Sa nagmamadaling pag-alis na iyon ni Sir Nasir ay magkatabi naiwan kami ni Sir Aziel sa harapan ng hapagkainan. Pagkatapos ay nakasimangot na napasandal ako sa aking inuupuan at matalim na nilingon ang katabing binatang mersenaryo. Hindi ko alam kung bakit pinaalis niya si Sir Nasir. Hindi ko rin maintindihan kung ano ba ang kinakagalit niya sa bise para gawin iyon. Pagkaalala ko naman ay magkasundo sila ni Sir Nasir noong nag-eensayo kami sa kapatagan. At tanging kay Sir Lenox na lamang mainit ang dugo niya. Ngunit maling akala lang pala iyon. Sabagay, hindi na rin dapat ako umaasa na magkakasundo ang dalawang binata. Dahil sa simula pa lang ay hindi na maganda ang pagtatagpo nila sa tarangkahan. Kung ganito ang inaakto ni Sir Aziel, maaaring sa mga mata niya ay isang mapanganib na d

