VLEAH APRICITY'S POV Ang bigat ng pakiramdam ko, pang ilang araw na ba 'to? Dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata at kaagad na napatingin sa kisame ng isang hindi pamilyar na kwarto. Napatingin ako sa ilalim ng kumot at nakita ang hubad kong katawan na puno ng mga marka sa dibdib. Tinignan ko rin ang buong paligid atsaka dumapo ang aking paningin sa isang mesa na may isang bote ng alak. Oo nga pala, uminom kami ulit ni Dean kagabi dito mismo sa loob ng kwarto niya. He extended his stay for like 3 more days. Ito na ata ang pinakamatagal niyang pagstay dito mula nong dinala niya ako rito. Kagabi rin ang unang pagkakataon na dinala niya ako rito mismo sa loob ng kwarto niya. Awtomatiko akong napalingon sa lalakeng katabi ko sa kama nang ipulupot niya ang isa niyang braso sa

