Chapter 1

1630 Words
Hi, nasa sm na 'ko. I'm in Bonchon, gotta wait you here.  Pikit mata at buntong hininga ang naging reaksyon ko nang mabasa ang chat ni Paulo. Kanina pa pinipisil ng kaba ang puso ko dahil ito ang kauna-unahang makikipag-meet ako sa isang lalake. Sana rin walang makakita sa akin na kamag-anak ko dahil paniguradong lagot ako. Well mag-e-eighteen naman na ako, so siguro naman hindi na masama kung sumubok ako ng mga bagong bagay sa buhay ko. Marami na 'kong nasubukang dating apps dahil sa mga kaibigan ko, pero kahit isa sa mga nakausap ko wala akong kinita sa personal. Hindi ko alam pero may kakaiba kay Paulo kaya napapayag niya akong makipagkita sa kanya. Madalas akong ma-bored sa mga kausap ko lalo na kapag paulit-ulit na lang 'yong topic, pero sa kanya never akong nakaramdam ng bored. Alam niyang sakyan ang humor ko at hopefully nasasakyan ko rin siya ng tama. Ewan ko ba, feeling ko match din kami in person, hindi lang sa Bumble. Huminga ako nang malalim bago i-send ang reply ko sa kanya. Okay I'm on my way sa Bonchon Parang gustong magwala ng puso ko nang makapasok ako sa loob ng sm. Maraming tao as usual, pero pakiramdam ko mag-isa lang ako habang naglalakad papalapit sa destiny ko. Sa bawat hakbang ko, sumabay ang malalakas na t***k ng puso ko hanggang sa marating ko na ang pintuan ng Bonchon. "Good morning ma'am." Binati ako ng guard at ngumiti lang ako dahil halo-halo pa rin ang tumatakbo sa isip ko. Nilibot ko ang paningin sa loob habang natakam na rin sa aroma ng dumplings nila. Walang gaanong tao at medyo marami pa ang bakanteng upuan. Hinagilap ng mga mata ko ang pinakagwapong nasa loob. Gwapo si Paulo, sure ako roon dahil hot 'yong picture na naka-post sa Bumble niya. Sana nga lang hindi siya scam kasi sabi ng friends ko marami rin daw posers sa mga dating apps. Nagniningning ang mga mata ko nang dumapo ang paningin ko sa isang lalake sa sulok na tahimik lang na nag-ce-cellphone. Tinignan ko 'yong picture ni Paulo sa gallery ko at saka ko binalik ang tingin sa lalakeng nakaupo sa dulo ng kainan. Napakagat ako sa labi ko, siya nga, pero mas gwapo siya sa personal. Huminga ako nang malalim nang lalo akong kinabahan. Napaisip tuloy ako kung maayos pa ba 'yong hitsura ko o mukha na akong haggard; sana fresh pa rin ako para mabigyan ko ng hustisya 'yong kagwapuhan niya. Natulala ako nang sa harapan niya na ako nakatayo. Binaba niya ang phone niya at saka siya nag-angat ng tingin. Parang lumipad sa langit ang puso ko nang magtama ang mga mata namin. Kaakit-akit ang pagkasingkit ng mga mata niya; para siyang 'yong mga leading man sa Kdrama. Pakiramdam ko naka-jackpot ako sa lalakeng 'to. Sana nga lang mabait din siya kagaya sa chat. "Uhm... Hi sorry naghintay ka. Kanina ka pa ba?" Sinubukan kong umarte na hindi nahihiya pero naco-conscious na talaga 'ko sa kung anong hitsura ko ngayon. Lalong nagniningning ang mga mata ko nang ngumiti siya at makalaglag panga ang dimples sa magkabilang pisnge niya. "Ah hindi halos kakarating ko lang din." Tumango-tango ako habang hinahanap ang mga salitang dapat kong sabihin pero wala akong maisip. Sobrang nakaka-distract naman kasi ang appeal niya. "Ah... upo ka muna, ayaw mo bang dito kumain?" Napatawa ako nang ma-realized na nakatanga lang ako habang nakatayo pa rin. Umupo ako nang hindi inalis ang tingin sa mapang-akit niyang mga mata. "Hindi sige okay lang. I like Bonchon." Mas lumawak ang ngiti niya na nagpasingkit sa cute niyang mga mata. "Talaga? Ako rin. Anong favorite mo rito?" "Iyong crispy mandu nila." Natakam tuloy ako nang maisip 'yong maanghang-anghang na lasa niyon. Kuminang ang mga mata niya kasabay ng maputi at perperkto niyang ngipin. "Oh I see. Masarap nga 'yon, pero masarap din 'yong spicy chicken nila." "Mahilig ka sa maanghang?" Hindi na maalis ang ngiti ko. Tumango siya habang wala ring palya sa pagngiti ang labi niya. "Oo, ikaw din?" "Oh my gosh yes." Hindi ko alam pero sobrang saya ko sa simpleng bagay na mayroon kaming same taste sa food. Feeling ko tuloy meant to be talaga kami. "Wow that's nice. Ang sarap kaya ng maanghang. Pangpagana sa pagkain." "I know right." I couldn't agree more. "Ano pang ibang gusto mo rito?" Tumingin ako sa counter para alalahanin 'yong ibang madalas kong bilhin dito. Napadila ako sa labi ko nang makita 'yong picture ng bingsu. "Oh my Bingsu, as in the best talaga para sa 'kin." "Really? Me too; I like bingsu." "O.m.g anong favorite flavor mo?" Grabe namang tadhana 'to kung pareho rin kami ng favorite na flavor. "I love strawberry." Medyo bumagsak ang balikat ko pero nanatili naman ang ngiti sa labi ko. "Ah ube macapuno 'yong akin." "Oh di ko pa nasubukan 'yon." Nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso ba? Dapat mo 'yong masubukan. Baka iyon na maging favorite mo kaysa sa strawberry." Biro ko and luckily tumawa naman siya. "Sige try ko 'yon ngayon, sabi mo eh. Iyong strawberry ba na-try mo na?" "Oo naman pero mas trip ko talaga ube." Nakitikim lang ako sa friend ko noon nung strawberry in-order niyang bingsu, kaso di ko talaga trip eh. Mas masarap talaga para sa 'kin 'yong ube. "Mas trip kita." Ilang segundo ata akong napanganga sa sinabi niya bago ako unti-unting tumawa. "Ay wag kang pa-fall kuya." Iyon lang ang naisip kong sabihin. Kahit naman sa chat eh ganoon kami mag-asaran. Babanat siya tapos babalaan ko siya na baka mahulog ako sa kanya. Kahit pala sa personal eh talagang palabanat siya. Tumawa na lang din siya at umiling-iling. "Order na nga tayo. Crispy mandu iyo?" Tumayo na siya sa upuan kaya tumayo rin ako. "Ako na oorder ng akin." Tinignan niya ako nang masama. "I insist." Ginantihan ko rin naman siya ng seryosong tingin. "Ako na nga oorder." "Eh sinong magbabantay ng table natin?" Huminga ako nang malalim. "Edi mag-iwan ng gamit--" "Basta ako na oorder." "Sige." Kinuha ko na lang 'yong wallet ko. Maglalabas na sana ako ng pera pero pinigilan niya nanaman ako. "Ako na bahala, libre ko 'to." Natulala nanaman ako nang kumindat siya. Bakit ba ang sobrang cute niya, gusto ko sanang pisilin 'yong makinis niyang pisnge kaso nakakahiya, saka na lang kapag close na kami. Bago pa 'ko makaangal ay tinalikuran niya na 'ko. Huminga ako nang malalim at saka umupo. Babawi na lang ako mamaya o kaya sa susunod naming lakad, ako naman ang manlilibre. As if masusundan 'to, pero sana masundan. Feel ko ang sarap niyang kasama, talagang nagkasundo kami sa umpisa pa lang. Ni'hindi ako nakaramdam ng awkwardness the moment na nagsimula kaming magkwentuhan. As in parang ang tagal na naming magkakilala. Sabi na legit siya eh, iyong mga kaibigan ko kasi iniisip poser siya. Sobrang gwapo kasi, kaya parang too good to be true raw. Angal ko naman sa kanila, marami naman talagang gwapo sa dating app, baka hindi lang sila maka-jackpot. Hindi kami naubusan ng kwentuhan hanggang sa matapos kaming kumain. Busog na busog ako hindi lang sa pagkain kundi pati na rin sa cute niyang ngiti. Nag-aya siyang mag-window shopping muna kaya nag-ikot lang kami sa mga malls. Nakwento niya sa 'kin na mahilig daw siya sa mga damit, halata naman sa suot niyang black niyang graphic tee na may malaking statement sa likod, tapos naka shorts siya na kulay gray at white Nike shoes. Simple ang porma niya pero ang lakas pa rin ng dating. Chic magnet siguro siya. Namili siya ng damit at nakakatuwa lang kasi sa 'kin niya pa pinapili kung anong mas magandang kulay. Kinilig ako kasi parang may tiwala siya sa taste ko. Mas gusto niya raw 'yong gray pero since pinipi ko 'yong beige, beige na lang ang binili niya. Nang unti-unti ng lumubog ang araw, sinabi ko sa kanyang kailangan ko ng umuwi. Gusto niya pa nga 'kong ihatid pero sabi ko wag na at baka makita pa 'ko ng sumbongero naming katulong. Kumuha na lang ako ng grab at sinamahan niya naman akong maghintay sa manunundo sa 'kin. "By the way, Paulo Alistare Custudio nga pala." Napatingin ako sa kamay na nilahad niya sa harapan ko. Natawa ako nang ma-realized na hindi pa nga namin personal na napakilala ang isa't isa. Hindi ko talaga naisip na need pa ng formal na pagpapakilala, pero since gusto niya, malugod kong tinanggap ang kamay niya. "Oo nga pala, I'm Wendy; Iza Wendy Soriano." Pakiramdam ko nakahiga ang puso ko sa malambot na marshmallow nang madama ko ang malaki pero sing lambot ng babae niyang kamay. "Nice meeting you Wendy." Ayoko na sanang bitawan 'yong kamay niya pero nakita ko na 'yong grab na papalapit sa direksyon ko. "Nice meeting you too." Kinilig nanaman ako nang inunahan niya akong buksan 'yong pinto ng sasakyan. Nginitian ko siya bago pumasok sa loob. Hindi niya agad 'to sinara at sinilip pa ako. "Pa'no ba 'yan? 'till we meet again." Kulang na lang mapunit 'yong labi ko sa pagngiti. "Are we?" Mahina siyang tumawa. "Syempre naman. Oh siya, ingat ka ha. Mag-chat ka 'pag nakauwi ka na. After two months, ako na maghahatid sa 'yo." Hanggang sa makauwi ako ng bahay, abot tainga pa rin ang ngiti ko. Hindi mawala-wala sa isip ko ang huling mga sinabi niya sa 'kin. Ibig sabihin may plano ulit siyang makipagkita sa 'kin. Tapos sabi niya pa, after two months siya na raw 'yong maghahatid sa 'kin. Siguro kasi eighteen na 'ko that time. Binagsak ko ang katawan ko sa kama at saka nagpapapadyak sa sobrang tuwa. Pigil kong nilabas ang tili ko habang nakahawak ako sa puso kong kilig na kilig. Ang gwapo niya talaga, sweet, at gentleman pa. s**t, type ko talaga siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD