EPISODE 2: HAPPY DRUNK GONE WRONG

1601 Words
EPISODE 2 HAPPY DRUNK GONE WRONG PHOEBE’S POINT OF VIEW. “Miss Pascua, sama ka mamaya sa party namin pagkatapos ng class,” sabi ng co-teacher ko na si Teacher May. “Tingnan ko lang—” hindi ko na na ipagpatuloy ang aking pagsasalita ng putulin na ito ni Addy. “Nako, Phoebe, sumama ka na. Birthday ko ngayon at libre ko lahat ng mamaya sa bar!” wika ni Addy at inakbayan niya ako. Wala akong magawa kundi ang pumayag na sasama ako sa kanila mamaya. Nalaman ko rin na halos lahat ng nasa department namin na teachers ay sasama sa libre ni Addy. Pati nga rin ang aming program head ay sasama kaya wala akong magawa kundi ang sumama na lang din sa kanila. 30th birthday na niya ngayon at gusto niyang ma celebrate ang birthday niya kasama ang mga katrabaho niya dahil mag isa lang siya sa buhay niya at wala rin siyang boyfriend. Nag focus na lang muna ako sa aking pagtuturo at sa mga paperworks ko. Nakaramdam din ako ng ginhawa ngayon dahil hindi na ulit ako pinatawag sa dean’s office at mukhang nagtino na rin si Alexis at pinagbigyan niya na rin ang gusto kong mangyari. Buti naman para hindi na sumakit ang ulo ko dahil sa kanya. Nandito ako ngayon sa aking office at gumagawa ako ngayon ng TOS at mga questionnaires dahil malapit na ang exam week ng mga students dito sa university na pinagtatrabahuhan ko. Natigil ako sa aking ginagawa sa aking laptop ng marinig ko na tumunog ang aking phone. Kinuha ko naman ito at tinignan kung sino ang nag text sa akin. Hindi ko mapigilan na mapangiti ng makita ko na galing ito kay Alex, sa bestfriend ko. From Alessandra: Hey, girl! I’m here in Moscow. Ano ang gusto mong ipabili mo sa akin dito? Gusto mo ba na hanapan kita ng Russian hot guy dito? Natawa ako sa nging text message ni Alessandra sa akin. I miss her. Pero sabi niya naman na kapag natapos na siya sa mission niya ay uuwi na siya dito sa Pilipinas at magkikita na ulit kami. Isa rin sa dahilan kung bakit hindi ko maiwan at mapabayaan si Alexis dahil pinakiusapan ako ni Alessandra na bantayan ko ang bunso niyang kapatid. Hindi man halata kay Alex, pero mahal na mahal niya ang bunso niyang kapatid. Bilang bestfriend niya, gagawin ko ang kanyang pakiusap sa akin. 5 PM nang natapos na ang lahat ng class ko at pati na rin ang aking mga paperworks. Kumatok sa pintuan ng aking office si Addy at muli niya akong niyaya sa birthday party niya sa bar. Wala na akong takas at nahihiya rin ako na humindi kay Addy dahil mabait siya sa akin at tinutulungan niya rin ako kapag may problema ako sa work namin. Tinext ko na lang ang nag-iisa ko na kapatid na si Ellie na kasama ko ngayon sa apartment na hindi ako makakauwi ng maaga dahil may pupuntahan ako. Kami na lang ng kapatid ko na si Ellie ang magkasama sa buhay dahil matagal ng patay ang aming mga magulang. May mga kamag-anak naman kami na handang tumulong sa amin, pero kami na ang lumayo sa kanila dahil kaya ko rin namang buhayin si Ellie at para makaiwas na rin kami sa mga chismis. Dahil sa aking pagsisikap, nakapagtapos na rin si Ellie sa kolehiyo at ngayon ay may sarili na rin siyang trabaho at tumutulong na rin siya sa mga gastusin sa aming apartment kahit na okay lang naman sa akin na ako na muna magbayad sa lahat. Kahit na kami na lang dalawa ni Ellie ang magkasama ay masaya pa rin kaming dalawa. “Happy birthday, Addy!” sabay naming sabi habang nakataas ang aming mga baso na may lamang alak. Sabay kaming umiinom at humiyaw. Nandito na kami sa loob ng bar at ang ingay ng paligid, nakakadala ang kasiyahan na nakikita ko sa mga tao. Hindi ako mahilig gumimik kagaya ng mga kasamahan ko ngayon, pero importante pa rin na makisama sa mga katrabaho at gusto ko rin munang makapag enjoy. In-enjoy ko muna ang gabi na ito lalo na’t libre ang mga inumin at pati na rin ang mga pagkain na nasa aming table. Nakita ko na nagsialisan na ang mga kasamahan namin sa table at pumunta sa may dance floor upang makihalo sa iba’t ibang tao dito sa bar at nakisayaw. Ako naman ay tahimik lang na nakatingin sa paligid habang nilalasing ko ang aking sarili. Wala akong masyadong close sa mga katrabaho ko kaya medyo nahihiya rin akong makipagkulitan sa kanila ngayon. Niyaya naman nila akong sumayaw at makisaya pero sinabi ko na lang na mamaya na at inom muna ako dito. Hinayaan na lang nila ako at ako naman ay nagpatuloy sa aking pag-inom ng alak. Makalipas ang ilang minuto na pag-iinom ng alak na mag-isa, nakaramdam na ako ng konting hilo at nag-iinit na rin ang aking buong katawan. Bahagya kong tinapik ang aking mukha upang hindi ako makatulog. Tumayo na ako at napagpasyahan na maglakad papunta sa may dance floor. Mawawala rin itong hilo ko kapag nakapag sayaw ako. Nagsimula na akong sumayaw sa may dance floor at nakihalo sa maraming tao na nagsasayaw din kagaya ko. Wala akong kilala pero hindi ako nakaramdam ng hiya dahil pareho lang din kaming lahat dito sa loob ng bar ng nais ngayon, ang magsaya. Gumiling na ako at nakiindak sa malakas na tugtog dito sa dance floor. Napapikit ako sa aking mga mata at bahagya ko rin na itinaas ang aking mga kamay at winawagayway ko ito. Natigilan naman ako at napamulat sa aking mga mata ng maramdam ko na may humawak sa aking beywang. Agad naman akong humarap dito at nanlaki ang aking mga mata ng makita ko kung sino ang humawak sa aking bewang at kung sino ang nasa aking harapan ngayon. “A-Alexis?!” Ngumisi siya at nagsimula na rin na sumayaw habang nakahawak pa rin sa aking beywang. “Hey, Gorgeous. Hindi ako makapaniwala nandito ka ngayon sa bar na ito,” sabi niya. Kumunot ang aking noo at napatingin ako sa paligid at muli akong tumingin sa kanya. “Sino ang kasama mo? Anong ginagawa mo dito? Alam ba ng mga magulang mo na nandito ka sa isang bar?!” sunod-sunod ko na tanong kay Alexis. He chuckled. “Easy, sexy babe. Sasagutin ko rin ‘yang lahat ng katanungan mo. Let’s enjoy the music muna!” sabi niya at hinila niya ako palapit sa kanya kaya napahawak ako sa kanyang dibdib at napa kurap-kurap ako sa aking mga mata. Masyado ng malapit ang mga mukha namin. “B-Bitawan mo ako, Alexis,” nauutal kong sabi at tinutulak ko siya palayo sa akin. Naramdaman ko ang paglapit niya sa kanyang mukha sa may tainga ko at bumulong siya. “Why, sexy babe? Pwede ba na pagbigyan mo muna ako ngayon? It’s my birthday, Phoebe,” paos niyang sabi. Nanlaki ang aking mga mata at napatingin ako sa kanyang mukha. Ngumiti naman siya sa akin at kinindatan ako. “B-Birthday mo?” hindi ko mapaniwalang tanong. Tumango siya. “Yes, sexy babe. It’s my 23rd birthday, and I wish to dance with you tonight. Can you give it to me, sexy babe?” sabi niya at bahagya niyang pina kurap-kurap ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin kay Alexis. “S-Stop calling me that! Konting respeto naman sa akin, Alexis. I’m your sister’s best friend and I’m also your professor,” seryoso ko na sabi. He’s trying to flirt with me and I felt it. “But we’re not in university, Phoebe, and My sister is not here… tayo lang dalawa. Wala kang magagawa kung tawagin man kitang sexy babe kasi totoo naman.” Naramdaman ko ang mga haplos ni Alexis sa aking beywang kaya bahagya akong napatalon sa gulat at tinignan siya ng masama. Mahina siyang tumawa at hinalikan niya ang aking pisngi. “Let’s have fun, Phoebe. Don’t worry, hindi malalaman ni Ate ang nangyayari ngayon, okay?” nakangiti niyang sabi at kinindatan ako. Wala akong magawa kundi ang pinagbigyan si Alexis dahil birthday niya ngayon. Nagsayaw kaming dalawa at masyadong dikit ang mga katawan namin ngayon kaya nakakaramdam ako ng kakaiba… kakaibang init. Napakapit ako sa batok ni Alexis at naramdaman ko rin ang hininga niya sa may leeg ko hanggang sa dumampi na ang kanyang labi doon. Hinalikan ni Alexis ang likod ng aking tainga at bumulong siya sa akin. “You’re so hot, sexy babe,” mapang-akit na sabi ni Alexis sa akin. Napalunok ako sa aking laway at nakaramdam ako ng pagkauhaw. God! Ano itong nararamdaman ko ngayon? Bakit… bakit parang naaakit ako kay Alexis? Bakit parang gusto ko siyang halikan? Natigil kami sa aming pagsasayaw at nagkakatitigan kaming dalawa. Nakatingin lang ako sa kanya at ganun din siya sa akin ngayon. Ang init na… sobrang init. Hinaplos ko ang batok ni Alexis at nakita ko rin ang mabigat niyang paghinga habang mainit na nakatingin sa akin. “Tang Inang buhay ‘to,” rinig ko na mura niya at nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa…. Hinalikan niya ako sa aking labi! Dahil bahagyang nakaawang ang aking labi, mabilis niya lang naipasok ang kanyang dila. Bahagya akong napaungol at ipinikit ko na rin ang aking mga mata at hinalikan ko siya pabalik. Nagpadala na ako sa bugso ng aking damdamin at sa tukso. Bahala na! Ang nasa isipan ko lang ngayon habang kahalikan ko si Alexis ay ang makuha ko siya. I want him. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD