Louie Kate POV
“Louie Kate! Lk !”
“What the f**k!” naalimpungatan ako sa sigaw ng kung sino man ang nasa labas ng kwarto ko. Dali-dali akong bumangon para buksan ito.
“ What the hell PJ! You freaking disturb my sleep!” bwelta ko sa kanya sabay balik sa kama ko. Inaantok pa ako dahil umaga na ako nakauwi galing bar.
I’m Louie Kate Del Fritz by way 21 years old. A 4th year college student taking up business course sa Del Fritz University.Well wala naman akong choice dahil sila ang may gusto na business ang kunin ko kahit hindi ito ang gusto ko. We are the one who owns the university. Oh scratch that! My father owned it. My great and ambitious father.
I have 3 siblings and I am very close to Ate Bianca. Si kuya kasi ugaling dad kaya di kami magkasundo. Well I love also my younger sister, but I love Ate Biancs more. My gorgeous mom is whom I love the most. Maalaga sya sa aming lahat at sya ang tagapagtanggol ko when I was still a kid and every time dad nags at me. She's my protector. And if I wanna marry someone soon, I want it to be like mom.
“ You dumb ass!” sabay hagis nya ng pillow sa mukha ko. “First day of skul today! Bumangon ka na dyan!”
“No! I’m not going to skul today, I’m still sleepy. You go on your own” angil ko sa kanya sabay takip ng unan sa mukha ko.
“Okay, I’ll just call your dad that you’re not attending skul today” pagkasabi niya nun ay dalidali akong bumangon na nakabusangot.
“Asshole!” mura ko sa kanya. Deserve niya yun.
“Oh yeah? Bilisan mo, antayin kita sa baba”pagkasabi nya nun ay lumabas na sya at ako naman ay nagtungo sa bathroom. Nakakainis naman kasi.! That’s Precious Joy Del Fritz By the way. My so annoying cousin.
After 30 minutes of taking a bath, I wear a simple white Tshirt and a maong pants with white sneakers. Wala akong arte sa katawan. Simple lng ako manamit. Kahit anong suotin ko bagay naman sa akin. Maganda nmn daw ako kahit ano suotin ko which I agree. My father is an Australian while my mom is Fil-am kaya di na maipagkakaila iyon. I glance myself at the mirror before I go out. Perfect as ever, sabay smirk sa harap ng salamin.
Pagbaba ko nakita ko ang pinsan ko na nakabusangot na sa kakahintay sa akin.
“ Ang tagal mo maligo! Sa skul na tayo mag breakfast! Malalate na tayo! Ang kupad mo tagala”
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at pumunta akong garden para magpaalam kay mom.
“Good morning mom, alis na po kmi.” Sabay halik sa pisngi nya. “Si ate po mom?”
“Maagang pumasok sa trabaho kasama ang dad at kuya mo. Di ka na niya ginising dahil umaga ka na daw umuwi” palagi kasi akong ginigising ni ate basta pasukan.
“Ganon po ba? Sige mom pupuntahan ko na lang siya mamaya sa office. Alis na po kami.”
“Sige anak, mag iingat kayo sa daan. Dahan dahan lang sa pagmamaniho.” Habilin niya. Ganon si mom kapagka aalis kami ng bahay.
“Opo mom, kiss mo na lang ako kay bunso” paalam ko sa kanya. Tango lang ang isinagot niya at balik na ang attention niya sa mga halaman. Mahilig kasi siya sa bulaklak at yun an gang pinagkakaabalahan niya sa bahay.
Pagkarating ko sa garage ay naka pwesto na sa passenger set ang kumag. Di man lang nagpaalam kay mom.
“Sarap naman ng buhay mo diyan ano? Di ka man lang nagpaalam kay mom.” Sabi ko sabay irap.
“Wag mo ko irapan dyan LK! Malalate na tayo at FYI kanina pa ako nagpaalam kay tita ano” sagot niya at lumabi pa.
“Ewan ko sayo” sabi ko sabay paharurot lng sasakyan papuntang skul.
Pagdating naming sa skul ay medyo maramirami na ang mga studyante kaya agaw atensyon kami habang naglalakad papuntang cafeteria. May kunting oras pang natira bago mag umpisa ang klase kaya may time pa kaming mag breakfast. Nagtext na din mga barkada naming na naandun na sila nakapwesto.
Pagpasok naming sa cafeteria ay nakatingin sa amin lahat na studyante. Sino ba namn ang hindi? Bukod sa dad ko ang may ari ng skul ay maganda kmi.
Sus! Maganda nga pero ano namn. Kontra ng magaling ko inner self.
“Guys dito!” sigaw ni Lucas kaya agad naming sila nahanap. Kumakaway pa ito habang malapad ang ngiti. Di naman lingid sa kaalaman ng barkada na may gusto ito sa pinsan ko pero sabi ni PJ di pwd dahil barkada.
“Ang ingay mo talaga Lucas. Para kang babae kung makasigaw” ayan nanaman po siya.
“Sorry naman.Para madali mo akong Makita. Ay nyo pala” sabay tawa ng malakas na kala mo siya lng ang tao dito .
“Kamusta guys?” pag iiba ko ng usapan para ma distract ang bangayan ng dalawa.
“Makapagkamusta ka parang di tayo magkasama kagabi noh?” taas kilay na sagot ni Cassy.
“Uo nga. Bobo mo namn dude” sabay tawa ni Teus. Magkasama kami kagabi well except kay PJ. May pinuntahan sila ni tito.
“Wala gusto ko lng magtanong, baka hang over kayo. Order na tayo dun gutom na ako at ilang minute na lang simula nan g klase” sabi ko sabay hila kay PJ. Kami nalang ang walang pagkain kasi kami ang huli. After naming kumain ay nagpaalam na kaming 4 para pumasok. Same course kasi kami nina PJ, Cassy at Cloe. Sina Lucas at Teus namn ay parehong architect.
Habang naglalakad kami ay nakaramdam ako na parang nasusuka. Siguro sa hang over kaya nagpaalam ako sa kanila na pupunta muna ako sa office ni ate. Di ko na sinabi ang dahilan. Agad naman silang nagsitanguan.
Pagkatapat ko sa office ni ate ay di na ako nag atubiling kumatok pa. Pagbukas ko ng pinto ay saktong may nakatayong babae sa harap kaya nasagi siya ng pintuan at natumba.
“LK !” sigaw ni ate sabay takbo sa kinaroroonan namin.”Look what have you done to her.Bakit hindi ka kumatok muna!”dagdag niya sabay alalay sa babaeng natumba.”Ok ka lang ba Ms Delgado?”
“It’s okay Ms Del Fritz. Nothing to worry” sabi niya Habang ako ? Ito, nakatulala sa magandang babaeng kaharap ko. Hindi si ate ha, dahil kahit anong ganda niya di ako natutulala dyan. HEHEHE .
Ang ganda niya. Napakaamo ng mukha. Morena, matangos ang ilong, mahahabang pilik mata, matangkad pero mas matangkad ako sa kanya, 5’7 ako siya nasa 5’5 lng. May pagkamataray nga lang.
“Hoy LK! Tutunganga ka lng dyan ? Di ka mag sosorry?” basag ni ate sa pagpapantasya ko sa pagkain este sa magandang nilalang na nasa harap ko.
“Ay sorry po talaga, di ko po sinasadya” Nahihiya kung sabi sa kanya.
“It’s okay, mauuna na ako Ms del Fritz” sabi niya sabay walk out, pero bago yan she glared at me.
Nag sorry naman ako ahh? Sabi ko sa aking sarili. Tanga ko rin kasi. Hays