Nakatulala lang sa akin si Zenvy habang tahimik itong umiiyak. Hindi naman ako makapalag sa pagkakayakap ni Spade dahil nanghihina ako.
Umalis si Spade sa pagkakayakap sa akin at hinarap ito. Tulo ng tulo ang luha nito habang nakatingin, tinitigan ko din ito.
Nanginginig n'yang hinawakan ang pisngi ko. "Lalaban ka 'diba?" Mahinang tanong nito na tanging kaming dalawa lamang ang makakarinig. "Hindi mo naman siguro kami iiwanan 'diba? Malakas ka 'diba?" Umiiyak na tanong nito sa akin dahilan para lalo akong maiyak.
Tumango lang ako sa tanong n'ya.
Pero hindi kona kaya, hinang hina na ako.
Hinalikan n'ya ang noo ko bago ako yakapin. Kitang kita ko ang buong Section G na umiiyak, maging si Jacob ay palihim na nagpupunas nang luha.
Si David naman ay nakatingin sa labas ng bintana habang may namumuong luha sa kan'yang mata. Si Lucas naman ay gano'n din katulad ni David pero nakatitig sa amin.
"Z-Zaina...." Umiiyak na pagtawag sa akin ni Ethan habang may sipon pa na tumutulo galing sa ilong n'ya.
Si Sebastian naman ay singhot nang singhot ng droga, joke lang. Sumubsob si Sebastian sa balikat ni Rocky bago isinga ang kan'yang sipon.
Ang iba naman ay singhot ng singhot, si Niko lang yata ang seryoso at hindi umiiyak dahil alam na n'ya ang sakit ko.
Tumayo si Zenvy at tulalang lumapit sa akin. Mukhang nakahalata naman si Spade kaya hinalikan n'ya muna ang noo ko bago tumayo at lumabas.
Pabagsak na lumuhod si kuya Zenvy sa harapan ko bago umiyak nang umiyak. Niyakap n'ya ako dahilan para lalo akong maiyak.
"I'm sorry, i-i-i didn't know, baby sister. I'm sorry." Umiiyak na sabi nito. Tipid akong napangiti bago unti unting inangat ang aking braso para yakapin s'ya.
"O-Okay lang, Kuya. Basta huwag mo akong ipakakasal, ha?" Sabi ko. Naramdaman ko naman na tumango-tango ito.
"Y-Yes, i'll cancel na wedding. For you, baby sister, for you." Parang bigla akong nabuhayan ng dugo sa sinabi ni Kuya Zenvy.
YESSSSSSSSS!
Humiwalay s'ya sa akin sa pagkakayakap bago ako harapin, pinunasan n'ya ang luha sa mata n'ya.
"Makikipag hiwalay na ako kay Avrhil, okay?" Tumango tango ako.
HIIIIIIYESSSSSSSSSSS!
"S-Sige." Sabi ko bago muling tumango tango. Tinanggal kona ang oxygen mask dahilan para mataranta sila.
"What the hell, Zaina. Bakit mo tinatanggal?" Tarantang tanong ni Kuya Zenvy, nginitian ko ito.
"Okay na ako, Kuya. Bati na tayo eh." Sabi ko bago mahinang pitikin ang noo nito.
"You sure?" Tanong n'ya. Naninigurado.
Ngumiti ako bago tumango. "Uhuh!" Sabi ko bago mahinang humagikhik.
"Don't stress your self, baby sister."
"Bestie, oh, kumain kapa." Napabusangot ako ng lagyan nang lagyan ni Amelia ang aking plano ng mga pagkain. Halos puno na ang plano ko pero hindi parin s'ya tumigil sa paglalagay.
"Amelia, ang dami na, tama na." Awat ko dito ng mala bulkang mayon na ang pagkain ko.
"Shatap, bestie!" Suway nito sa akin ng hindi ako nililingon. "Kumain ka nang kumain para lumakas ka, jusko!" Sabi n'ya bago ako tignan.
Kumamot ako sa aking kilay. "Ang dami, eh. Hindi ko mauubos 'yan." Reklamo ko. Tumaas ang kilay n'ya.
"Wala akong pake, basta ubusin mo 'yan. Kung hindi bibigyan kita ng palaka." Masungit na sabi nito, ngumiwi ako.
Ang dami....
"Eh kasi---"
"Bestie, patay gutom ka, remember?" Ngumiwi ako. "Kaya alam kong uubusin mo 'yan dahil palamunin ka."
"Grabe naman 'yong patay gutom lalo na 'yong palamunin, baka nakakalimutan mo nasa amin ka kumakain," Tumaas ang kilay ko. Ngumiwi ito. "Sinong palamunin sa atin?"
"Patay gutom ka, palamunin ako, okay?" Sabi n'ya bago ako abutan nang kutsara. "Kumain kana." Sabi n'ya bago lantakan ang pagkain n'ya.
Lihim akong napangiti.
I'm lucky to have a bestie like Amelia.
Tahimik muli akong pumasok sa classroom ng matapos ang aming pagkain ni Amelia sa cafeteria, hindi lumabas ang Section G kaninang lunch na labis kong ipinagtaka.
Pagpasok ko ay agad ko silang naabutan na nagtitipon tipon sa may puwesto ni Spade. Nakapalibot sila dito na parang nagmimeeting.
Mabilis naman silang bumalik sa upuan nila ng maramdaman nila ang presensya ko. Hindi ko nalang iyon pinansin at bumalik nalang ako sa upuan ko.
Ramdam ko ang titig nila sa aking lahat pero wala akong pakialam sa kanila dahil hanggang ngayon ay galit parin ako sa kanila kahit na umiiyak iyak sila kanina para sa akin.
Kinuha ko ang cell phone ko na nasa bulsa ng blazer ko ng magvibrare ito. Pagtingin ko ay si 11:11 ang nagtext.
Simula ng umuwi ako dito sa Pilipinas ay hindi na s'ya nagtext s'ya akin. Ngayon na lang uli.
Bakit parang namiss ko s'ya?
From:11:11
I love you.
Tumaas ang kilay ko pero mabilis akong nagreply.
Me:
Gago! Pakyu!?
Sino kaya 'to si 11:11? At paano n'ya nalaman ang number ko.
From:11:11
I miss you.
Tumaas ang kilay ko.
Me:
Adik!
Reply ko dito. Mabilis naman itong nagreply sa akin.
From:11:11
Sa'yo.
Sa hindi malamang dahilan at napangiti ako dahil sa sinabi n'ya.
Edi wow!
From:11:11
I need you.
Hindi na ako nagreply dahil tinatamad ako. Inaantay ko nalang ang susunod n'yang text sa akin.
From:11:11
I owe you.
Mabilis na nangunot ang noo ko. Huh?
From:11:11
You are mine.
Sa inis ko ay mabilis kong pinatay ang cell phone ko at itinago iyon sa aking bulsa.
"Adik..." Mahinang bulong ko sa aking sarili.
Nabigla ako ng may biglang magsalita. Hindi ko matunton kung kaninong boses iyon dahil masyado iyong seryoso.
"Sa'yo, mahal ko."
Kinabukasan ay natigilan ako sa akmang pag-upo sa aking upuan ng may makita akong boquet ng chuckie na naka lapag sa arm rest ko.
Nakakunot ko itong tinitigan, nilingon ko ang mga hunghang pero may kan'ya kan'ya silang mundo pero hindi nakatakas sa akin ang palihim nilang pagtingin sa akin at sa boquet ng chuckie.
Ayaw ko naman na magtanong dahil galit parin ako sa kanila. Binuhat ko ang boquet of chukie bago ilapag sa desk ni Sir Brandon at umupo nasa upuan ko.
"Oh? Kanino galing 'to?" Tanong ni Sir ng makalapit ito sa desk n'ya habang taka na nakatingin sa boquet of chuckie. Nilingon ako ni Sir. "Everleigh?" Nagkibit balikat lamang ako.
"Walang may ari nito?" Tanong ni sir sa aming lahat pero walang sumagot kahit isa. "Wala talaga? Sure 'yan?" Wala parin sumasagot sa amin. "Okay," Sabi ni sir bago buhatin 'yung boquet of chuckie. "Bigay ko nalang 'to kay Agatha babe, hehehehe." Sabi ni sir bago ngiting ngiti na lumabas nang class room.
"Zaina, hehehehe." Napatingin ako sa may kanan ko ng may bag na naglapag sa upuan. Biglang umupo si Ethan habang ngiting ngiti. "Tabi tayo." Ngiting ngiting sabi n'ya pero hindi ko s'ya pinansin.
May bag naman na naglagay sa kaliwa ko dahilan para mapatingin ako do'n. "Me too." Sagot ni David bago magcell phone. Napabuntong hininga ako bago magcell phone nalang.
"Psttt!" Kinalabit ni Ethan ang balikat ko dahilan para mapatingin ako doon.
Napatingin ako sa mesa ko nang ilapag n'ya ang isang litrong chuckie. Napabalik ang tingin ko sa kan'ya.
"Napansin ko kasi na hindi kana umiinom ng chuckie kaya bibigyan nalang kita." Sabi n'ya.
Hindi ko s'ya pinansin at nagpatuloy nalang ako sa pagcecell phone.
"Zaina, alam mo ba? Laking pasasalamat ko na nakilala kita," natigil ako sa pagcecell phone nang magsimulang magsalita si Ethan. "Kasi, kung hindi dahil sa'yo baka nasa impiyerno pa ako, impiyernong tahanan na iyon." Nilingon ko si Ethan.
Nakatulala lang ito sa harapan habang nakangiti pero hindi nito maitatago ang lungkot sa kan'yang mata.
"Tapos, nagkaroon ako ng bagong kaibigan. 'Yong kayang sabayan ang trip ko kahit alam kong naiinis kana minsan sa akin, nagkaroon ako ng vlog partner, nang dahil din sa'yo dumamin followers ko hehehehe." Nagpunas ito ng luha dahilan para umiwas ako ng tingin.
Bwisit!
Hindi na ako naka tiis at tumayo na ako, bago ako makalabas ng class room ay narinig kong nagsalita si Ethan kasabay nang paghikbi nito.
"Ano ba ang kailangan naming gawin para mapatawad mo kami?" Umiiyak na sabi nito.
"Layuan n'yo 'ko. At kapag nagawa n'yo ang pinagagawa ko, pinapatawad kona kayo."
Kinabukasan ay nakakita na naman ako ng boquet, hindi na ito boquet ng chuckie kundi boquet na ito ng pera na lilibuhin at sa tabi nito ay mga chocolate at mamahaling pagkain.
Tulad kahapon ay wala na namang pakialam ang mga hunghang, hindi na rin sila tumitingin.
Katulad kahapon ay nilagay ko muli ang boquet ng pera at mga chocolate sa desk ni Sir Brandon.
"Hala! Kanino galing 'to?!" Gulat na tanong ni Sir Brandon. Wala na namang sumagot sa amin.
"Secret admirer." Sabi ko, biglang ngumiti si Sir Brandon.
"Pakisabi sa secret admirer ko, salamat sa ganito, may maibibigay na naman ako kay Agatha babe." Sabi ni sir bago na naman lumabas ng class room.
Tinignan ko si Ethan, nakadukdok ito sa arm rest n'ya dito sa tabi ko. Mukhang tulog ang punggok dahil dinig ko ang malalim nitong paghinga.
"He's asleep," sabi ni David kahit hindi ko naman tinatanong. "He's crying all night ang saying 'Sorry, Zaina'" sabi ni David na ikinatigil ko. "I hope you'll forgive him, kahit 'wag na ako ang patawadin mo, kahit s'ya nalang, basta hindi na s'ya iiyak." Sabi ni David bago magcell phone.
Napatingin ako kay Ethan nang magsalita ito. "Zaina..." humikbi ito. "Sorry, Zaina, Sorry." Umiwas ako ng tingin.
Unti unti kong itinaas ang kamay ko para hawakan ang likod n'ya at tapik tapikin pero nananatili parin itong nakayuko. Pansin ko ang pagkabigla sa mga hunghang.
"Zaina...." umiiyak na sabi ni Ethan.
"Bakit?"
"Sorry..." umiiyak na ani nito.
"Okay."
"Patawarin mo'ko. Hindi kona uulitin."
Inilapit ko ang ulo ko sa tenga n'ya at bumulong.
"Pinapatawad na kita."
_______________________________________________________________________________