Days earlier before Paulo woke up. Wendy's POV "Wendy, I was looking for you." Daddy was walking towards me. Pinunasan ko agad ang bumahang luha sa pisnge ko. Nanatili ako sa lounge area; pagkatapos kong malaman na gumalaw ang mga daliri ni Paulo, hindi na ako mapakali. Gusto ko na talagang bumalik sa Manila. "Daddy, gumalaw daw po ang mga daliri ni Paulo." Umupo si daddy sa tabi ko. "Good for him." "Balik na po tayong Manila, malapit na raw siyang magising." "Anong napag-usapan natin, Wendy?" Tagos ang tingin sa akin ni daddy. "Babalik lang tayo sa Manila sa oras na magising na si Paulo." "Pero malapit na siyang magising." Nangilid muli ang mga luha ko. "Karmina texted me, malapit na raw magising si Paulo, daddy." Inagaw niya sa 'kin ang cellphone ko. "Babalik tayo roon kapag

