LK POV
Nakatulala ako ay kami pala sa babaeng nasa harap ngayon. So teacher pala siya dito? Kaya pala nasa office siya ni Ate kanina. I stared her intently dahil nakakaakit talaga ang ganda niya sa totoo lng. Mapababae man o lalaki matutulala talaga sa kanya.
“Start at the back” and our eyes meet pero walang emosyon akong nakikita sa mga mata niya. She’s so fierce.
“Hi Ms Delgado. I am your Chloe Anne Cruz” paglalandi ni chleo pero di ito pinansin ni Ms. Kahit kalian talaga napaka nito. Di naman sekreto ang kasarian niya sa ibang tao. Proud siya pati na ang family niya. Mabuti pa siya nagagawa niya ang lahat na gusto niya.
“Cassandra Felix here Ms” maikling sabi ni cassy sabay ngiti. Tumango lng si Ms sa kanya.
“Hi everyone, I know kilala niyo na akong lahat. I’m Precious Joy Del Fritz, PJ for short” pakilala ni PJ. Di ko napansin na nakatayo na pala to at nagpakilala ibig sabihin ako na ang susunod.
“Louie Kate Del Fritz” maikli kung pakilala habang nakatingin kay Ms Delgado na nakatingin din sa akin. Ako ang una ang nagbawi ng tingin sabay upo.
“Oy ang ganda ni Ms noh?” bulong ni Cloe na kahit malayo ay nakuha pang mag chismiss.”Crush ko na siya agad” Pagkarinig ko ang tinaasan ko siya ng kilay.
“Tanga! Crush ka ba?” pambara ni PJ na kinatawa naming ni Cassy kaya napatingin sa amin ang lahat. Pagsinabi kung lahat is lahat talaga kasama na doon si Ms Delgado na masama ang tingin sa amin.
“Ms Del Fritz and Ms Felix! Wanna share to us why the two of you are laughing?” masungit na tanong niya sa amin. Tiningnan ko si PJ sabay sipa sa paa, nagpipigil kasi ito ng tawa. Si cloe naman ay nakaupo ng maayos na kala mo walang kinalaman sa nangyari.
“Nothing Ms” sabay na sabi naming ni cassy.
“If you don’t wanna be here in my class, the door is wide open for you guys. You are free to leave.”turo niya sa pintuan. Yumuko na lang ako dahil nahihiya talaga ako. Makakatikim talaga to si PJ mamaya.
“I don’t tolerate students na pasaway sa klase ko kahit na sino. Let’s start our first discussion tomorrow. Dismiss” pagkasabi niya non ay nauna na siyang lumabas.
“Grabe, nakakatakot si ms Delgado”
“Uo nga pero ang hot niya pa rin kahit ganon” dinig kung usap ng mga kaklase ko.
“You asshole!” sabay pingot ko kay PJ
“What the! Aray naman LK! Bat mo ako piningot!” reklamo niya sabay himas sa taingang piningot ko.
“May gana ka pang magtanong niyan PJ? E ikaw ang dahilan kng bat napagalitan kmi ni LK!” malditang saad ni cassy
“Aba! Hoy di ko naman sinabing tumawa kayo ah!” depensa niya
“Yan ang napapala mo sa pangbabara” natatawang sabi ni cloe sbay takbo “bilisan niyo dyan! Kung ayaw niyo malate sa next subject.” Sigaw niya habang tumatakbo palayo.
“Tara na” nakabusangot na yaya ni PJ . Nasubrahan ata ang pagpingot ko sa kanya dahil hawak hawak niya pa rin ang tinga niya.
Habang nag didiscuss ang professor naming ay lumilipad ang aking isipan. Tanging si Ms Delgado lamang ang iniisip ko ngayon. Aaminin ko ay ang laki ng epekto niya sa akin na kahit titigan ko lamang ito ay kumakabog na ang puso ko ng malakas. Gusto ko ba siya? Sa totoo lng wala pa akong naging karelasyon at uo babae din ang gusto ko katulad ni Cloe. Ang kaibahan lng ay out siya sa lahat habang ako ay hindi. At isa pa ay natatakot ako sa pweding mangyari. Hindi ko alam kung matatanggap ba ako ng lipunan.
“Hoy LK! Tulala ka diyan. Di ka pa ba nagugutom?” agaw atensyon ni cassy sa akin. Ngayon ko lng din napag alaman na kami na lng apat pala ang naandito. Ganon ba kahaba na occupy ni ms Delgado ang isip ko at di ko man lng na realize na tapos na ang klase.
“Tingnan mo tulala na naman. Si Ms Delgado siguro iniisip mo noh?” sabi ni PJ
“Crush mo rin ba sya?” segunda ni Cloe sabay taas baba ng kilay niya.
“Mga gago! Tara na” sabi ko sa kanila sabay walk out papuntang cafeteria
Pagdating naming sa cafeteria as always sa amin na naman nakatutok mga mata ng mga studyante. Pumunta kmi sa pwesto nina Lucas at Teus dahil nauna sila dito sa amin.
“Guys balita ko ang hot daw ng professor niyo sa math” masiglang tanung ni Lucas
“Oh ano naman ngayon?” pambabara na naman ni PJ dito
“Inaano ka ba? Nagtatanong lng naman ako ah!” depensa ni Lucas
“Guys tama na yan. Order nlang tayo para makakain, kung kayo di pa gutom pwes ako gutom na” saway ko sa pagbabangayan nilang dalawa. Nauna na akong naglakad, sumunod naman sila at nagsipaag order.
Habang kumakain kami ay nahagip ng mga mata ko si Ms Delgado kasama si Ms Samantha. Saktong nag angat siya ng tingin at nagtama ang mga mata namin. Na agad din namn siyang umiwas. Weird pero di ko inalis ang paningin ko sa kanya.
“LK, Baka matunaw si Ms Delgado” tukso ni cloe sa akin. “Sayo na lng si Ms Delgado mas gusto ko si Ms Sam eh” dagdag niya. Kilan pa niya kilala si Ms Sam? Ako kasi nakita ko sa bulliten ang name niya.
“Ewan ko sayo Cloe, Kumain ka na lang diyan. Dami mo pang sinasabi.” Sabi ko
“So guys ano? Hot ba Math prof niya?” Teus asked. Di pa pala tapos ang topic na yan?
“Yes and no more question. Just eat” Irap ko sa kanila para matapos na at manahimik sila. Pero mali ako dahil mas madami pa silang tanong sa amin hanggang sa laman na ako ng tukso. Alam nila kung ano ako pero mapagkakatiwalaan sila at tunay na kaibigan kaya safe ang sekreto ko sa kanila. Nakita ko si Ms Delgado na tumayo at napadaan sa table naming pero di mn lng kami tinapunan ng tingin kaya hinatid ko nalang siya ng tingin hanggang mawala ito sa aking paningin.
Pagkatapos ng klase ay dumeretso na ako pauwi. Nagyaya pa sila na mag bar ulit pero umayaw ako. Ok mag bar minsan pero wag arw arawin, malalagot ako kay ate lalong lalo na kay dad. Baka di na ako makalabas ng bahay pagnagkataon.
Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko sila sa sala. Humalik ako sa pisngi ni mama at ni bunso at nagpaalam na umakyat. Di ko tinapunan ng tingin si kuya at dad dahil busy sa pag uusap tungkol sa business. Wala din naman si ate.
Dumeretso ako sa bathroom para maligo dahil ang lagkit ko na at tyaka humiga sa kama para magpahinga. Mamaya na ako kakain ng hapunan pagdating ni ate. Naisip ko naman ang maamo at magandang mukha ni Ms Everie hanggang sa nakatulugan ko na lng ang pag iisip sa aking napakagandang professor.