Junior Academy, ang elementary school na sakop ng St. Louis School System. Kaya malaki ang galit nito sa kaniya dahil nadaig niya ito at naging top two na lamang ito. Malalakas na tawa at panlalait ang narinig niyang bulungan sa paligid. Kulang na lang ay lumubog siya sa kinatatayuan niya. Mag-isa lang siya noon sa isang lamesa habang kumakain ng baon niya. Katulad ng dati, hindi niya ito pinatulan. Kahit mangiyak-ngiyak na siya’y mas ginanahan siya sa pagkain at doon ibinuhos ang lahat ng sama ng loob niya. Wala siyang itinira kahit gabutil na kanin sa plato niya. Nakatungo siyang lumabas ng canteen at pikit-matang nilampasan ang grupo nito. “She’s so fat. How could she even move with that body?” narinig niyang komento ng isang lalaki sa isang lamesa. “And look at her, her eyeglass is buried in her big face! Kawawa naman ‘yong salamin. No choice na saluhin ang mga baby oil sa mukha niya,” sambit naman ng kausap nitong babae na dahilan para maghagalpakan ng tawa ang mga nakarinig sa sinabi nito. Kagat-labi siyang nagpatuloy sa paglabas. Bahagya pa niyang nabangga ang isang matangkad na lalaki, na kung hindi kaagad nakakapit sa may hamba ng pintuan ng canteen ay siguradong humalik na sa lapag. “Hey! Watch where you’re going!” reklamo nito saka kunot-noong hinawakan siya sa balikat nang muntik na siyang madapa. Saglit niyang sinalubong ang mata nito saka muling nagbaba ng tingin nang maramdaman niya ang pag-iinit ng kaniyang mga mata. Biglang bumilis ang tahip ng dibdib niya sa paglalapit nila ng lalaki. “I-I’m sorry,” paumanhin niya saka mas lalong tumungo. “My God, ang lapad na nga, pahara-hara pa,” pang-aasar ni Shana. Napakagat-labi siya. Hiyang-hiya na siya. Alam niyang tila nanonood lang ng telenobela ang mga naroon at aliw na aliw sa pang-iinsultong ibinibigay ng grupo ni Shana sa kaniya. Mariin niyang pinagsalikop ang mga kamay niya para doon kumuha ng lakas. Pagkurap niya’y hindi na niya napigilan pa ang pagpatak ng luha niya. “It’s okay. Be careful next time, baka ikaw naman ang masaktan sa susunod,” bulong nito. Tumango lang siya saka nagmamadaling lumakad palabas. “Are you all right, Uno?” Narinig niyang tanong ng ilang mga estudyante na lumapit sa lalaki. “Bakit kasi hindi tumitingin sa dinadaanan ang bakulaw na iyon, eh,” komento naman ng iba pa na hindi nakaalpas sa pandinig niya. “Yeah, okay lang ako,” pakli nito bago siya inihatid ng tanaw. “They are just insecure. Don’t mind them,” wika ng nakasalubong niyang lalaki na saglit lang tumigil bago kumaway sa mga kasama nito. “Uno!” tawag nito saka siya nilampasan na parang walang sinabi sa kaniya. ‘Uno…’ ulit ng isip niya sa pangalan ng lalaking nakabangga kanina. She had no idea na iyon pala ang magiging simula ng pagtatangi niya sa unang lalaking naging concern sa kaniya despite her appearance. She tried her best to focus on her studies and ignored the bullying. As long as hindi siya nasasaktan physically, hindi niya papatulan ang mga bullies na hanggang salita lang naman ang kaya. And she succeeded when she maintain being top of her class until the end of her first year in high school.   SECOND year high school, Foundation Day. The weather was fine that day na para bang nakisama talaga ito para mag-enjoy ang mga estudyante sa foundation day ng St. Louis School System. Umagang-umaga pa lang ay maririnig na ang kabi-kabilang hiyawan, asaran at kiligan sa buong high school campus lalo na nang isa-isang ipakilala ang mga participants at players sa high school division. Lalo pa lumakas ang sigawan nang lumabas na ang St. Louis High School Varsity Team na maglalaro ng basketball laban sa Third Year High School Champion Basketball Team  noong nakaraang taon. When the song ‘Always’ by Erasures played, ‘yon na rin ang hudyat ng panimula ng foundation day. Naroon lang siya first floor ng north building ng school nila, isa sa mga building na nakapalibot sa high school ground kung saan nakalatag ang volleyball at basketball courts, stage at solid ground. Mas pinili niyang doon na lang manatili kaysa makitili sa mga estudyanteng nasa mismong gilid ng basketball court. Mula sa kinaroroonan, kitang-kita niya ang mga estudyanteng nagsisiksikan habang nakatayo at ang iba naman ay nakaupo sa grounds habang nanonood ng iba’t ibang performances at games. “Uno! Uno! Uno!” sabay-sabay na chant ng mga estudyante habang nasa free-throw line ang lalaki. Kanina pa siya nakadungaw at ang atensyon niya ay nakatutok sa basketball court. Kotang-kota na siya sa pagsilay kay Uno at tila wala siyang ibang nakikita kundi ito lang. Kahit tagaktak na ang pawis nito ay hindi pa rin maikakaila ang taglay na kakisigan ng binatilyo. Gustong tumalon ng puso niya nang mai-shoot nito ang dalawang free throws. Hindi niya alam kung guni-guni lang niya nang tumingin ito sa direksyon niya matapos itong makapag-shoot o humagod lang ang paningin nito sa direksyon niya nang hindi sinasadya. Preoccupied na siya sa panonood nang may tumabi sa kaniya. “Hello, Jenna. Why don’t you join your classmates?” untag sa kaniya ng adviser niya na si Mrs. Fabian. Itinaas niya ang salamin saka bumaling sa magandang guro.  “I’m fine watching from here, Ma’am,” dahilan niya kahit pa nga ang totoo’y ayaw lang talaga niyang makisalamuha sa mga kaklase dahil magiging tampulan na naman siya ng tukso lalo’t naroon ang nangunguna niyang bully na si Shana. Dumukwang ito at tumingin sa ibaba.  “Who’s winning?” nakapangalumbabang tanong nito. “The Varsity, Ma’am. Ang laki po ng lamang,” sagot niya tukoy sa team nina Uno, unaware na nagningning ang mga mata niya sa saya. Ngumiti ito saka tumingin sa kaniya na para bang nanunukso. “So, who do you like most among the players?” Pakiramdam niya’y umakyat ang dugo niya sa kaniyang ulo sa tanong na iyon ng guro. Umiwas siya ng tingin dito bago sumagot, “W-Wala po, Ma’am.” Tumaas ang kilay nito saka sinserong ngumiti. “It’s okay to have crushes, you know? When I was your age, I had tons of crushes,” kuwento nito na sinundan nito nang mahinang tawa bago muling sumeryoso at hinawakan ang kamay niya. “You know that you could tell me anything, right?” anito. Bumaling siya rito saka alanganing ngumiti bago tumango. “Good,” pakli nito saka tinapik ang balikat niya. Kinindatan siya nito saka ngumiti nang matamis bago tumalikod at iniwan siyang nagtataka. Makaraan ang isang oras ay bumaba na rin siya dahil nagsimula nang maghurumentado ang tiyan niya. Nanunuot sa ilong, nakakapagpatakam at amoy na amoy sa buong school ground ang aroma ng streetfoods katulad ng kwek-kwek, fishball, quikiyam, squidballs, cheese sticks, waffles, at kung ano-ano pa na nakahilera sa bawat sulok at gilid ng high school grounds.  Kasalukuyan siyang namimili ng pagkain nang hindi sinasadya ay natabig siya ng mga estudyanteng bumubuntot sa grupo nina Uno na hindi niya alam ay dumaan pala. They were also heading to the food stalls. Nalaglag ang bitbit niyang notebook na agad na pinulot ng isang lalaking noon ay padaan din. “Wow! Nice handwriting!” puri nito nang makita ang sulat-kamay niya. Nanlaki ang mata niya nang makilala ang lalaki ngunit napakunot-noo siya dahil hindi ito nakapang-basketball uniform katulad ng team ni Uno.  “G-Give it back,” utos niya rito nang makabawi saka tangkang kukuhanin ang notebook nang hablutin iyon ni Shana.  “Look at what we have here,” wika nito saka nakakalokong tumingin sa kaniya at binuklat ang mga pahina ng notebook niya. “Hey, kid, give it back to her. That’s not yours!” Tinangkang kuhanin ng lalaki ang notebook niya ngunit iniiwas ito ni Shana saka inirapan ang lalaki. “This is none of your business. Sino ka ba?” supladitang wika ni Shana bago ipinagpatuloy ang pagbuklat sa notebook niya. “You’re such a brat!” gigil na komento ng lalaki na alam niyang gustong-gusto nang patulan ang dalagita. “Hey, Shana, give it back to me!” naiinis na niyang sabat niya sa pagtititigan ng dalawa saka muling tinangkang kuhanin ang notebook mula sa dalagita. Napalunok na siya dahil amused na nakatingin sa kanila ang grupo nina Uno na nasa kabilang food stall habang ang iba nama’y tila naghihintay lang na muli siyang pulaan ni Shana. “O! M! G!” eksaheradong anas ni Shana saka malakas na tumawa sabay tingin sa gawi ng grupo ni Uno, pagkuwa’y muling bumaling sa kaniya, “You like Uno? And what is this, FLAMES? Here I thought you’re so smart and yet, you believe in this crap?” malakas nitong wika, intensyon na ipagsigawan yata sa buong school ang pagkakaroon niya ng pagtatangi sa lalaki.  Hindi na siya nakakibo pa. Mabilis niyang kinuha ang notebook niya saka nagtangkang tumalilis paalis sa lugar na iyon ngunit naharang siya ng grupo ni Shana at muling hinablot ang notebook niya. “Hey, Uno, love mo raw siya,” pang-aasar ni Shana kay Uno base sa naging resulta ng FLAMES niya. Kagyat siyang nag-angat ng tingin sa binatilyo na noo’y tila ba hindi malaman ang gagawin at sasabihin. At first, there was pity in his eyes na biglang nagbago nang magtawanan na ang mga naroon.  He walked towards her then sighed. “Ikaw? Ako? Tayo? No way! I’m sorry, pero kailangan mong magising sa katotohanan na hindi ko papatulan ang kagaya mo,” patuyang wika nito saka umiwas ng tingin sa kaniya bago kinuha ang notebook niya. Tinangka niyang hablutin ang notebook niya ngunit mabilis itong nakuha ng lalaki na tumutulong sa kaniya. “What the hell did you just say, Uno? That’s harsh! Kailan ka pa naging assh*le?” Halata sa boses ng lalaki ang disappointment. Tinalikuran nito ang nagulat na si Uno bago ibinigay sa kaniya ang notebook niya. Napatiim-bagang si Uno saka namumulang tumingin sa kaniya bago umalis kabuntot ang mga ka-team mate nito. Kulang na lang ay lunukin siya ng lupa sa hiya pero mas matindi ang sakit na naramdaman niya. The pain was unbearable that she couldn’t stop her tears from falling. Nakuyom niya ang kamao niya at ang mga pahinang hawak saka nakatungong nagtangkang humakbang palayo, but the b***h stopped her again. “Oooh, poor bakulaw! You see, you should know your limits and Uno is waaaaayyy beyond your limits. If I were you—” hindi na nito natapos pa ang sasabihin dahil nag-angat na siya ng mukha at tinitigan ito habang pigil ang sariling saktan ito. “Are you really happy making someone’s life miserable? I don’t know how you sleep at night knowing that you’re pushing someone to kill herself. Don’t worry, I might do it, all thanks because of you,” pigil ang hikbing sambit niya habang ang mga luha niya ay hindi na nahiyang magbaybay sa pisngi niya.  The bullying finally took its toll on her. Matagal na siyang napahiya, okay lang. Pero iyong isampal sa kaniya ng nag-iisang taong hinangaan niya na kahit kailan, she will not be good enough for him, iyon ang hindi niya matanggap. Sobrang sakit ng batang puso niya. Saglit na natigilan si Shana habang ang mga kaibigan naman nito ay nanahimik. Maging ang lalaking dumepensa sa kaniya ay hindi nakakibo. “Well, I don’t care—” Hihirit pa sana ito nang biglang may magsalita sa gilid niya at hinawakan siya sa braso. “That’s enough bullying, Shana. I want you to go to the Guidance Office now!” malakas na wika ni Mrs. Fabian. “Kasama kayong lahat!” baling nito sa mga kasama nito. Nanginginig ang guro nang hilahin siya nito at dalhin sa classroom nila. Doon siya napabunghalit ng iyak nang yakapin siya nito. Pakiramdam niya, sa wakas, nagkaroon siya ng mga kakampi. Sa wakas, mayroong mga tao sa school nila na may pakialam sa kaniya. Sa wakas, kahit paano, may mga nagtanggol sa kaniya sa katauhan ni Mrs. Fabian at ng lalaki kanina. Some of the teachers said nothing and just brushed it off their shoulder. “Be strong, Jenna,” pang-aalo nito habang hinahagod ang likod niya. Ramdam niya ang pagmamahal at pag-aalala sa boses ng adviser niya. Nanatili siyang tahimik habang patuloy ang pag-iyak. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin, kung saan magsisimula. Even her own mother doesn’t know what she’s been going through. Lahat kasi ay kinimkim niya sa loob niya. Lahat, dinala niyang mag-isa.  Kumalas ito ng yakap saka siya hinawakan sa magkabilang balikat at pinakatitigan siya. Mrs. Fabian’s  eyes were red, alam niyang umiiyak na rin ito marahil dahil sa awa sa kaniya. “Remember this, Jenna. We are all different. It doesn’t matter what other people think, the important thing is that we know who we really are. Don’t you ever think that you are lower compare to others because you are equally great. Do you know what you have to do instead?  Be a critic of your own self. Be better not because other told you so, but because that’s what you think yourself deserves. You are beautiful, you are intelligent and you have a good heart. Use them to your advantage and don’t let your flaws flaunt… instead, correct them. Hindi tayo perfect and that’s okay,” pahayag nito. She bit her lower lip to suppress her cry. Right then and there, with a new wisdom from Mrs. Fabian, she will make the best version of herself. Napasulyap siya sa gusot na notebook niya. Katulad nito ang estado ng puso niya ngayon… torn, broken because of Uno, the very reason why she’s in agony right now. Because of that so-called puppy love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD