Chapter 74 "Nag-alala lang naman pala. Ikaw kasi masiyadong mong awayin." untag ni JC sa kanya. "I-I don't need his concern." "Maybe. Pero hindi mo maiiaalis sa kanya yun." "Tsk. Diyan ka na nga." "Hep! Hep!" pigil nito. "Ano na naman?" simangot niya. "Ano'ng akala mo makakalusot ka na? Kung nandito siguro kuya mo, lagot ka. Lalo na kay Tita Lia. Baka inunat nun buhok mo kapag nalaman niya." "Sshhh!" saway niya. "O ngayon natatakot ka na malaman nila?" "Oo na wag ka na lang maingay. Last naman na yun." "Eh ang lagay, walang lagay?" Napakunot noo siya. "Anong lagay lagay ang pinagsasabi mo?" Ngumiti ito bago sumagot. "I need a favor." "And what favor is that? Magpapalibre ka 'no? Hindi ka naman dukha." Huminga ito ng malalim. "Magpanggap kang siyota ko." Kinutusan niya i

