Justin's Outlook Namasyal lang kami ni JP pagkatapos ng klase namin. Kwentuhan dito, keentuhan diyan, lambingan dito, lambingan diyan. Hindi ko maikakaila na masaya ang naging araw ko ngayon kasama saya. Although may mga gumugulo sa isipan ko pero ok naman. Hindi din naman na kami nakapag usap ni JM pagkatapos niyang humingi ng tawad sa akin. Siguro ay busy din sila ng kapatid kong si kuya Josh. "Oh babe? Malalim yata ang iniisip mo?" Nakatanaw ako sa malayo noon ng may nagsalita sa likod ko. Nilingon ko kung sino ito, si kuya Josh pala. Nandito ako ngayon sa likod ng apartment ko, nag papahangin at pinag iisipan ang mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Ngumiti lang ako sa kanya saka muling ibinalik ang tingin ko sa malayo. "Wala naman. Iniisip ko lang yung mga nangyay

