Wendy's POV "Bahay natin 'to?" Nilibot ni Paulo ang paningin niya sa bahay na binili namin noon. Ngayon lang ako nagkaroon ng chance para ipakita sa kanya ang tahanang naipundar namin, pa'no ba naman madalas lagi siyang na kay Gwen. "Yes, love. Ang laki diba?" I smiled. "Dito na sana tayo nakatira ngayon, kung..." Hinimas ko ang hita ko. "Kung ano?" "Kung hindi ka naaksidente." I sighed. "Gusto mong tignan iyong taas?" Tumango siya, nagtungo kami sa taas at pinakita ko sa kanya ang iba't ibang hitsura ng mga kwarto. "Ito ang master's bedroom!" Umupo ako sa malaki at malambot naming kama. Umawang ang labi niya. "Ang laki." I nodded. "Pangarap talaga natin ang malaking bahay. Kaya nga sobrang saya natin nung nabili natin 'to." Umupo siya sa tabi ko at tinignan iyong malaking t.v

