EPISODE 62 CODE RED PHOEBE’S POINT OF VIEW. CODE RED? Anong ibig sabihin ni Peter? Dahil na rin sa aking pagkataranta ay tinawagan ko na si Shawn. Makalipas ang ilang ring ay sinagot niya na rin ang aking tawag. “Hello, Phoebe—” “Shawn! Nandito si Peter ngayon sa apartment namin… duguan! He said code red. Tawagan daw kita tapos sabihin ‘yun sayo,” natataranta kong sabi. Narinig ko ang kanyang pagmumura kabilang linya kaya nagtataka na ako kung ano ang nangyayari. “Phoebe, gawin niyo ang lahat para mapanatiling gising si Peter. Papunta na kami riyan!” wika ni Shawn at pinatay na niya ang tawag. Napahilamos ako sa aking mukha at nagmamadali akong bumalik kung nasaan ngayon si Peter kasama ni Ellie. Umiiyak na ang kapatid ko ngayon habang nakahawak siya sa telang nasa may tiyan ni

