Chapter 3

2000 Words
Noong sundan nito ang yapak ng papa niya at maging mahusay na NBI agent. Ni hindi pinuri ni Jessa si Luke sa paninindigang magsilbi sa bayan. Hindi natinag ang binata sa kagustuhan ng ama nitong pumasok sa hotel at restaurant business ng mga Lopez kung saan mas malaki ang kikitain nito sa negosyo nilang iyon. But she was very proud of him sa mga accomplishment ng binata. Ngunit sa harap ng binata ay hindi niya maipakita iyon. palagi niya kinokontra ang mga sinasabi o opinyon nito, o kahit simpleng observation ng binata sa kanya. maaga kasing natuklasan ni Jessa na kung patuloy niyang ipapakita Kay Luke ang pagkakagusto niya rito ay tiyak na iiwasan siya nito, bagay na hindi niya mapapayagan. She needed to wait for the right time before she could fully show him that the puppy love he had for him when she was fifteen years old was now a young woman's love. Naisip niya din na kung gagaya lang siya sa strategy ng ibang babaeng nauna sa kanya na nagtatangka din masungkit si Luke, madali lang din siyang kakalimutan at iiwan nito. kaya naisip niya na ibahin ang strategy na gagamitin niya para hindi siya makalimutan nito. Jessa! malakas at galit na sigaw ni Luke nang walang lumalabas na tubig mula sa showerhead nang pihitin niya ang knob niyon. kakayapos niya lang magsabon at maglagay ng shampoo sa kanyang buhok pero ni isang patak ng tubig ay wala siyang maipang banlaw. at kahit hindi niya narinig ang mahinang papalayo at hagikhik ng dalaga na isa sa paboritong gawin nito ay ang galitin siya. Ibalik mo ang tubig sa shower ko. Jessa Mae! I swear sasakalin kuta dito paglabas ko rito. Jessa! sabay hablot ng towel niya at itinapis sa katawan niya. Kasalanan niya din ang nangyari. He knew that Jessa was in their house and yet naligo pa din siya kahit alam niya na kasiyahan nito ang galitin at paglaruan siya. Luke? nag aalalang tinig na iyon ni nanay Marta mula mismo sa tapat ng bathroom door. iniwan yata ng dalaga na nakabukas ang pinto ng silid niya kaya marahil narinig ni nanay Marta ang sigaw niya. Si nanay marta ang pinaka matandang katiwala nila. Matagal na itong pinag retiro ng Lola Carmina niya kahit may mga kamag anak itong mauuwian ay mas pinili pa din nitong manilbihan sa kanila. bago pa lang mag asawa ang lola Carmina niya ay katulong na sa pamilya si nanay Marta. Nanay pakisabi kay Roming ang main valve sa basement. walang tumtulong tubig Dito, at kapag nakita mo si Jessa pakitulak na din sa hagdan! Natatawa nalang si nanay Marta. sige uutusan ko si Roming. Maya maya lang ay malakas na ulit ang tubig mula sa showerhead. mabilis na nagbanlaw si Luke, lumabas siya ng bathroom at pumasok sa walk in closet, saka Dali daling nabihis. baka Kasi maabutan pa niya ang dalaga sa loob ng bahay nila. kung maabutan niya naman ang dalaga panigurado nakahingi na iyon ng tulong sa Lola niya. minsan hindi niya maunawaan, strict disciplinarian ang Lola niya pagdating sa kanila na mga apo niya. pero pagdating kay Jessa ay isa rin ang lola sa punong kunsintidor ng dalaga sa kalokohan. Hindi siya makapag higante kay Jessa pag andiyan lang ang Lola niya kasi ang dalaga ang kakampihan nito. Marami pang bagay sa buhay na pinag aaralan ni Jessa. pero pagdating sa pag iwas sa galit ni Luke ay expert siya. Kaya pagbaba niya galing sa kwarto ng binata ay dumeretso agad siya sa balkonahe kung saan nagpapahangin si lola Carmina. Luke would never dare to glare at her with his grandmother around. naupo si Jessa katabing silya ng rocking chair na inuupuan ni Lola Carmina. pero naisip niya masyado siyang halata kung doon siya uupo. kaya tumayo na siya at kunwari sumandal sa railings ng balkonahe. Sigurado ka bang diyan mo gustong pumuwesto hija? Hindi kaya maisip lang ni luke na ihagis ka mula diyan? naaliw ang tonong wika ni lola Carmina bago humigop ng tsaa. Kabisado na ni Lola ang hobby ng dalaga na magpapansin kay Luke sa pamamagitan sa pang iinis sa binata. madalas ay kinokunsinti ng matanda ang mga ginagawa niya kahit pa minsan nagtatampo na si Luke sa Lola nito. Kung tutuusin, wala naman silang pamilya sa Quezon. ulilang lubos at wala nang malapit na kamag anak ang papa niya. pero dahil itinuring Sila nina Lola Carmina na parang tunay na kapamilya mula pa noong una silang dumating. Lalo pang lumalim ang relasyong iyon nang pakasalan ng papa niya si tita Juls. Hindi sila kinulang sa pagmamahal ng isang buong pamilya. Because the Lopez clan adopted them as their own. But soon when the right time magiging totoong Lopez na din siya. tama ka Lola, mas ligtas siguro ako sa tabi mo, natatawa niyang saad sa matanda bago siya bumalik sa tabi nito. Pero kagyat niyang nakagat ang labi ng makita niya si Luke na papalapit at naktiim bagang, kahit alam niyang posible pa ring ihagis siya nito mula sa veranda, hindi niya maiwasang hangaan ang kagandahang lalaki nito. Black cargo pants at light gray t-shirt ang suot ng lalaki. masang masa pa ang itim na buhok na umabot sa batok nito. Bagong ahit at ang sarap papakin. ayy kung ano ano na naman ang pumapasok sa malandi kung isipan. Hello, Luke! matamis ang ngiting bati ng dalaga sa nakasimangot na binata. pero kinakabahan siya sa mapanganib na kislap ng mata nito.Ilang taon ka na ba ngayon, Jessa? and yet you still- I'm 20 and I'm turning 21 this coming- Pinanlilisikan siya ng mata ni Luke. alam ko kung ilang taon ka na. Eh, bakit itinatanong mo pa? painosenteng sabi ng dalaga. that was a rhetorical question. you know what aksaya lang sa oras ang kausapin ka. gigil na sabi ni Luke at malalaki ang hakbang na lumakad ito palayo. Luke! Don't go! nagbibiro lang ako, masyado ka naman pikon, sigaw ni Jessa Luke! Luke! Don't go Luke! madramang sigaw niya habang nakaunat ang isang braso, bukas palad tulad sa mga drama sa pelikuka. Salubong ang mga kilay na nilingon siya ng binata, saka puno ng disgustong umiling. Ang gwapo pa rin talaga ng binata kahit nakabusangot ang mukha. Hindi mo siya mapapaamo kung lagi mo siyang iniinis, apo. Imbis na makita niyang isa ka ng dalaga Ngayon, isang makulit at pilyang dalagita pa rin ang nakikita niya sayo. malumanay na komento ni Lola Carmina. Napatingin si Jessa sa matandang babae. ito na ang nagpalaki at nag aruga kay Luke mula pa noon. kilalang kilala ni Lola Carmina ang apo nito. at batid niyang si Lola Carmina ang pinaka importanteng babae sa buhay ni Luke. kaya nga labis ang tuwa niya na boto sa kaya ang matanda bilang future granddaughter in law nito. Ano ba ang dapat kung gawin, Lola? kapag naging malambing ba ako bigla sa kanya. tiyak na iiwasan niya din ako. Tiyak kasing mas magiging allergic si Luke sa kanya kapag nalaman nito ang matinding pagkagusto niya rito. bakit ba kasi sa loob ng tatlong taong hindi niya personal na nakikita ang binata ay hindi niya pa rin nabura ang damdamin niya rito? kahit kasi may binatang kaedad niya na nagpapakita ng interes sa kanya, hindi siya makaramdam ni katiting na atraksyon. Lagi na ay naroon sa isip niya ang binata at kinukumpara niya ito sa mga manliligaw niya. Bakit hindi mo subukang maging kaibigan siya? Mas mapapalapit ka sa kanya at makikilala ka rin niya bilang isang dalaga at hindi isang dalagitang mapang asar lang. saad ni Lola Carmina. Napaisip si Jessa sa sinabi ng matanda. tumayo siya at dumungaw sa veranda. natanaw niya si Luke na nakatayo malapit sa fishpond sa gitna ng napakagandang hardin na alagang alaga ni Lola Carmina. tila napakalalim ng iniisip ng binata habang nakatitig sa makukukay na isda sa fishpond. Hindi nagkukuwento ang binata tungkol sa kasong hinahawakan niya sa NBI. Minsan, buwan ang binibilang bago siya umuwi rito. Hindi ko maiwasang mag alala minsan na baka dahil binata pa siya, hindi siya masyadong nag iingat tuwing nasa trabaho siya. wika ng matanda sa kanya. At minsan din, nag aalala ako na baka dahil nasaksihan niya sa sariling mga magulang, hindi na niya gugustuhin pang mag asawa. Matanda na Ako at nangangamba na kapag nawala na Ako ay wala ng mag aalaga sa apo ko. Lola naman. huwag niyo pong iisipin iyang, you're not going anywhere yet. Hihintayin mo pa na mag dedebut ang mga anak namin ni Luke. pabirong sabi niya sabay yakap sa matanda. Lola, may sakit po ba kayo? nag aalalang untag ni Jessa sa matandang babaeng itunuring siyang tunay na apo. Nagkaroon na ako ng mild stroke noong isang taon hija. Maayos naman na ang lagay ko. binigyan ako ng mga gamot na ayon sa doctor pang maintenance ko na. Pero dahil sa nangyari ay hindi ko maiwasang isipin na baka isang araw ay hindi na ako magising. Alam kung mahal mo ang apo ko hija, sigurado akung hindi mo siya iiwan anuman ang mangyari. kung kailangan mo ng tulong para makuha ang loob niya. handa akung tulongan ka apo. Maya maya ay ipinasya ni Jessa na sundan si Luke sa fishpond. tahimik niyang nilapitan ang binata. Pero malayo pa lang siya ay tila naramdaman nitong papalapit siya at nakakunot noong lumingon sa kanya. May kailangan ka? masungit na tanong niya. naningkit ang mga mata ni Jessa. naalala niya ang insektong ihahagis niya sana kay Luke kanina paglabas nito ng bathroom. She would have loved to see him jump in fright which probably cause his towel to dislodge a little and then.. it was time for a naked Luke delight! Pero sa huli ay nagbago ang isip niya. Hindi pa siya handang makita ang Adam in Eden version ni Luke. bukod doon ay narinig niya ang papalapit na yabag ni nanay Marta. Lumapit ng husto si Jessa sa binata, saka matamis ang ngiting inilahad ang kanang kamay rito. "Peace na tayo please? Hindi ko na yon uulitin" but while her right hand was offered to shake his hand, which she knew he would take because he was not stupid, her left hand was already holding the plastic toy cockroach. At tulad ng inaasahan niyang gagawin ni Luke , puno ng pagdududang tiningnan lang nito ang kanang kamay niya at bahagyang umatras. " Hindi mo na yon uulitin Kasi iisip ka na ng ibang kalokohang gagawin sa akin. iyon ang ibig mong sabihin. tama? Sorry but I'll say no to your peace, Jessa. Mayamaya ay ginulat siya ni Luke nang bigla itong humakbang palapit sa kanya at hagipin ang kaliwang kamay niya "See? sinasabi ko na nga ba! angil nito na inagaw ang laruang ipis mula sa kanya at inihagis iyon sa fishpond. Sa lakas ng pagkakahagis ng binata sa laruan ay tumalsik ang tubig mula sa fishpond. " Ngayon, kailangan mong magbihis uli" he smugly said Bago niya tinulak ang dalaga sa pond Ni hindi na nakapiyok si Jessa sa sobrang gulat. She was so shocked that it took a second before she could scream as she stood there in the pond. But while she was screeching in anger and trying bat away the fishes nibbling at her, halos gumulong naman ang lalaki sa kakatawa. Luke! galit na sigaw ni nanay Marta na napasugod sa fishpond, ano ka bang bata ka? tulungan mo siyang umahon. Ngingisi-ngising yumuko si Luke sa gilid ng pond at iniabot ang kamay sa kanya. Mahigpit na kumapit siya sa kamay nito. Pero tila nahulaan agad ng lalaki ang binabalak niyang paghila rito upang bumagsak din ito sa pond dahil pinandilatan siya. "Huwag mo ng tangkain pa, Jessa. Sa bigat ko baga madaganan pa kita at hindi sadyang malunod pa kita." anito na may malinaw na pagbabanta sa tono. He was warning her that though it would be impossible for her to drown in the waist deep water, he would surely attemp to make it possible if she insisted on pulling him with her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD