"Hindi ba masyadong malaki 'to, love?" Nilibot ni Paulo ang paningin niya sa bahay na pinaplano naming bilhin. Almost one year na kaming engaged, nag-decide kami na paabutin muna ng one year ang engagement season namin, para mapaghandaan nang maayos ang marriage. Gusto namin stable na ang lahat, bago kami ikasal kaya naman nagtitingin na kami ng magandang bahay. "Ayaw mo ba ng malaki? Ang ganda nga nito, perfect para bumuo ng maraming alaala." Niyakap ko siya mula sa likod niya. Up and down ang bahay; gray and white ang theme. Classic and sophisticated ang dating para sa 'kin. May tatlong kwarto sa taas at isa sa first floor. Nasa loob din siya ng subdivision, so sure na safe place ito. Nakatanaw si Paulo sa veranda ng second floor at napangiti rin ako dahil sa ganda ng view. Mahang

