"iyon nga love, lasing siya niyon tapos bigla niya 'kong hinalikan--" "Oo tama na, masakit na." Awat ko sa kanya. Kanina pa 'ko tanong nang tanong, pero paulit-ulit lang din ang sagot niya. Para akong tangang sinasaktan ang sarili, sa tuwing naaalala ko iyong pangyayari sa elevator. "Love, sorry talaga; ayokong nasasaktan ka." Niyakap niya ako. Magkatabi na kami sa kama at nagpapahinga. "Naniniwala na 'ko, hindi mo gustong saktan ako, pero... hanggang kailan ba manggugulo si Gwen?" Nakatitig lang ako sa kisame. "Hindi ko alam, love." Sinuklay ng mga daliri niya ang buhok ko. "Sinabihan ko siya na tigilan na 'ko. Sana nga makinig na siya, this time." Sarkastiko akong ngumiti. "Hindi na 'ko aasa." "Love, sorry talaga. Hindi ko naman gustong nanggugulo siya. Kung pwede nga lang bur

