Good morning, mga Sir. dito ba nakatira si Ma'am Jessa Lopez? tanong ng delivery rider na may hawak ng isang cartoon. Oo dito, para sa kanya ba yan? tanong ng guard sa front gate ng bahay nila Lola Carmina. Package po para sa kanya. paki perma nalang sir na natanggap po ang package, sabay abot ng carton sa guard. Nasa sala si Jessa kasama si Mama Juls, nag sho-shoppe kasi sila online ng mga gamit para sa baby. Good morning ma'am. bati ng guard sa kanila. Good morning. may kailangan ka ba? tanong ni Mama Juls sa guard. May package po para kay ma'am Jessa. ipinakita ng guard ang carton. Kanino galing? tanong ni Jessa sa guard. Wala po nakalagay ma'am. pangalan at address mo lang po nandito. Nagkatinginan si Mama Juls at Jessa. Sige, ilagay mo lang diyan sa sahig. utos ni Mama Juls

