Kabanata 4

1414 Words
Part-time Job "This is Grey, our resident DJ." Pakilala ni Boss Kou sa lalaking DJ na nasa itaas ng sound booth. Kulay gray din ang buhok nito na sumakto sa pangalan.  Tinanggal nito ang headphones sandali at tinanguan ako bago bumalik sa kung anong ginagawa. "He's kinda cold, but he's really cool when it comes to music," bulong sakin ni boss. "Eto naman sina Martha, Phen, at Toni. Servers and cleaners ng Sixty9." Malugod naman akong tinanggap ng tatlo lalo na ni Martha. Mukhang mas matanda ito ng onti sakin pero ang sabi ni Boss ay college student rin ito gaya ko. "Here is the main bar counter, 2 bar tenders ang naka-assign dito, minsan tumutulong rin ako. There are also mini bar counters sa second floor but for VIP acess lang yon, customers who wants some privacy with their company. " Turo niya sa ikalawang palapag ng gusali. Inabutan niya ko ng isang clearbook na may pictures ng iba't-ibang alcoholic beverages at mga pangalan no'n. "Here's the compilation of the drinks na sineserve. Familiarize yourself with it. It will help you everytime na may magrerequest na customer. And oh! Bago ko malimutan here's your uniform and apron." Inabot niya sakin ang kulay puting polo shirt na may logo ng bar na pinarisan ng pants na itim at violet na apron.  "Your job basically involves, going around the premises, getting the orders and serving them to the customers. By 1 pm you can log-out since part timer ka lang naman. Per day ang sweldo, ibigay ko sayo pagkatapos ng shift mo. Is 1,500 enough?" Nagulat ako 'ron at mabilis nag-compute sa isip ko. Kung aaraw-arawin ko ang pagpasok dito ay kikita ko ng halos sampung-libo sa isang linggo! Malaking tulong na 'yon sa araw-araw na gastuhin at pambili ng materials na kailangan sa kurso ko. "Yes Boss!, more than enough pa nga." He chuckled at my response. "I'm just giving you the proper rate Akira, hindi rin ganon kadali ang pagtratrabaho rito," sinangayunan ko naman ang sinabi niya. Araw-araw ka ba naman nasa loob ng bar at pinapalibutan ng mga taong mataas ang energy na mag-party, nakakapagod talaga 'yon. "So, are you ready to start tonight Ms. Rodriguez?" "Pwede po?" Nagpakawala uli siya ng halakhak bago sumagot. "Of course, prep yourself at maya-maya ay dadami na rin ang tao rito. I'll call Martha to assist you. Just notify me if there are complications on anything." Paalala ni Boss Kou sakin bago umalis at pumunta sa kaniyang opisina. Agad din naman akong dinaluhan ni Martha at iginiya sa cr upag makapagbihis. "Akira diba? Ilang taon ka na ulit?" tanong sakin ni Martha mula sa labas ng cubicle. "Uh, eighteen." "Talaga?!Hindi ka mukhang eighteen, akala ko kasing edad kita. Ambata mo pa pala." Hindi makapaniwalang sagot sakin ni Martha. Kahit pa noong nasa Cuenca ako ay madalas akong mapagkamalan na mas matanda kaysa sa tunay na edad ko. Siguro dahil sa tangkad sa kaseryosohan ng mukha ko. Kung minsan ay nagiging opportunidad sakin ito dahil mas sineseryoso ako ng mga matatanda pero nagiging balakid din sa mga kaedad ko pagkat tingin nila'y mahirap akong pakisamahan. Wala naman naging kaso sakin 'yon dahil nasanay na rin akong maging ilap sa karamihan. Nang matapos sa pagbihis ay lumabas na ko sa cubicle sandaling naghugas ng kamay bago inaya si Martha na lumabas. "Teka, tapos ka na? Hindi ka ba magaayos?" Pigil sakin ni Martha. "Hindi pa ba maayos 'to." Nakakunot na noong tanong ko sa kaniya. "Tsk, tsk kahit na maganda ka at may natural na pusyaw 'yang labi at pisngi mo dapat nag-aayos ka pa rin. Lalo na sa trabahong ito. Make-up ganon. May dala ka ba?" tanong niya sakin. Ngayon ay pareha kaming nakaharap sa salamin ng common restroom. "Wala eh, hindi kasi ako gumagamit ng ganon" I made a mental note na makabili ng pangayos sa sarili dahil kailangan pala iyon dito. "Hmm di bale papahiramin na lang kita." Inabutan ako ni Martha ng isang lipstick at agad akong napangiwi sa tindi ng pagkapula no'n. Noong nasa Cuenca ako ay pulbo lamang ang ginagamit ko panglagay sa mukha at katawan kahit na ang mga kaedaran ko ay nagiging kuryoso na sa iba't-ibang panlagay sa mukha. Bukod sa kawalang interes dito ay hindi ko rin naman maasahan si Reo na magbahagi ng mga usong make-up na panlagay sa mukha. "Hindi ba masyadong makapal?" tanong ko.  "Tama lang iyan, mamaya ay puro disco lights na lang ang ilaw sa paligid. Mas lilitaw ang labi mo kung pula ang lipstick mo." Sagot niya habang naglalagay ng eyeliner at mascara. Tumango na lamang ako at nagsimulang ilagay iyon saking mga labi at pinahiran ng onti ang aking pisngi saka pinahid-pahid upang maging pantay at natural ang kulay. Nakita ko kasing ganito ang ginagawa ng mga babae nung highschool. Pagkatapos naming magayos ay tinungo namin ang lockers area. Sa loob no'n ay may maliit na pabilog na lamesa at maliit na kusina kung saan may stocks ng kape at iilang snacks.  "Bale, Akira ang magiging station mo ay ang first floor dahil baguhan ka pa lang. Ako naman ay naka-atas sa second floor kung saan nakapwesto ang mga VIP clients. Hmm ngayon kakaunti pa lamang ang mga tao sa labas dahil maaga-aga pa pero asahan mo mamayang bandang alas-onse hanggang ala-una any magiging wild na ang crowd." Nakuha ko agad ang sinabi niya dahil pagkatapos ng ilang oras ay dinumog na ang buong club. Pabalik-balik rin ako sa station dahil sa mga order ng customer. "Miss three Margaritas, and two bottles of JD." "JD Sir?" Nakakunot noong tanong ko sakanya. Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong alak na nabasang JD ang pangalan. "Jack Daniels Miss. Are you new? You should know that." napatungo ako at agad na humingi ng paumanhin. Nakakahiya iyon, baka madamay pa ang bar dahil sa pagkakamali ko. Dapat pala ay iresearch ko rin ang iba't-ibang katawagan sa mga inumin. Hindi ako pamilyar sa lugar na kagaya nito, ni hindi nga rin ako maalam sa mga beer o kahit anong alcoholic drinks pero isang oportunidad ito para kumita at maitaguyod ang kakailanganin ko. Matatagalan pa ako sa mga kailangan kong gawin, at para magawa ang mga iyon ay kailangan ko ng pera. Dahil ang totoo para mabuhay sa mundong ito kailangan mo ng yaman kung wala ka nito ay hindi mo mapupuntahan ang mga gusto mong puntahan, hindi mo magagawa ang mga gusto mong gawin, hindi mo malalasahan ang mga gusto mong matikman.  Alam ito ni Reo, naintindihan niya sa murang edad kaya pinangarap niya na magtrabaho at makapag-aral dito sa Maynila...pagkat nandito ang oportunidad...nandito ang pera...nandito ang pangarap.  "Here's your two bottles of JD and three Margaritas Sir." Ilang rounds pa ang aking ginawa, serve rito, serve roon, bago sumapit ang ala-una. Hindi pa tapos ang pag-party ng mga customer pero tapos na ang shift ko at kailangan ko na ring umuwi dahil may kailangan pa kong daanan. Dahil sa likot ng crowd sa pagsasayaw ay may di inaasahang nakatapon sakin ng inumin. Pagewang-gewang ito at halatang lasing na. "Ops sorry let me clean that." akmang hahawakan nito ang dibdib ko, parte kung saan nito natapon ang inumin, ngunit bago pa niya magawa ay pinigilan ko na ang kamay niya. "Ako na ho Sir, ang mabuti pa ay bumalik na kayo sa table niyo." umangal ito at akmang lalapitan pa ako ng may lalaking umawat dito at hinila ito palayo sa dance floor.  Creed? Anong ginagawa niya dito? Agad akong sumunod sa kanilang dalawa at nakita ko siyang marahas na pinaupo ang lalaki at may kung anong sinabi rito. Sa lakas ng tugtog at hiyawan ng mga tao ay hindi ko siya lubusang marinig. Pagkatapos no'n ay nakakuyom na panga niya akong hinila at sinubukang tahakin ang daan palabas ng bar ang pigilan ko siya. "Taka, sandali magbibihis pa ako." agad naman itong natauhan at binitawan ang kamay ko. Hindi ko mawari ang aurang pumapalibot sa kaniya ngayon. 'Yung ilaw lang ba o sadyang madilim ang mukha niya ngayon? Malayong-malayo sa Creed na nakasalamuha ko nung nasa clinic ako. Walang ngiti sa labi niya at nakakatakot na kaseryosohan lang ang makikita ko sa mukha niya. Matapos magbihis sa locker room ay nakita ko siyang muli. Umaasa akong nauna na siya o bumalik sa kung sino man ang mga kasama niya ngayong gabi ngunit nakahalukipkip lang siyang naghihintay sa tabi at nakatingin sa kawalan. Nang makita ako ay agad itong lumapit sakin at hinwakan ang pulsuhan ko. "Anong ginagawa mo rito?" Nagkaron na rin ako ng pagkakataong tanungin siya. "Out mo na diba? Come, I'll walk you home," ani niya na tila walang narinig sa sinabi ko at tuluyan akong hinila palabas ng bar...paalis sa naghihiyawang mga tao sa saliw ng maingay na musika...paalis sa madilim na lugar na iyon.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD