Hindi kaagad nakaimik si Art sa sinabi ni Liz. Ni hindi nga siya nakahuma nang lumabas ng sasakyan niya ang dalaga. Literal siyang natameme. Hindi siya makapaniwala na tahasan siyang ni-reject nito. This is the second time she did that today and he should be angry. Masyado na ang pantatapak nito sa pride niya. Pero bakit hindi niya agad iyon sinawata o ‘di kaya, sana ay sinundan niya ito pagkalabas nito ng sasakyan para kumprontahin ito? Bakit ba tila naduwag siya sa pagkakataong iyon na tanungin o kausapin man lang ang dalaga. Was it because Jordan was there with them and he doesn’t want his nephew to witness the bad side of him? Or was it because he’s afraid that she will reject him again at that very moment for the third time around? Ano na lang ang mangyayari sa pride niyang pinakaiin

