EPISODE 56 RIGHT THING PHOEBE’S POINT OF VIEW. “ILAYO mo na ako rito, Shawn. Please, ilayo mo na ako rito,” pagmamakaawa ko kay Shawn habang nakayakap pa rin ako sa kanya. Hinawakan ni Shawn ng mahigpit ang aking balikat at inilayo na niya ako sa opisina ni Alexis. Nakayuko lang ako hanggang sa makarating na kami sa may parking lot at makapasok na kami sa loob ng kanyang sasakyan. Nang makapasok ako sa loob ng sasakyan ni Shawn ay doon na bumuhos ang mga luha ko at humahagulgol na ako ngayon. Hinahayaan lang ako ni Shawn sa aking pag-iyak at hindi niya muna pinapaandar ang kotse at hinayaan muna ako sa aking pag-iyak. “I-Ikakasal na talaga siya… tapos binuntis niya pa ang babaeng pakakasalan niya. Ano pa ang laban ko, Shawn? Wala na! Sobrang sakit! Ang sakit!” “Siya ang pinaka t

