Chapter 1

1483 Words
Chapter 1 "Tita Jane saan po tayo, pupunta?" tanong ng anim na taong gulang na si Travis Del Fuego. "Birthday nung inaanak kong si Gian. Isasama ka namin ng Tito mo para malibang ka naman. Magkasing edad lang kayo nun kaya sigurado akong magiging magkaibigan kayo." nakangiting tugon naman nito at bahagyang hinaplos pa ang mukha niya. Bahagyang napangiti ang batang lalake. Ramdam niya kahit sa murang edad palang na ginagawa lahat ng mga ito upang mapagaan ang kalooban niya. Ilang linggo pa lang kasi ang nakakaraan ng mamatay ang ina niya. Tagyelo noon sa bansang America kung saan sila nakatira ng pamilya niya. O kung matatawag nga bang pamilya iyon? Sinundo siya ng kanyang ina ng araw na iyon mula sa eskwelahan kasama ang step father niyang mainit ang dugo sa kanya. Palaging nagtatalo ang mga ito. Kalimitan siya ang dahilan. Hindi kasi siya nito tanggap bilang anak. Gusto nitong ibigay na lang siya sa pangangalaga ng mga kamag-anak nila dito sa Pilipinas. Naturalmente ay hindi pumayag ang kanyang ina. Sa pagpapalitan ng mga ito ng diskusiyon o mas tamang sabihing sigawan sa loob ng sasakyan hindi namalayan ng step father niya na may kasalubong silang rumaragasang malaking truck. At dahil tagyelo, madulas ang daan.Nahirapan ang step father niyang kontrolin ang manibela. Sumalpok sila sa kasalubong na sasakyan. Kaagad na binawian ng buhay ang ina niya. Samantalang nalumpo naman ang step father niya. Siya nama'y himalang nakaligtas at nainjured lang ang kaliwang braso. Dahil sa pangyayari nabalitaan ito ng Tito Terrence niya ang sinapit nila. Kapatid ng ina niya. Kinuha siya nito sa bansang America at iniuwi dito sa Pilipinas. Naiwan ang half sister niya na isang taon pa lang sa step father niya. Ang Tito Terrence na niya ang tatayo niyang magulang dahil ulilang lubos na siya... Hindi naman kasi siya gustong kupkupin ng mga kamag-anak ng tatay niyang matagal ng yumao dahil sa sakit sa puso. "O lalim ng iniisip mo ah?" anang Tito Terrence niya. "Hindi naman po. Aalis na po ba tayo?" sa halip ay tanong niya. Hindi kasi niya maiwasang mag-isip kung bakit napakabata niyang nawalan ng magulang. "Oo tara na, naghihintay na sina Tita Lia mo." "Iyon po ba ang pupuntahan natin?" "Oo bestfriend ko yun. Siya ang mommy ng birthday celebrant. Diyan lang yun sa tapat kaya lalakarin lang natin." sagot naman ng Tita Jane niya. Lumabas na sila ng bahay kasama si Jarrence ang anak na babae ng mga ito na pinsan niya. Tatlong taon pa lang ito kaya karga-karga pa ng Tito Terrence niya. Tumawid lang sila at nasa harap na sila ng isang magara at napakalaking bahay. May malaki pang arko sa itaas ng matayog na gate. May nakalagay doon na Fortaleza Homes. "Nandito na tayo." anang Tita Jane niya habang hawak-hawak siya sa kamay. Namimiss niya tuloy ang mommy niya. Kapag lalabas kasi sila palagi rin siya nitong hawak sa kamay. "Lia!!!" biglang tili ng Tita Jane niya at may kinawayang magandang babae sa bungad ng bahay na abala sa pag-aayos ng isang malahiganteng cake. Mestisa ito at kulot ang kulay mais na buhok. Kumaway naman ang tinawag nitong Lia at nilapitan sila. Mistula itong buhay na mannequin sa ganda. "Ang tagal niyo? Magsisimula na ang blowing the candle ni Gian." bungad nito. "Sorry na mare! Nagtantrums pa itong si Jarrence kaya pinatahan ko muna alangan namang dalhin ko siya ng ngumangawa dito." paliwanag ng Tita Jane niya. May pagkaiyakin nga itong pinsan niya. "Ang ingay talaga ng mga babae ano?" anang Tito Terrence niyang natatawa kaya napangiti siya. "Hoy Terrence anong ibinubulong-bulong mo diyan?" sita ng best friend ng Tita Jane niya. "Wala. Ang sabi ko ito ang pamangkin ko na kasing gwapo ko." Napabaling tuloy sa kanya ang atensiyon ni Lia. "Hmm totoo nga ah? Gwapo ka ngang bata. What’s your name little handsome?" nakangiting sabi pa nito at pinisil ang matangos niyang ilong kaya napangiti siya. "Travis po." "Nice name. Tara sa loob papakilala kita sa anak ko. Magkasing edad lang kayo." Pumasok nga sila sa loob. "Gian Lee! Samantha! Naghahabulan na naman kayo. Mamaya pagpapawisan kayo." saway ni Lia sa dalawang bata. "Ikaw naman, hayaan mo na. Mga bata, eh." anang isang lalakeng matangkad. Napag-alaman niyang iyon pala ang asawa ni Tita Lia ng ipakilala siya rito. Tatay ni Gian Lee. Si Gino Fortaleza. "Tara dito, maupo muna kayo." yakag ni Tita Lia sa kanila. Iginiya sila ng mga ito sa malawak na garden kung saan nakapwesto ang chairs and table. "Aw! Nandito pala ang mga cute na kambal!" bulalas ng Tita Jane niya. Napamulagat siya nang makita ang dalawang batang babae na parehong nakaupo sa dalawang high chair. "Mga kapatid ko. Kukulit ng mga yan!" bida sa kanya ni Gian Lee habang nasa tabi nito si Samantha. Kambal. Identical twins. Parehas cute. Mga nakapigtail ang buhok. Ang pagkakaiba nga lang iyong isa kulot ang buhok iyong isa tuwid. "What are their names?" interesado niyang tanong. "Marli and Margi. Itong curly hair siya si Marli o Maria Lian. Itong tuwid ang buhok siya si Margi o Maria Gilian." si Tito Gino ang sumagot. Napangiti siya. Napansin niyang tulog ang isa sa kambal at iyon si Margi dahil tuwid ang buhok. Habang ang isa naman ay naglilikot at panay ang ngatngat sa feeding bottle. "Gaganda di ba? Mana sa'kin?" natatawang pagbibida ni Tita Lia. "Oo na Mare, sa'yo talaga, matigil ka lang." pang-aasar ni Tita Jane kaya nahampas ito ni Tita Lia. Ilang saglit pa dumako na sa blowing the candle na ang birthday party ni Gian. Sinamahan ito ng mga magulang sa unahan para umihip ng kandila. Kasama ang kambal. "Diyan na muna kayo. Iaakyat lang namin itong kambal inaantok na." paalam sa kanila ni Lia noong kumakain na sila. Pinagtigisahan ng mag-asawa na buhatin ang kambal papasok. Nagkaroon ng games at pinasali siya nina Gian at Samantha. "Gian where’s your bathroom?" tanong niya dito dahil nakaramdam siya ng panunubig. "Sa loob. Pasok ka do’n." Tumango naman si Travis at pumasok sa loob ng bahay, Madali naman niyang nakita ang banyo. Pagkalabas niya ay nakasalubong niya ang tatay ni Gian. "O? Bakit nandiyan ka?" "Umihi lang po." "Ah I see. Sige magtitimpla lang ako ng gatas ni Margi sa kusina." "Asaan po sila?" "Why? Gusto mo silang makita?" kunot noong tanong nito. "Ngayon lang po kasi ako nakakita ng kambal kaya naaaliw ako sa kanila. Isa pa naalala ko ang baby sister ko sa kanila." Malungkot itong napangiti. "Sorry to hear that. Pwede mo rin silang ituring na kapatid. If you want puntahan mo sila sa itaas nandoon silang dalawa kasama si Tita Lia. Second door sa kaliwa." "Sige po Tito salamat." Ginulo nito ang buhok niya saka siya dali-daling umakyat sa hagdanan. Naabutan niyang nakabukas ang pintuan. Kumatok siya at sumungaw doon si Tita Lia. Karga nito ang isa sa kambal na animo pinapatulog. May dalawang crib sa loob. Napansin niyang nandoon ang isang baby. Si Marli. Gising ito at nilalaro ang mga nakasabit na laruan sa kona. "Hey naligaw ka yata?" nakangiting tanong nito at pinapasok siya. "Hindi po. Tinuro po sa’kin ni Tito Gino ang kwarto ng kambal." "Talaga? Bakit?" "Natutuwa po ako sa kanila, eh. Naalala ko ang baby sister ko." "Gano’n ilang taon na siya?" "One year old po." "Ah etong kambal three years old na. Saka-" napatigil ito ng biglang magising si Margi na karga nito at inihit ng iyak. "Oh…shh…shh…tahan na. Iyakin naman talaga ang baby na ‘to. Tingnan mo si Marli oh behave." malambing na kausap nito sa anak at ipinaghele. "Saglit lang Travis ah, patahanin ko lang, to. Gusto mo you can play with Marli." Napangiti siya at lumapit sa crib ni Marli. Napansin niyang kinuha nito ang isang feeding bottle na nasa tabi nito, tinulungan niya itong buksan iyon. "Hello." nakangiting bati niya dito habang dumedede ito. Nakita niyang ngumiti ito sa kanya at parang inaantok na ang bukas ng mga mata nito. Bahagya siyang dumukwang at hinawi ang ilang strands ng buhok nitong tumabing sa matambok na pisngi. "Ang taba mo. Haha. Super cute ka." pigil ang tawang aniya rito.  Nagulat siya ng mabitawan nito ang bote at bumahing pa ng dalawang beses. "Hatsu." bahing pa nito. Natawa siya dahil sa cute ng boses nito. He’s fond of her. Kinuha niya ang boteng nabitawan nito. Itinapat niya iyon sa bibig nito. Napangiti siya lalo nang hawakan nito ang kamay niyang nakahawak sa bote na para bang sinisiguro nitong hindi niya iyon tatanggalin sa bibig nito. Ilang saglit pa napapikit na ito habang tila lumuluwag na ang pagkakahawak ng maliliit na kamay nito sa kamay niya. Nag-aagaw antok ang baby. Nang subukan niyang tanggalin ang bote sa bibig nito ay bigla naman itong nagmulat at hinawakan ulit ang kamay niyang nakahawak sa bote. "Sige na hindi ko na tatanggalin. Batsing. Hahaha!" aliw na aniya. Batsing. Iyon na lang ang itatawag niya dito, Matabang mahilig humatsing. Batsing!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD