But when he proposed to sugar, she turned him down, at sumigaw pa talaga ito ng NO at sabay itinapon nito ang singsing at nagtatatakbo palabas ng restaurant kung saan siya nag proposed dito. na para bang may malubha at nakakahawa siyang sakit kung umasta ito sa araw na iyon. Yes, nasaktan siya pero mas nasaktan ang pride at ego niya kumpara sa puso niya, at doon niya napagtanto na hanggang ngayon si Jessa pa rin pala ang mahal niya. dahil pagkatapos ng insidenteng iyon, Hindi na mahirap sa kanya na tuldukan ang nagpapanggap lang na relasyon nila ni sugar. At sa malas ay hindi naman ito matanggap ng dalaga. Hindi pa rin maamin ni sugar na ang naging reaction nito sa alok niyang kasal ang totoong nararamdaman at hindi ang pagmamahal na pinaniniwalaan nitong nadarama para sa kanya. Alam ko

