CHAPTER 08

631 Words
Justin's POV 4:45 pm ng matapos ang klase ko. Hindi kami nag sabay ni JM dahil mahuhuli pa sya dahil meron silang practice game sa basketball. Isa nga pala kasing basketball player ang shota ko. Nag aya ako sa kanya na hintayin ko nalang sya pero pinauna na nya ako dahil matatagalan pa sila. Pumayag nalang din ako dahil pagod na ako sa dami naming ginawa sa school. Habang nag lalakad ay may naramdaman akong sumusunod sa akin. Tumungin ako sa aking likuran pero wala akobg makita ni isang tao o anino man lang. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ng may maramdaman talaga akong sumusunod sa akin. Binilisan ko pa lalo ang aking pagalakad hanggang sa maging takbo na ito. Takbo lang ako ng takbo habang hinahabol ako ng kung sino man sa aking likuran. Ng tangka na akong lilingun para makita kung sino ang humahabol sa akin ay malaking kamay ang tumakip sa aking bibig.. "Ahm ahm ahmmmm!" Pilit akong kumakawala sa kung sino man ang gumawa sakin nito pero masyado syang malakas. Kinagat ko ang kanyang kamay na nakatakip sa aking bibig at malakas na sinipa sya sa kanyang kasilanan. "AHHHH!" napasigaw ang lalaki at napalupasay sa kalsada. "Tarantado ka Justin. Bakit mi ginawa yun?" Sigaw ng lalaki at nag angat ng mukha dahilan para makilala ko sya. "Ryle?" Gulat na tanong ko sa kanya ng makilala ko sya. Si Ryle ay isa sa mga kaklase ko at pinsan yata ni JP. Sya rin yung nahuli kong nakamasid sa aming tatlo nila JM at JP. "Ako nga.!" Malamig na sagot nito kaya kinilabutan ako. Tumayo sa harap ko at pinagpagan ang kanyang pantalon. "Anong meron sa inyong dalawa ng pinsan ko?" Magulat ako sa kanyabg tinanung dahil wala ni isang me alam sa kung ano man ang namamagitan sa amin ni JP unless sinabi nya? "Wa- wala naman Ryle. Ba- bakit mo natanong?" Medyo na uutal utal pa akong tinanong ko iyan sa kanya dahil sa kaba. "Alam kung meron Justin. Napapansin ko ang malalagkit na titigan ninyong dalawa!" Hindi ako makapagsalita sa aking narinig. Masyado na ba kaming halata? Ganun na ba kami ka halata ni JP? Napayuko ako sa kanyang sinabi. Duble duble ang kaba ko sa aking mga narinig. "At ang mas malala pa duon ay may namamagitan din sa inyo ni JM!" kung kanina ay subra subra na ang kaba ko ay mas dumuble pa ngayon. Sh*t! Paano nya nalaman ang mga bagay na iyun? "Ah? Ha-ha-ha! A-no bang sinasabi mo Ryle?" Sinubuhan kung pagaanin ang paligid pero hindi ko kaya. Kinakain ako ng takit sa retwasyong ito. "Hindi mo alam ang pinasok mo Justin. Pare pareho lang kayong masasaktan. Itigil mo na ang kung anong namamagitan sa inyong tatlo bago pa mahuli ang lahat!" Galit na hasik nj Ryle sa akin sa naglakad pa palapit. "Justin makinig na. Hindi lang basta love triangle ang pinasok mo. Isa kalang instruminto sa away ng dalawa.!" Instruminto? Anong pinag sasabi ni Ryle? Hindi ko maintindiban. Sila JM at JP may ayaw? Bakit hindi ko alam? Pagkakilala ba sila? Bakit parang hindi naman? Ano bang meron sa kanilang dalawa? "Kung mahal mo talaga si JM. Makikipag hiwalay ka kay JP.!" Ang huling katagang iniwan sa aking ni Ryle bago sya umalis. Tinapik nya pa muna ang aking balikat bago tuluyang lumisan. Ako? Makikipaghiwala kay JP? Eh wala namang kami simula palang nung una eh. Pero bakit ganun? Bakit parang alam ni Ryle ang mangyayari sa aming lahat? Ano bang alam nya? Napabuntong hininga nalang ako at napahilamos ng mukha. Ngayon lang sakin nag sink in ang lahat. Lahat ng ito ay mali. Lahat ng ginawa kong desisyon ay hindi tama. Kinakain na ako ng kunsinsya ko ngayon! ----------------------------------------------------------------------------------- VOTE/COMMENT/SHARE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD