Habang tumatakbo sila papalayo mula sa malaking mansyon, nagngangalit ang tila nagbabadyang bagyo nang may nakakikilabot na bangis, binabaha ng mga kidlat ang kanilang desperadong pagtakas sa mga kumikislap na asul na liwanag. Isang matinding kidlat ang bumiyak sa madilim at nakakatakot na gabi, kasunod ang dagundong ng kulog na napakalakas, tila nakikisabay ang langit sa kanilang takot at desperasyon nang mga sandaling iyon. Biglang bumuhos walang awang ulan, binasa ang buong paligid at ginawang isang mapanganib at madulas na latian ang lupa ng kagubatang binabaybay nila Ashmaria at Gabriel nang mga sandaling iyon. Sa kabila ng rumaragasang ulan, hindi natakpan ng makapal na ulap ang pulang buwan, na ngayo’y nagmumukhang nililihan ng dugo sa ibabaw ng isang magulong langit.
Ang dalagang nakabalot sa kanyang basang damit ay nagpipilit umusad. Bawat hakbang sa kanyang mataas na takong ay tila pagkaladkad sa mabibigat na bato sa putik, habang ang kanyang paghinga ay nauwi sa mga desperado at naghahabol na paghinga. Ngunit hindi maaaring tumigil—palapit na ang mga halimaw na mandaragit.
Sa kanilang likuran, ang malalaking aso na may nagngangalit na pangil ay sumira sa makapal na halamanan nang nakakatakot na bilis, nakatutok ang kanilang nagniningning na mga mata sa dalawang tumatakas. Sa itaas, ang mga halimaw na kahawig ng paniki ay hinampas ng kanilang balat na pakpak ang hangin ng bagyo, habang naglalabas ng nakakapanindig-balahibong sigaw na gumuguhit sa gitna ng kaguluhan at nagpapanginig sa kanilang kalamnan. Humuhuni ang hangin sa mababangis na alulong at halakhak ng kanilang mga hinahabol, na para bang nabuhay ang mismong gabi sa galit nitong hangarin.
"Argh!" Sigaw ni Gabriel nang isa sa mabangis na aso ay sumakmal sa kanyang binti, ang matatalas na pangil nito ay bumabaon sa laman. Sumabog ang hapdi na tila apoy na lumaganap sa kanyang ugat, dahilan upang siya ay matisod. Ang kanyang daing ng sakit ay nagpatigil kay Ashmaria, bumilis ang t***k ng kanyang puso na tila dumadagundong sa kanyang pandinig.
"Gabriel!" Napasinghap si Ashmaria, nanginginig ang tinig habang namumutla ang kanyang mukha sa nakakatakot tanawin. Ang dambuhalang aso ay nakakapit nang mahigpit sa kanyang binti, ang matutulis nitong pangil ay mahigpit na nakakulong sa laman. Ang mababangis na ungol ng nilalang ay bumalot sa bagyo, nililikha ang isang atmospera ng purong takot.
Binalot ng luha ang paningin ni Ashmaria habang ang likas na udyok ay nagtulak sa kanya upang lumapit, ngunit ang tinig ni Gabriel ay bumasag sa kaguluhan—matigas at nagmamadali.
"Huwag kang lalapit!" sigaw ni Gabriel para pigilan si Ashmaria, nanginginig ang boses sa matinding pangamba.
"Pero—" naisatinig ni Ashmaria, pero agad iyong nalunod sa lansa ng kanyang pag-aalinlangan. Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang paghagulgol ng kanyang puso. Hindi man lang natinag ang mabangis na aso—nakakapit pa rin ito sa binti ni Gabriel, habang ang mukha niya ay nahuhugis sa sakit na hindi niya kayang takasan.
"Umalis ka na. Tumakbo ka. Lumayo ka rito," garalgal niyang utos, pilit na pinipigil ang paghiyaw ng sakit na bumabalot sa kanya.
"Pero—" muling sagot ni Ashmaria, hindi alam kung paano ipilit ang kagustuhang hindi siya iwan. Pero hindi na siya binigyan ng pagkakataon ni Gabriel—isang nag-uumapaw na sigaw ang bumalikwas mula sa kanya.
"Run Luna! Kung hindi, mamamatay tayong lahat dito! Iligtas mo ang sarili mo, Luna!" tila halos magmakaawang wika ni Gabriel sa kanya sa pagitan nang sakita na iniinda.
Nanigas si Ashmaria sa bigat ng utos niya, ang tunog ng ulan tila humina, at ang mundo parang naglaho sa isang iglap.
Nagngitngit ang kamao ni Gabriel, halos bumaon ang kuko niya sa kanyang palad, pero wala siyang pakialam—ang sakit sa loob niya ay mas matindi pa sa hapdi sa kamay niya. Hindi makagalaw si Ashmaria. Para siyang itinulak sa isang bangin kung saan ang desisyon niya ang magpapasya kung mabubuhay siya o hindi. Ang puso niya humihiyaw na hindi iwan ang binata, pero ang utak niya alam na wala na siyang laban sa halimaw na kalaban nila nang mga sandaling iyon.
Para bang lahat ng naipon niyang lakas mula sa pagsasanay, ang lahat ng kakayahang pinanday niya sa loob ng maraming taon, biglang naglaho. Naparalisa siya sa takot. Tama si Gabriel—wala siyang magagawa kundi ang tumakbo. Alam niyang kaya ni Zion at ng kanyang ama na mabuhay. Sila ang tunay na mandirigma.
At alam niyang matatagpuan nila siya. Pero sa ngayon, isa lang ang mahalaga—ang kanyang sariling kaligtasan.
Biglang sumigaw si Ashmaria, isang sigaw na yumanig sa kaluluwa, nang umatake ang aso kay Gabriel, ang matatalim na pangil nito tumuloy sa kanyang leeg. Tila bumagal ang oras, bawat segundo nagiging isang habambuhay na bangungot.
"I’m Sorry, Gabriel," mahina niyang ibinulong, ang kanyang tinig basag, puno ng sakit at pagsisisi. Nanginig ang kanyang kamay, pero pinilit niya ang sarili niyang lumingon palayo. Wala nang oras para sa pagdadalamhati—mas maraming halimaw pa ang paparating, ang kanilang mga sigaw nagsasayaw sa bagyong tila bumabalot sa kanilang mundo.
Napatigil si Ashmaria. Hindi siya makagalaw. Ang takot at dalamhati bumaon sa kanyang dibdib na parang matalim na kutsilyo. Gusto niyang lumaban, gusto niyang manatili, pero ang imaheng nakapinta sa isip niya ay si Gabriel—ang kanyang kapalaran na hindi niya kayang baguhin. Pinisil niya ang kanyang panga, sinakal ang luha na gustong bumuhos.
Tama siya—ang mabuhay ang tanging pagpipilian ngayon, kahit pa mas masakit ito kaysa sa mamatay.
"Zion, come find me," mahina niyang ibinulong, nanginginig ang boses habang tumutulo ang luha, kasabay ng walang tigil na pag-ulan. Tuloy-tuloy siyang tumatakbo sa kagubatan, ang bawat hakbang pinapatakbo ng takot. Hingal na hingal na siya, parang sasabog na ang baga niya sa kakahabol ng hangin, pero hindi siya puwedeng huminto—naririnig pa rin niya ang malalalim na alulong ng mabangis na mga aso sa likod niya. Lalong bumilis ang t***k ng puso niya, parang babagsak na sa dibdib niya sa sobrang kaba.
Sa gitna ng dilim, natanaw niya ang isang napakalaking puno, matayog sa gitna ng gubat. Napatigil siya sandali, nagmamadaling hinagilap ng tingin ang paligid—kahit anong galaw sa anino ay pwedeng maging panganib. Parang may buhay ang kadiliman, parang sinusundan siya. Wala siyang ibang pagpipilian, kaya mabilis siyang gumapang paakyat sa puno, halos madulas ang kamay niya sa basang-basang balat ng kahoy. Bumaon pa ang matatalas na hibla sa palad niya, pero hindi niya na iniinda—mas mahalaga ang buhay niya.
Pagdating sa matataas na sanga, niyakap niya nang mahigpit ang puno, pilit pinapakalma ang sarili kahit nanginginig pa rin ang buong katawan niya. Halos huminto ang puso niya nang lumitaw mula sa dilim ang isang dambuhalang nilalang, balot ng makapal na balahibo. Ang nagliliyab nitong mata, parang dalawang baga na nagsasala ng galit sa madilim na paligid. Hindi gumagalaw ang halimaw, pero marahan nitong iniikot ang ulo, sinisipat ang buong lugar—tila may nahuhuling biktima.
Napakapit si Ashmaria sa bibig niya, pinipigil ang takot na gustong kumawala sa lalamunan niya. Nanginginig ang buong katawan niya, kaya mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata, umaasang hindi siya mapansin ng halimaw.
Sa itaas, umungol ang kulog at dumaan ang isang matalim na kidlat, pinapakita saglit ang madilim na gubat bago muling natakpan ng kadiliman. Patuloy ang bagyo, parang sumasabay sa kaba niya. Pilit niyang hinigpitan ang kapit niya sa puno, pero ang takot unti-unting bumabalot sa buong pagkatao niya.
"Hanapin siya," malamig na utos ng isang pigura sa ilalim ng puno. Napapikit si Ashmaria, kinuyom ang bibig niya, pilit tinatakpan ang sigaw na gustong kumawala. Ang boses ng taong iyon—hindi pangkaraniwan, para bang galing mismo sa kailaliman ng impiyerno.
"Hanapin siya! Huwag ninyong hayaang makatakas!" mas malakas na sigaw nito, kasabay ng matatalim na tahol ng mababangis na aso. Lalong nanigas si Ashmaria. Sa taas, dumagundong ang kulog at bumaha ang kidlat, para bang inaabangan ang kanyang kapalaran. Nanginginig siya sa takot, sinakal ang sariling damdamin, pero nang isang mas malakas na dagundong ng kulog ang bumalot sa langit—biglang nabasag ang kontrol niya.
Bago pa man siya makasigaw, isang bagay na hindi niya inaasahan ang nangyari—isang pares ng labi ang biglang dumampi sa kanya, mariin at walang babala.
Nanlaki ang mga mata ni Ashmaria, nanigas ang buong katawan niya sa gulat. Agad niyang itinulak ang lalaking nangahas na gawin iyon, nagpipiglas sa pagkabigla.
“A—” tinangka niyang magsalita, pero biglang sumabog ang sakit sa kanyang balikat, para bang may matalim na kutsilyo na bumabaon sa laman niya, iniwan siyang halos walang hininga sa hapdi. Hindi pa siya lubusang nakakabawi nang muli niyang naramdaman ang mapangahas na halik ng estranghero.
Sa kabila ng nagliliyab na sakit sa kanyang balikat, pinagsama niya ang natitirang lakas at itinulak nang buong puwersa ang lalaki, pilit siyang lumalaban.
“Per—” pilit niyang ipinrotesta, pero bago pa man siya makapagpaliwanag, muli siyang hinalikan ng estranghero, mas matindi, mas mariin.
Sa pagkakataong ito, nanigas siya, nalilito, hindi makapaniwala. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari—hindi niya maintindihan bakit siya hinalikan, bakit sa ganitong paraan, sa ganitong sandali.
Sa wakas, umatras ang lalaki, pero bago pa siya muling makasigaw, tinakpan nito ang kanyang bibig gamit ang malakas nitong kamay. Sa isang iglap, bumaha ang liwanag mula sa kidlat, at naaninag niya ang mukha ng estranghero.
Hindi niya ito kilala. Wala siyang ideya kung sino ang lalaking walang-awang ninakaw ang kanyang unang halik.
At hindi lang iyon.
Patuloy ang bagyo, at nang muling kumislap ang kidlat, mas nakita niya nang malinaw ang mukha nito—pilak ang mga mata, kumikinang na parang likidong buwan. Ang buhok nito’y itim habang may tila highlight na kulay pilay at tila may sariling liwanag sa ilalim ng duguang sugpungang buwan. Malakas ang pangangatawan ng lalaki, pero may isang kakaibang bagay na nakakapukaw sa kanya—ang mga marka na nakaukit sa mga braso nito, parang lumang mga rune na nagkukubli ng lihim. Mga marka na noon lang niya Nakita. Sinanay siya nang ama niya sa iba’t-ibang larangan at ancient relics, pero hindi ang mga markang Nakita niya sa estrangherong iyon.