Ang Bangungot ni Isabella

3024 Words
Hindi ko alam bakit ako tumatakbo ng mabilis. Hindi ko mawari kung may humahabol ba skin. Pero ang tanging nasa isip ko lang ay makalayo sa lugar na yun. Pero bakit? Pansamantala akong tumigil para lumingon at maintindihan ang nangyayari. Madilim. Bakit wala akong makita? Akala ko ay may humahabol sa akin. Nalito ako. Napaupo at doon ko napagtanto na ang aking kasuotan ay marumi. Maski ang aking mga kamay ay puro putik. Tinitigan ko ang aking kamay at walang sabi-sabing biglang naging dugo ang mga putik na nakabalot sa aking mga kamay. "Isabella!" Napalingon ako. Sino ang tumatawag sa akin? Tumayo ako at pilit inaaninag ang madalim na bahagi ng lugar na yun. Ngunit ganon na lang ang pagkagulat ko nang makita ko ang aking mga kamay na may hawak ng baril. "Isabella, pakiusap! Huwag mong gawin yan!" Muli akong nagulat sa sigaw na iyon. Ngunit ganun na lang ang gulantang ko noong may narinig akong putok ng baril at may bumagsak sa aking likuran. "Ate?" Ang panganay kong kapatid na si Alessia. Agad ko siyang dinaluhan. May tama ng baril ang kanyang puso. Sino ang walang puso na gagawa nito sa kanyang napakabait na ate? "Ate Alessia, anong nangyari? Sino ang may gawa nito saiyo?" Umiiyak kong sabi sa ate kong nakatingin sa akin. Malungkot ang kanyang mga mata. "U-umalis ka na, Isabella. Tu-tumakbo ka na at kalimutan mong na-nakita mo ako." Pautal-utal na bigkas ng ate ko. Bago pa man ako makasagot ay umubo na ito ng dugo. "Ate, hindi kita iiwan. May bumaril sa iyo. Kailangan natin tumawag ng tulong!" Patuloy pa rin ang aking pagluha dahil pakiramdam ko'y hindi na magtatagal ang buhay ng aking kapatid. "Pa-pakiusap. I-iwan mo na a-ako..... Hi-hindi makakabuti sa-sa iyo na makita ka ni-nilang andito ka...." Patuloy pa rin na bigkas ni Alessia sa akin. Wala akong maintindihan. Gulong gulo na ang aking isipan. Maya-maya pa ay may narinig na akong mga boses at yabag na palapit sa amin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba. Kaya naman marahan kong inihiga si Alessia at nang makatayo ako ay napatigil ako sa isang sigaw. Sa isang akusasyon na hindi ko aakalaing mararanasan ko. "Sinasabi ko na nga ba!" Narinig kong sabi ng isa sa mga kamag-anak namin. Nakita ko ang ama ko, ang ina ko, ang bunso kong kapatid na si Hannah. Nakita ko ang lungkot sa mata ng aking ina at kapatid, ngunit galit ang nasa mata ng aking ama. "Bakit mo ito nagawa sa iyong kapatid, Isabella?!" Dumagundong ang boses ni Emilio. Napapitlag ako. At naramdaman kong may nahulog sa aking kamay. Walang iba kundi baril! Nanlaki ang aking mga mata at muling nilingon ang aking pamilya. "Wa-wala akong kinalaman dito, Papa. Na-nakita ko lang si Ate Alessia na bumagsak. Ma-may bumaril sa kanya!" "At ikaw yon, Isabella! Look at your hands, the blood in your clothes, the gun! At mukhang balak mo pang tumakas!" Sabi ni Charlotte. Ang Tita ko, bunsong kapatid ng aking ina na si Sophia. "I swear, Papa, Mama, I didn't do this." Napaluhod kong sabi habang umiiyak ako. Hindi ko maintindihan bakit ako ang kanilang pinagbibintangan. "Napakabuting anak ni Alessia. Napakabuti niyang kapatid sa iyo, Isabella! Hindi ko lubos maisip na mapapatay mo siya!" Sigaw ng aking ama..... ------------------------------------------------------------- Ganun na lang ang paghabol ni Isabella sa kanyang hinga nang sya ay magising sa isang mahabang bangungot. Limang taon na ang nakalipas ngunit parang kahapon lang nangyari ang lahat. Pero paano nga ba niya makakalimutan ang kahapon kung patuloy siya nitong hinahabol? Sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, wala siyang ibang nakikita kundi ang lungkot sa mga mata ni Alessia, mga dugo ng kapatid niya sa kamay niya, at ang katotohanang siya ang pumatay sa kapatid niya. Bumangon si Isabella at uminom ng tubig. Sumilip siya sa kanyang hardin na punong puno ng mga magagandang halaman. Ang samyo ng mga halaman ang tanging nakakapagpakalma sa kanya sa tuwing siya ay babangungutin. Ngunit minsan, hinihiling na lang niya na sana ay hindi na pa siya magising sa bangungut na iyon. Dahil walang pinagkaiba ang kanyang sitwasyon sa isang taong nakabilanggo. Limang taon na siyang nakatirang mag-isa sa isang mansyon na malayo sa kabihasnan kung saan nakatira ang kanyang pamilya. Bagamat dinadalaw siya ng kanyang ina at bunsong kapatid ng palihim, gusto pa rin niyang lumabas at makihalubilo sa mga tao. Ngunit dahil tumatak sa isipan ng mga tao na sya ang pumatay kay Alessia, naging ilag na din sila sa kanya. Ang tanging tao na naniniwalang inosente siya ay ang Mama Sophia niya at si Hannah. Ang tatay niya ay itinakwil siya ngunit hindi siya ipinakulong sa pag-alala na madungisan ang kanilang pangalan. Natawa siya ng matabang. "You saved me to saved your name.." Mapait na bigkas ni Isabella. Napailing na lang siya at nagdesisyong matulog muli nang may maaaninag sa kanyang hardin. Palihim siyang nagtago. Simula nang mamatay si Alessia ay nakaramdam na din siya ng takot para sa kanyang sarili. Kung sinuman ang pumatay kay Alessia ay malamang gusto rin patayin siya o kung sinuman sa pamilya nila. Pinagmasdan niya ang anino na nasa kanyang hardin. Mistulang ito ay kumukuha ng kanyang mga bulaklak! At hindi lang basta-basta bulaklak! It's her favorite collection! Juliet Rose. One of the rarest rose in the world. Napakunot ang kanyang noo. Pati ba naman mga bulaklak ay nanakawin na sa panahon ngaun? But of course! Anyone can sell it in a high price. Akmang bubuksan niya ang ilaw ng garden nang bigla na itong umalis bitbit ang isang basket na sa palagay niya ay may laman ng bulaklak. Her house don't have high fences, she don't have dogs or any servant. She is living alone for 5 years. Ang tanging tao lang na nakikita niya araw araw ang hardinerong katu-katulong niya sa kanyang malawak na hardin. Isang buwan na simula nang bumisita ang kanyang ina at kapatid. She never dared to call them. Natatakot siyang malaman na baka pati ang Mama niya at si Hannah ay tuluyan nang nakapagdesisyon na kalimutan siya. Kung may mangyari mang masama sa kanya sa kanyang tahanan ay walang makakapagsabi dahil wala siyang kapitbahay o kasama at alam niyang wala rin namang may pakialam sa kanya. Tumingin siya sa orasan. Malalim na ang gabi. Hindi niya alam kung darating pa ba ang panahon na makakaranas siya ng tahimik na gabi. Walang bangungot, walang parusa. Isang tahimik at magandang panaginip. Napabuntong-hininga siya at napagdesisyunang ayusin ang hardin bukas pagdating ng kanyang hardinero. Muli siyang bumalik sa kanyang kwarto. It's a big house, a beautiful house. But there is always been a noisy silence. Nasanay na lang siya sa kalungkutan, sa kanyang pag-iisa. Pinikit niyang muli ang kanyang mga mata upang makatulog. If there's a God, the only prayer I have is that I will never wake up again. Huling mga nasa isip ni Isabella bago siya tuluyang makatulog. ------------------------------------------------------------- "Isabella, wake up. Isabella..." Unti-unti niyang binuksan ang kanyang mga mata. "Hannah?" Pupungas-pungas na sabi ni Isabella at bumangon siya. Tumingin siya sa kanyang orasan na nasa bedside table. Alas-diyes na pala ng umaga. "It's 10 am already and you're still awake, sis. Are you okay?" Sabi ni Hannah. "Yeah. I just slept a little late than usual." Lumingon si Isabella sa likod ni Hannah. Hinahanap niya ang presensiya ng kanyang ina. "Where is mom?" Napansin niya ang pamumutla ni Hannah. Ngunit agad din itong bumalik sa masiglang mukha at hinarap siya. "Sorry, sis. Hindi ka namin nadalaw ni Mama agad. May mga tinapos lang ako for school. Si Mama naman at si Papa ay nasa bakasyon. Kaya hindi pa rin siya makadalaw. I'm done with school stuffs so here I am." Nakangiting sabi ni Hannah. Bagamat masigla ang boses nito at nakangiti ay hindi malaman ni Isabella kung bakit nakaramdam siya ng kaba. Pakiramdam niya ay may itinatago ang kanyang kapatid. "Ganun ba, Hannah. I-i missed her. I hope she is enjoying here vacation with Pa-papa." "I hope that too, Isabella. After all, she deserves it. Anyway, Mama left her recipes of your favorite food. I cooked while you are sleeping. Hindi kasing sarap ng luto ni Mama pero for sure, makakakain naman ng tao." Natawa si Isabella. Her sister lived in the US after the incident so she understand her personality now. Dati, mahiyain ito, ni hindi kumikibo pero ngaun, sobrang confidence ang nakikita niya sa mata ng kanyang kapatid. "Of course, kahit ano pang iluto mo, kakainin ko." Hinawakan ni Isabella ang kamay ng kanyang kapatid. "I know. At sana, alam mong ganun din ako sa iyo. I'm sorry kung natagalan ang pagbisita namin. Hayaan mo, dadalasan ko na ang pagdalaw sa iyo." Isabella smiled. She is very lucky with her sisters. Too bad, Alessia was gone. With her own hands. Bumaba na silang magkapatid pagkatapos niyang maghilamos at magbihis. Nagsuot siya ng mahabang sleeveless dress na kulay puti. Manipis lamang ito kaya hindi mainit sa pakiramdam. Nilugay lang din niya ang kanyang buhok na lagpas balikat. "Ang bango naman non, Hannah! I'm sure kasing sarap yan ng luto ni Mama Sophia." Sabi ni Isabella sabay upo sa lamesa kung saan nakahain ang mainit na kanin, adobong baboy at buttered chicken. "Kain na. Parang pumapayat ka lalo, Isabella. Hindi ko alam kung kumakain ka pa ba." Sumandok si Hannah ng kanin at ulam para kay Isabella. "Alam mong hindi talaga ako tabain, Hannah. Isa pa, marami ding gawain dito sa bahay at sa munti kong farm. Si Manong Ben at ako lang ang kumikilos. Minsan, wala pa siya." Sabi ni Isabella bago sumubo ng pagkain. "Grabe, ang sarap, Hannah!" Napangiti si Hannah. Pero naaninag ni Isabella ang lungkot na saglit dumungaw sa mata ng kapatid niya. "Kumain ka pa. Nakita q si Manong Ben kanina sa garden mo. Sabi niya ay parang nasira ung bakod sa bandang likuran, kaya inaayos niya kanina. Dinalhan q na siya ng pagkain niya dahil isusunod niya daw na dalawin ang farm." Ani ni Hannah. "Uhm, yeah. I noticed someone who picked some of my flowers last night. Hindi ko alam na pati bulaklak, ninanakaw na ngaun." "What? Parang wala lang sa iyo, Isabella! What if hindi lang bulaklak ang habol nun? Eto na nga ba ang sinasabi ko kay Mama, dapat may security ka pa rin dito." Nakita ni Isabella ang pag-aalala ni Hannah. "Oh no, please. I don't need those, okay? Isa pa, pagagalitan lang kayo ni Papa. I'm okay. But I promise to be more careful." Nagdududang tumingin si Hannah kay Isabella. "Bella, it's been five years. Stop blaming yourself. You didn't kill Alessia. I believe that. Mama believes that. So, please magkaroon ka naman ng care sa buhay mo." "Hannah.." "We can live in the US, or any part of the world. Hindi yong andito ka lang sa maliit na lugar na ito. Wala na magagawa ang Papa sa gusto nating gawin. Matanda na tayo pareho and decide on our own." Napatawa ng bahagya si Isabella. "Hannah, you are only 20. And still studying. You have a lot of possibilities in your hands unlike me. I don't want to ruin that for you." "If you only could trust me, Bella. We can live the country and start again without Papa's knowledge." Nagtataka man at naiintriga si Isabella ay nakita niya ang determinasyon ni Hannah. Pakiramdam niya ay siguradong-sigurado ito sa kanyang mga sinasabi. Bago pa man siya makapagtanong uli ay dumating si Manong Ben. "Naku, pasensiya na Isabella, kumakain pa pala kayo ni Hannah. Babalik na lang ho ako mamaya." Napangiti siya. Si Manong Ben ay hardinero na sa kanilang bahay ngunit sumama ito sa kanya nung nagdesisyon ang kanyang ama na palayuin ito sa kanila. Alam ni Manong Ben ang hilig niya sa pagtatanim. Ngunit sa kabila ng maamo nitong mukha, wala itong alam sa buhay-pamilya nito maliban sa wala na itong asawa pero may anak na hindi pa niya nakikita. "Okay lang po, Manong Ben. Maupo muna kayo at magpahinga. Kumain na ho ba kayo?" "Naku, oo. Salamat kay Hannah na nagdala ng pagkain. Napakasarap ng luto, katulad ng sa ina niyo." Sabi ni Manong Ben pagkaupo niya. "Salamat, Manong Ben at nagustugan mo ang luto ko." Nakangiting sabi ni Hannah. Nilingon ako ni Manong Ben at sinabi ang tungkol sa hardin. "Mukhang halaman nga ang puntirya kung sinuman ang pumunta dito kagabi, Isabella. Nawawala ang mga rosas na pwede mabenta ng mahal. Ang farm naman ay okay lang din." "Ano ho sa tingin niyo ang dapat kong gawin, Manong Ben? Ayaw ko naman ho maglagay ng matataas na bakod o maghire ng security guards." "Then get some dogs, Bella. If that person hears the dog, I am sure, hindi na siya tutuloy pa." "Pwede din ang huhestiyon ni Hannah, Isabella. O kung gustu mo ay dun muna ako sa maliit na kubo para may kasama ka." Ani ni Mang Ben. Matanda na si Mang Ben para magpuyat at magbantay pa. Ayaw niyang mapahamak ang matanda kaya siguru ay kukuha na lang siya ng mga aso. "I'll get dogs, Manong Ben. I don't want you to get hurt. And I can protect myself." "It is solved then. I will bring you dogs when I come back. And I promise to visit you every week. And please sis, think a million times what I've told you earlier." Hinawakan ni Hannah ang kamay ni Isabella. "I will, Hannah. But let's not think about that yet, okay? Focuson your studies. You are graduating. After that, we talk again." Muli silang nagpatuloy sa pagkain ng pananghalian habang si Manong Ben ay nagkape at lumabas uli upang magtrabaho sa farm. Alas-sais na nang magpaalam si Hannah kay Isabella. Nagkwentuhan sila maghapon at nanood ng ilang movies. Na-miss nila ang isa't isa pero mas masaya sana kung nakasama ang Mama nila. Hindi maaaring mag-overnight si Hannah dahil nakabantay di-umano sa lahat ng kilos niya ang tiyahin na si Charlotte. Naging mapait ang panlasa ni Isabella nang maalala ang babaeng yun. Ito ang taong bukod tanging nagdiin sa kanya sa kamatayan ng kanyang ate Alessia. At hindi niya maintindihan kung bakit ang bilis maniwala ng ama niya sa babaeng ito. "That manipulative witch...." Sumimsim siya ng wine. Gusto niyang matulog ng maaga at magpahinga. At nawa'y hindi na bumalik ang nagnanakaw ng bulaklak niya. She started closing her eyes..... "Ano ang ginawa sa iyo ni Alessia para magawa mo ito, Isabella?" "Pero Papa, I swear to God-" "Don't use God in this, Isabella, you little witch!" Lalong naluha si Isabella nang marinig niya ang mga katagang iyon mula sa ama. "Please, Emilio, listen to your daughter. I think I saw she just come out of her room." Nagmamakaawang sabi ni Sophia sa kanyang ama. "You think, Sophia? So what is she doing here? How come she came here in the garden when you saw her?" sabat ng aking Tita Charlotte. Napalingon sa akin ang aking ina at kapatid. "May nangbato sa bintana ko. Isang sulat na nakabalot sa bato. And the sender is asking me if I can come down here." "Do you think we will believe that? You are a mischievous girl so why would we believe you?" Wala paring awat na sabi ni Tita Charlotte. "Nakakahiya ka, Isabella! Hindi ko alam bakit ka pa nabuhay sa mundong ito!" "Emilio!" Sinuntok suntok ng aking ina ang dibdib ng aking ama. "Papa, Mama, please stop.." Umiiyak na sabi nga maliit kong kapatid na si Hannah. "Enough, Sophia!" Sabi ni Papa. At nilingon niya ako. "I will clean this mess, you will not go to jail, pero kalimutan mo nang may ama ka, kapatid at ina. Kakalimutan ko na rin na may anak pa akong isa, maliban kay Hannah." Nakita ko ang sumilay na ngiti sa mga labi ni Charlotte. "Papa, please believe me. I love Alessia. I love Hannah. Hindi ko gagawin ang kahit anong makakasakit sa kanila o kahit sino sainyo." "Stop lying, Isabella. Kitang-kita ang ebidensya ng iyong ginawa. Inalisan mo ng buhay si Alessia na mas malayo pa ang mararating kesa sa iyo." Pangungutya ni Charlotte sa akin. Narinig ko ang buntong-hininga ng aking ama at tuluyan na itong umalis. Nilapitan naman ako ng aking ina at ni Hannah. Si Charlotte naman ay sumunod sa aking ama. "Get up and clean yourself. I will stay with Alessia." Umiiyak na sabi ni Mama Sophia. "N-no, I will stay with h-her, Mama. And p-please believe me, I didn't kill Alessia. I love her so much." Yumakap ako sa aking ina. "Shhhhh I believe you, Bella. Now, listen to me. Go with Hannah and change your clothes." Hinawakan ng aking ina ang aking mukha at nakita ko na talagang naniniwala siya sa akin. "Come, ate Bella. Let's go." Hinalikan ko ang noo ni Alessia. "Mahal kita, Alessia. At kung bibigyan ako ng pagkakataon, hahanapin ko kung sino ang pumatay sa iyo at nag-frame up sa akin." Lumakad na kami ni Hannah papasok sa bahay. May mga mga nakasalubong kaming mga tao na sa tingin ko ay mag-aayus sa bangkay ni Alessia. Ngunit napansin ko ang isang binata na masama ang tingin sa akin. Pero ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon. Marahil ay isang mamamatay-tao na rin ang tingin sa akin kaya ganun na lamang ito tmingin. Muli kong naramdaman ang halu-halong sakit sa aking puso. Sino ang makakagawa nun sa kanya at kay Alessia? Napakabuting tao ni Alessia, mahal ito ng mga kababayan nila. Ako naman ay hindi pala-labas na tao at namumuhay ng normal. Hindi kagaya ng aking pamilya. Kaya hindi niya lumubos maisip na may mang-aahas na gagawa nito. Nilingon niya muli si Alessia na ngaun ay buhat buhat na nila. "Paalam, Alessia. Maging masaya ka kung saan ka man papunta. At nawa'y mahanap namin kung sino ang gumawa nito sa iyo." At iyon na ang huli niyang pagtuntong sa bahay na iyon at sa kanyang ama. Pinalabas din nila na namatay sa aksidente si Alessia. Pero kumalat pa rin ang bali-balitang ako ang pumatay sa kanya. "Mamamatay-tao!" Paulit-ulit na tumatak sa isip ko ang mga sinabi ng mga tao noon. Napadilat si Isabella. Hilam ng luha ang kanyang mukha. "Alessia...." At ang luha ay naging hikbi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD