Justin's POV
nakakapanibago..
iyun ang nararamdaman ko ngayon habang kumakain ako ngayon dito sa canteen kasama si JM.
Tahimik lang kaming dalawa ni JM habang kumakain pero hindi maiwasan ang minsang kapilyuhan nito.
Nandito yung ilalagay nya yung kamay nya sa hita ko sa ilalim ng lamesa. (Hindi naman kasi kita dahil mahaba ang mantle nitong mga lamesa sa canteen) meron din yung kikindatan nya ako tapos magkakagat labi, yung didilaan nya ang ibabang labi sabay bubulong sa hangin ng salitang 'I love you' pero ang mas malala ay yung hahawakan nya ang aking p*********i at pipisil pisilin ito.
At syempre, dahil sa naiilang ako eh tinatanggal ko. Ewan ko ba. Shota ko naman sya at meron syang karamatan para gawin yun pero talagang naiilang ako and at the same time eh nakukunsinsya.
Mahal ko naman talaga sya eh. Pero bakit ganun? Ne, pahipo sa kanya eh naiilang ako? Pero kay JP na hindi ko naman ka ano ano ay napapayag akong hipo hipoan ako at ang mas malala ay inangkin na nya ako.
Ganun ka kumplekado ng sitwasyon ko ngayon. Minsan natatawa nalang ako sa kagaguhan ko. Naging kumplekado lang naman ang lahat ng dahil din naman sakin diba? Ako din naman ang may dahilan ng lahat kaya what's the use ng pag sisi?
And as a matter of fact. Isipin ko mang mali pero hindi ko maikakaila na nag eenjoy ako. YEAH! ganun na siguro ako kasama kasi kahit na alam ko namang mali eh nag eenjoy ako.
Patapos na sana kaming kumain ng bigla nalang mag tilian ang mga girls/gays na kumakain dito sa canteen.
"Oh my g! Si PAPA JP ko, paparating" "nanjan na si JP" "s**t ang gwapo nya." "Sinabi mo pa!" At kung ano ano pang mga kalandian ang mga naririg ko mula sa mga tao dito sa canteen.
"Seriously? Ganun ba talaga sila kalandi? Parang hindi nila nakikita madalas yung tao ah?" Inis na bulong ko sa aking sarili.
Tsk. D*mn. Bakit ba ako naiinis? Sino ba ako? Ano ko ba sya? Well. "Sya lang naman ang nakauna sa akin" sagot ko sa sariling tanong ko.
Arg! Why do i feel like this? Why do i feel like a jealous boyfriend? F*ck. This is not right.
Nabitiwan ko ang kutsarang hawak ko sana napakagat labi para pigilin ang inis na nararamdaman ko.
"Babe? Ok kalang?" Bulong na tanong sa akin ni JM na nakapag pabalik sa akin aa katinuan.
Kasama ko nga pala ang BOYFRIEND ko. Tapos kung maka asta ako ngayon eh parang wala akong kasama? Tsk. Masyado na akong baliw nito.
"Ah- eh. Wala. Nawalan na ako ng gana!" Mahinang bulong ko dito saka iniwas ang aking mata.
Hindi rin sinasadyang mapunta sa kabilang lamesa ang aking paningin.
Nakita ko si JP na nakaupo mag isa sa kabilang lamesa. He look so sad yet so handsome.
Napakagat labi ako habang nakatingin sa kanya. Kumunot ang noo nya at nag angat ng ulo para makatingin din sa aking dereksyon.
Ang kaninang kunot noo nya ay napalitan ng isang matamis na ngiti at kinidatan ako. Hindi ko din naman mapigilang kiligin kaya kumawala ang isang ngiti sa aking labi.
"Babe? Ano alis na tayo?" Bulong sa akin ni JM kaya napunta sa kanya ang aking atenayon.
"Ah- eh. Cge.!" Tumayo na ako sa aking pag kakahiga at kinuha na ang aking gamit.
Nasa bukana na kami ng canteen palabas ng muli kong silayan si JP.
Naabutan ko syang naka ngiti pero mababakas ang lungkot sa kanyang mukha.
*lubdub* *lubdub* tunog ng puso ko pagkatapos kong makita ang malungkot na itsura nya.
Itinaas nya ang kanyang cellphone na parang sinasabing mag text text nalang daw kaming dalawa. Tumango naman ako sa kanya at tuluyan ng lumabas.
Naalala ko naman kagabi na hiningi nya pala ay mali. Kimuha nya pala ang number ko sa aking cellphone pagkatapos naming gawin iyun.
Sinabi nya pa na text text nalang daw kami kasi alam naman nyang hindi kami pwdeng mag usap/ pansinan dito sa loob ng campus dahil baka makahalata ang ibang tao at lalo na si JM.
SA CLASSROOM
Magkatabi kaming umupo sa upuan sa gilif ng bintana ni JM at hindi magkalaon ay dumating na ang aming guro para mag turo.
Di JP naman ay nasa pinakalikod namin, na dalawang upuan lang ang pagitan ko dito kaya hindi naman ganun kalayo.
Tahimik lang kaming lahat habang nakikinig sa aming guro na nag tuturo ng maramdaman kong mag vibrate ang ang cellphone sa aking bulsa.
Tiningnan ko muna si JM na seryosong nag susulat ng lecture namin ng pasimple kong kunin ang aking cellphone para tingnan kung sino ang nag text.
"Bakit pag nakikita kita, natutuwa ako? Pwde bang akin ka nalang?" Ang text na bumungad sa akin pagkabukas na pagkabukas ko ng aking cellphone.
Ang bilis ng t***k ng puso ko ng mabasa ko ang text galing kay JP.
tumingin ako sa kanyang pwesto at naabutan ko siyang nakatingin sa akin at ng mag tama ang aming paningin at kinindatan niya ako kaya hindi ko mapigilang mapakagat labi.
Ibinalik ko ang aking paningin sa akibg cellphone upang mag tepa ng reply ko.
"Anong grama mo?" Ako at sinend ko ito sa kanya.
Hindi pa nag tagal eh naka kuha na kaagad ako ng message kay JP.
"Pwde bang ako nalang? Tayo nalang? Mahal na kasi siguro kita eh" walang pag aalinlangan na reply nya sa akin.
Hindi ko kinaya ang reply ko kaya hindi ko din mapigilang mapabuntong hininga.
Totoo ba ito?
"Justine? Okay kalang?" Mahinang bulong ni JM sa akin kaya tinanguan ko nalang sya at sumulyap uli kay JP.
Malungkot itong ngumiti sa akin saka nag iwas ng tingin.
Iniwas ko nadin ang aking tingin at napansin ko ang isang lalaki na masinsinang pinagmanasdan kaming tatlo nila JM at JP.
Itutuloy...