Chapter 93 Nang silang dalawa na lang ay bigla siyang nakaramdam nang pagbaliktad ng sikmura kaya kahit pasuray-suray ay nagmadali siyang pumunta ng banyo. Nagsuka siya sa lababo. Naramdaman niya ang paghagod ni Travis sa likod niya. "Bakit ka nangingiti diyan?" usisa niya nang mapaharap dito matapos magmumog. "Naimagine ko lang na ganyan ka siguro pag naglihi sa magiging baby natin…" Nag-init ang pisngi niya. "Ewan ko sa’yo." irap niya at akmang lalagpasan na ito pero nakaramdam siya ng hilo. "I guess kailangan mo ng matulog." sabi nito saka siya binuhat palabas ng banyo. Hindi siya tumutol at sumandal na lang sa dibdib nito. "Kakain pa tayo. Sayang ‘yong hinanda mo. Sorry." "Okay lang. Initin ko na lang bukas." Inilapag siya nito sa kama nang makarating sila sa silid nilang ma

