3 | Bagong Salta

3254 Words
'RUSSEL GUEVARRA' Maliwanag na sa labas nang magising ako, bukod kasi roon ay tinutuktok na ng Konduktor iyong metal post sa harapan at sigaw nang sigaw na malapit na kami sa terminal. Nang mahimasmasan at tuluyang magising ang diwa ko ay dali-dali akong umayos ng upo at sumilip sa labas ng bintana. "WOW!" Napanganga ako at napatili ng very slight lang naman nang makita ko ang mga nagtataasang mga buildings at ang napakaraming sasakyan sa kalsada. Hindi ko alam kung saang part na ba ito ng Manila pero sure naman ako na Manila na ito. "The heavy traffic and the towering buildings everywhere. Confirm, nasa Manila na nga ako!" sigaw ko sa isipan ko na may kasama pang pag-giling matapos matanaw ang mga naglalakihang billboards sa labas. 'My gosh! Magiging artista na ako! Malalagay na sa mga billboards ang pagmumukha ko! Yieeh!' First time ko nga na makapunta rito pero may idea naman na ako sa mga makikita ko sa Manila 'no! Hindi naman probinsyang-probinsya ang Zambales dahil marami na rin namang mga gusali doon at karamihan sa mga meron dito sa Maynila ay meron na rin doon, baka nga 'yong mga pinagmamalaki namin like the beautiful beaches and sweet mangoes ay wala rito. Sadyang mas malaki lang talaga ang sahod dito saka nandito 'yong mga Tv stations na pinapangarap kong mapasok. Matapos ang ilang sandali ay pumasok na rin ang bus na sinasakyan namin sa terminal. Ilan na lang kaming mga pasahero, hindi ko alam kung nasaan na ang iba siguro ay naibaba na sila kanina noong tulog pa ako. Tulog mantika din kasi ako pero sure naman ako na hindi ako nakanganga at TL! Tulo-laway, ganu'n. Paghinto ng bus ay pinauna ko muna ang ibang pasahero na makababa, medyo nasa likuran kasi ang pwesto ko saka medyo malaki itong bag na bitbit ko, iyong maleta ko ay nasa compartment naman ng bus, makukuha lang pagbaba. Pagbaba ay diretso kaagad ako sa malapit na upuan para magpababa sandali ng hilo sa halos anim na oras na byahe. Umalis ako sa bahay ng alas tres ng madaling araw kaya mag-eight pa lang ng umaga. Ang nakakaloka lang ay medyo masakit na sa balat ang araw dito, unlike sa province na kailangan mag 11 or 12 noon muna bago mo maramdaman ang init. Of course, nasa Manila na ako at iilan na lang ang mga puno kaya medyo maalinsangang na kahit maaga pa. Anyways, ito naman na ang makakasanayan ko sa mga susunod na araw so snob na lang. Nakangiting pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Maingay, maraming tao, matataas na buildings sa paligid– my gosh, nasa Manila na nga ako! Sa pagka-excite ko ay bigla akong huminga ng malalim na kaagad kong ikinasamid at ubo. "Shutangners! Manila na nga talaga. Polluted ang air! Langhap na langhap ko ang usok ng tambutso at basura everywhere! Pwe!" Habang nagpapahinga at nagpapababa ng hilo ay kinuha ko muna ang cellphone ko para tumawag kanila Mama. Sabi ko kasi sa kanila ay tatawag ako kapag naka-land na ang bus sa airport. Chos! Ilang ring lang naman ang inabot bago may sumagot. "Hello, Ma!" "Hello, Anak, Russel, kamusta? Nasa Manila ka na ba?" tanong n'ya. "Opo, kararating ko lang. Sila Papa po?" "Mabuti naman at safe kang nakarating diyan. Ang Papa at Ate mo nagbukas ng pwesto ngayon, si Butchoy naman ay tulog pa. Napagod kakaiyak 'yang kapatid n'yo kanina, kung hindi pa suhulan ng Papa n'yo ng cookies hindi pa titigil kakaiyak. Kaya ayun, may nakasalpak pang cookies sa bibig ngayon habang natutulog." Kwento ni Mama. Natawa naman ako at mabilis na pinunasan ang luhang bigla na lang tumulo sa mata ko. Huminga muna ako ng malalim bago muling nagsalita. "Kawawa naman si Butchoy. Kapag gising na po s'ya tawagan niyo ako mamaya para makausap ko siya." Bilin ko sa kanya. "Sige sige. O, ano? Papunta ka na ba roon sa company na pagtatrabahuhan mo?" tanong naman ni Mama. "Papunta pa lang po ako, tumawag lang ako sandali habang nagpapababa ng hilo para ipaalam na nandito na ako," sagot ko naman. "Alam mo naman ba kung saan 'yon? Baka naman maligaw ka riyan," sabi niya. Natawa naman ako sa sinabi ni Mama. "Nasa phone ko naman po ang address ng company, Ma. Saka pwede naman akong magtanong-tanong ng direksyon sa mga tao rito," sagot ko na lang. Ilang sandali pa kaming nagusap ni Mama bago ako nagpaalam sa kanya. "Sige po, Ma, mamaya na lang po ulit. Pupunta na po muna ako sa office, baka po ma-late pa ako. Alam n'yo naman po rito sa Maynila, mas mabilis pang umusad ang pagong kesa sa mga sasakyan dahil sa heavy traffic." Paalam ko. Rinig na rinig ko ang tawa niya sa kabilang linya. "Sige, mag-iingat ka. Tumawag ka ulit mamaya, balitaan mo kami. Ingat ka palagi. Nasa Manila ka, Anak, alam mo naman na maraming loko-loko riyan." Bilin at paalala n'ya sa akin. "Naku! Ako na pong bahala roon, Ma! Wag loloko-loko sa akin 'yang mga manloloko na 'yan at baka ihampas ko sa kanila itong maleta ni Daniela Mondragon!" sabi ko habang hinihimas ang maleta kong pulang-pula. "Ikaw talaga, Russel! Basta mag-ingat ka. Tatandaan mo palagi na mahal na mahal ka namin. Tumawag ka parati." Sa sinabi ni Mama ay napangiti na lang ako at muli na namang naluha pero napigilan ko rin naman kaagad. Baka kasi kapag nabasa ang mukha ko magkaroon ako ng instant eyeliner and eyeshadow. "Kayo rin po, ingat din po kayo. Mahal na mahal ko rin po kayo. Pa-halik na lang po ako kay Butchoy. Sige po, baba ko na muna 'to." Matapos makapagpaalam kay Mama at makapagpahinga ng ilang sandali ay tumayo na rin ako at muling hinila ang bagahe ko. Pumara kaagad ako ng taxi at ipinakita ang address na pupuntahan ko. "Alam ko 'yan pero hanggang bungad lang kita maihahatid, lalakarin mo na lang 'yan papasok," sabi ni Manong taxi driver. "Ganu'n po ba? Sige po, okay na po 'yon, Manong." Pumayag na rin ako kasi hindi ko rin naman alam ang sinasabi nya. Siguro magtatanong na lang ako mamaya pagkababa ko. Nasa loob na rin kasi ako saka pahirapan din pumara ng taxi. Kinailangan ko pa ngang sabunutan 'yong Ate na pumara rito kanina para makauna lang. Chos! Habang nasa byahe ay panay lang ang pagtanaw ko sa labas. Aliw na aliw kasi ako sa matataas na building at sa mga nadadaanan namin na bago lang sa paningin ko. "Bagong salta ka ba rito sa Maynila, Utoy?" tanong sa akin ni Manong driver. "Opo, may trabaho po kasi akong in-apply-an dito. 'Yong pupuntahan ko po, roon po ako magtatrabaho." Nakangiting sagot ko sa kanya. Tumango-tango naman siya. "May kilala ka naman ba rito? Kamag-anak?" tanong n'ya ulit. Umiling ako bago sumagot. "Wala po pero libre naman po 'yong tutuluyan saka hatid sundo ng company kaya tinanggap ko na rin." "Utoy, magpapayo na ako sa'yo bilang dito na rin ako lumaki ay alam ko na ang kalakaran dito sa Maynila." Simula pa lang ni Manong driver ay kinabahan na kaaagad ako. "Mag-iingat ka sa mga taong makakasalamuha mo. Dito sa Maynila, marami pa rin ang mga manloloko at manggagantso. Alam na alam nila kung sino ang mga bagong salta, mas mabilis lang sa kanila na mapa-ikot at maloko ang mga katulad mo kaya mag-iingat ka." Payo ni Manong. Napahawak kaagad ako sa dibdib kong flat dahil ayaw tumigil ng kaba ko. Alam ko naman na yung bagay na 'yon, sa dami ba naman ng mga pelikula at palabas na napapanood ko na ang setting ay rito sa Maynila syempre nakikita ko na ang ginagawa ng mga manloloko pero iba pa rin pala talaga kapag ikaw na mismo ang nandito sa eksena. 'Yong kaba is real na real talaga! Mas real pa sa dalandan ni Kendra! Sa pagkakahawak ko sa dibdib ko ay napansin ko ang relo na regalo sa akin nila Mama at Papa. Dali-dali ko itong hinubad at isinuksok sa secret pocket ng jacket na suot ko. "Mainit ka sa mata ng mga manggagantso, tago ka muna, beb." Bulong ko sa relo ko habang itinatago ito. Lumipas ang ilang oras ay tumigil na rin ang taxi at itinuro sa akin ni Manong driver ang daan na kailangan ko pang lakaran. "Salamat po, Manong!" Pasasalamat ko sa kanya matapos magbayad. Nagpaalala ulit ito na maigi ko namang pinakinggan bago s'ya umalis. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko bago ako naglakad sa kalsada na itinuro niya. Marami namang naglalakad-lakad saka umaga naman kaya hindi ako nababahala pero alerto pa rin ako, mahirap na baka mamaya bumulagta na lang ako sa kalsada at pagsamantalahan ng fifteen na tambay sa kanto. Habang ako ay naglalakad ay naalala ko na kailangan ko pa palang ipa-photo copy ang mga requirements ko kaya naghanap muna ako ng computer shop. Hindi naman ako nahirapan dahil halos dikit-dikit lang ang mga ito. Isa doon ang pinasok ko. Matapos magpa-photo copy ay lumabas na rin ako kaya lang may bigla akong nakabangga. Nalaglag ang mga dala niyang papel kaya tinulungan ko s'ya sa pagpulot ng mga nalaglag n'ya habang humihingi ng pasensya. "Hala, sorry po, Ate, hindi kita nakita. Sorry po talaga." Despensa ko kay Ate girl na nabangga ko. Nakasuot ito ng semi-formal na damit at pusturang-pustura. May suot din itong salamin tulad ng ate ko. "It's okay, hindi rin naman kasi ako nakatingin sa daan," sabi nito sa malamyos na boses habang isa-isang pinupulot ang mga nalaglag na papel. Habang nagpupulot kami ay napansin ko ang nakasulat na pangalan sa itaas ng bawat papel. "Sa EncodeMona ka nagtatrabaho, Ate?" tanong ko sa kanya saka inabot ang mga napulot ko. Parang nagulat naman ito sa narinig. Pagkakuha ng inaabot ko ay ngumiti ito at tumango. "Oo. Bakit mo naitanong?" sagot at tanong naman n'ya sabay ayos ng suot niyang salamin. Hindi ko alam kung bakit na-excite ako at napatili pa ng bahagya. Dali-dali kong ipinakita ang requirements na pina-photo copy ko sa kaniya. Natatawa pa nga s'ya nang tanggapin n'ya ito bago basahin. "Wow, newly hired ka pala! Naku, ang mabuti pa ay sumabay ka na sa akin," anito. Tumango-tango naman ako with matching smile pa. "Sige, pero sandali lang at papa-photo copy ko lang ito," sabi niya at itinaas ang mga papel na hawak n'ya. "Go lang, Ate. I'll wait you here na lang," sabi ko naman. Masaya ako dahil may makakasabay ako sa pagpunta roon, hindi na ako magtatanong at maliligaw. So ayon nga, dito na lang ako sa labas ng com-shop naghintay kay Ate mong girl na hindi ko na ask ang pangalan. Habang naghihintay ay nag-s-sight-seeing muna ako ng mga poging dumadaan pampabawas bagot. "Ay bet! Pak na pak ang braso!" Tili ko habang nakatitig sa Kuya na dumaan sa harap ko. Nakasuot ito ng fitted na black polo shirt at talaga namang mahuhulog ng panty ng titingin sa kaniya kaya lang habang nakasunod ako ng tingin sa kaniya ay bigla na lang akong natumba sa kinatatayuan ko. "Shutangners! Bruhilda ang Kuya mo, pink din ang blood! Ang laki-laki ng katawan pero kung tumili daig pa si Regine!" Bigla kasing tumili ang kuya n'yo matapos makasalubong ang mga beks-friends nito. Ibang-iba nga talaga rito sa Manila, doon kasi sa amin sa province ang mga may pink na blood like me sinisiko na lang ang mga tunay na babae sa kagandahan nilang taglay. Well, hindi naman ako kasama sa mga nang-e-elbow ano kasi hindi naman ako nag-c-cross dress pero halata naman sa akin na pink din ang dumadaloy na dugo sa ugat ko. Iyong si Kuya mong Bortang talong, s'ya talaga itong living proof na hindi mo nga talaga maju-judge ang nilalaman ng isang tao sa panlabas lang na kaanyuan. Tignan mo, akala ko Enrique Gil na 'yon pala Liza Soberano ang peg ng Kuya mo. Napatili pa ako at na-mesmerized pa ako sa braso niyang bato-bato pero sing-lambot pala siya ng marshmallows! Truthfulness nga talaga ang sinabi ni Manong driver kanina, marami ngang mang-gagantso at manloloko, ayun nga at naloko ako ni Kuya mong Bortang talong! Hmmp! Hindi na ako nag-tingin-tingin ulit ng mga dumadaan sa paligid since na-fake na nga ako kanina. Waiting shed na lang ang peg ko rito hanggang sa lumabas na rin si Ate mong girl na medyo gulo pa ang buhok. 'Ay? Pumasok lang s'ya riyan sa loob para magpa-photo copy pero paglabas mukha ng r*pe victim?! Ano 'yan!?' "Sorry natagalan. Ang dami kasi nitong pina-photo copy ko." Despensa niya habang sinusuklay-suklay ng daliri niya ang buhok niyang nagulo. 'Wow naman. Finger comb lang ang hair!' "Wala po 'yon, mabuti nga 'yong may kasama na akong papunta roon. Natatakot din kasi ako sa sinabi ni Manong taxi driver kanina," sabi ko na lang at sinadula ko ng mag-isa ang nangyaring pag-uusap namin ni Manong taxi driver. Matapos akong magkwento ay tumawa si Ate Angel, 'yon ang pangalan n'ya. "Totoo naman 'yong sinabi n'ya. Marami ngang ganu'n dito sa Maynila pero kung maingat ka naman at alerto sa paligid mo ay hindi naman mangyayari sa'yo 'yon," sabi niya, "saka marami namang tao sa paligid, pwede kang humingi ng saklolo kapag may nangyaring hindi maganda." Oo nga naman, maraming tao sa paligid kaya kung may magtangka man sa akin ay makakahingi kaagad ako ng saklolo. "Tama ka naman po, siguro ay masyado lang akong paranoid. Bagong salta lang kasi ako rito kaya hindi na rin maaalis sa akin 'yong kaba," sabi ko naman. Nakakahiya man ay 'yon naman talaga ang totoo. Mahinhin s'yang natawa sabay tapik sa aking braso. "Naku, tama lang din 'yang ginagawa at iniisip mo. Maraming manloloko kaya ingat-ingat ka rin." Marami pang kaming napagkuwentuhan ni Ate Angel habang kami ay naglalakad. Nagkukwento na rin ito ng mga experiences n'ya sa trabaho kaya mas lalo akong na-excite. "Sandali, Russel, daanan muna natin 'yong pinaluto kong pagkain, maglu-lunch na rin kasi kaya bumili na ako ng pagkain," sabi niya sa gitna ng kwentuhan namin na sinang-ayunan ko rin naman. Medyo nagugutom na nga rin ako, bibili na rin siguro ako ng akin para makakain muna ako before ang orientation since maaga-aga pa naman. Sa paglalakad namin ni Ate Ana papunta sa tinituro n'yang tindahan ay tahimik lang akong nakasunod sa kaniya hanggang sa pumasok siya sa isang eskinita. Pagsunod ko sa kanya ay may mga nakasalubong kaming mga lalake, akala ko ay dadaan lang ang mga ito pero nagulat at halos tumigil ang mundo ko nang hawakan ako ng mga ito. "S-sandali– sandali lang po! Ate! Ate Angel, tulong!" sigaw lang ang nagawa ko dahil hawak na ako ng dalawang lalaki. Natigilan naman si Ate Angel at nanlaki pa ang mga mata nang makita akong hawak ng mga kalalakihan. "Bitiwan n'yo s'ya!" sigaw niya saka takbo palapit sa akin. Kinakabahan na ako dahil sa nangyari lalo na sa pagsugod ni Ate Angel pero bigla na lang akong napanganga at natulala nang tumigil siya sa harapan ko saka tumawa ng malakas. "A-ate– Angel." Pati 'yong tatlong lalaki na may hawak sa akin ay tumatawa na rin tulad ni Ate Angel na parang nasisiraan na ng bait sa aking harapan. "Ang galing ko ba, boys? Ang galing kong umarte, di ba!?" Baling niya sa mga lalaking nasa likuran ko kasabay ng muling pagtawa. "Ayos na ayos! Wala ka pa ring kupas! Mukhang tiba-tiba tayo rito," sagot nila habang tumatawa. Ngayon ko lang napansin ang mga ito. Iba sa kanila ay nakasuot ng pormal ang iba ay naka-casual lang. Wala sa itsura nila ang masamang gawain nila tulad ng ginagawa nila ngayon. Nagpumiglas ako pero mahigpit ang kapit nila sa akin. "Niloko mo ako, Ate! Akala ko... Akala ko–" "Akala mo lang 'yon!" Putol n'ya sa sasabihin ko. Dumipa pa ito at ngumiti sa akin ng malaki. "Welcome sa Maynila, bagong salta!" Nagtawanan silang lahat habang ako naman ay nanginginig sa takot at galit. Nakakainis lang dahil nabulag ako ng maayos n'yang itsura, naloko ako ng pananalita at ng ipinakita niyang ugali kanina. Buong akala ko ay ligtas akong makakarating sa Office pero heto ako ngayon, pinaliligiran ng mga masasamang loob at manloloko na kanina ko pa iniiwasan. "Ngayon ibigay mo na sa amin ang mga dala mo, Bata, kung ayaw mong butasan ko itong tagiliran mo." Banta sa akin ng isang nakahawak sa akin. Naramdaman ko rin ang matalim at malamig na bagay na biglang tumusok sa tagiliran ko. Nanginig lalo ako sa takot at parang hihimatayin dahil alam kong kutsilyo iyon. Wala na akong nagawa pa kundi ibigay sa kanila ang lahat ng dala ko. Ang maleta at bag na dala ko pati ang cellphone at wallet ko ay kinuha rin nila. "Aba, ang kinis din pala ng isang ito parang babae at ang bango pa!" sabi ng isa matapos akong amuyin. Dahil sa ginawa n'ya ay nakigaya na rin ang iba, wala akong ibang nagawa kundi ang pumikit na lang at magmakaawa. "Oo nga! Bigla akong tinigasan," sabi ng isa na patuloy pa rin sa pag-amoy sa akin. "Gel, isama na natin ito. Sayang naman kung iiwan lang natin ito rito. Tignan mo nga at parang babae... nakakatakam!" Nanggigigil na sabi ng lalaking may hawak na patalim. "K-kunin n'yo na lang lahat! Kunin na ninyo ang lahat, wag n'yo lang akong sasaktan at gagawan ng masama, please!" Lumuluha kong pakiusap at pagmamaka-awa sa kanila. Lumapit na rin si Ate Angel sa akin ng nakapamewang. Pinagmamasdan ako nito mula ulo hanggang paa bago ito umirap. "Kunin niyo na lang ang gamit at iwan s'ya rito. Pwede ka ng magbayad ng babae sa papartehin mo, Kanor," sabi niya sa lalaking may hawak ng patalim. Tumigil naman ang mga ito sa pag-amoy sa aking leeg. "Panira ka naman!" Pagmamaktol no'ng lalaki saka ako binitiwan. "Sayang na rin ito o pero sige, mukha namang maraming dala ang isang ito." Ipinukol ko na lang kay Ate Angel ang luhaan kong mga mata. Nandoon ang galit pero may takot din dahil sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon. "Ganito talaga rito sa Maynila, bata. Ang bilis ko lang na nakuha ang loob mo, akala ko ay mahihirapan pa ako." Nakangiting sabi niya matapos tapikin ang pisngi ko. "Pasalamat ka na lang na gamit mo lang ang kukunin namin at iiwan ka naming buhay. Saka nga pala, totoong nagtrabaho ako sa EncodeMona pero noon pa 'yon. Mas gusto ko ng easy money kaya pinasok ko itong modus na ito. Ang husay ko, di ba?" Dagdag pa nito saka tumawa ng malakas. Hindi na lang ako nagsalita. Matapos nilang kunin ang lahat ay iniwan na nila ako at nagkanya-kanya. Napaluhod na lang ako at naluha sa sinapit ko. Ang buong akala kong magandang panaginip at katuparan ng mga pangarap ko ay matutupad na ngayong narito na ako ko sa Maynila pero heto ang sinapit ko. Ang magandang panaginip ay naging bangungot na lang sa isang iglap. Napasandal na lang ako sa isang pader na malapit sa akin. Iyak lang ako ng iyak at nanginginig pa rin sa mga nangyari. Sa sobrang kaba at takot na naramdaman ko kanina ay bigla na lang nagdilim ang aking paningin at tuluyan na akong nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD