Simula

979 Words
Hinihingal akong napasandal sa puno matapos ang halos dalawang oras na pag-akyat sa Mt. Maculod. Ito na ang huling araw ko sa Cuenca at pinili kong palipasin ang umaga sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. "Reo..." Bulong ko. Ramdam ko ang panginginig dahil sa lamig pero halos napawi ito ng mga maiinit na luhang mabilis na pumatak kasunod ng pagsibol ng haring araw. Ang sabi nila simbolo ng pag-asa at bagong kabanata ang bukang liwayway pero habang dumadampi sa aking balat ang sinag nito, parang pinapaalala nito ang sakit na dulot ng kahapon. Flashback: "Matagal pa ba yan? Nakakangalay umupo dito ha." Tanong ko sa lalaking titig na titig sakin ngayon habang gumuguhit sa kanyang sketchpad. "Tss. Don't move, I'm almost done," ani ni Reo. Sa halos sampung taon na pagkakakilala ko sakanya, makikita ko ang mas lalong pagkinang ng kanyang mga mata tuwing s'ya ay gumuguhit o nagpipinta. He is my only friend here in Cuenca. My bestfriend, my confidant, and the only person who tried to understand me. Kahit na nangangalay ay pinagpatuloy ko ang pagtingin sa lawa ng Taal habang iniihip ng hangin ang aking buhok. "Done." Napatingin ako sa lalaking nasa gilid ko at namutawi ang kanyang malaking ngiti. "Patingin." Hindi ito ang unang guhit niyang nakita ko pero hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako. Each stroke connects with the other flawlessly. Natural ang kurba ng aking mukha sa guhit ni Reo. Mula sa mga mata, labi, pisngi pati ang buhok at katawan ko ay kuhang-kuha nya. "A-ang ganda." Mahina kong sambit. "Ano yon?" palarong sabi ni Reo. "Nasabi ko na hindi ko na uulitin." Bigla kong natigilan nang marinig ang kanyang pagtawa na parang musika sabay nang ihip ng hangin. Pilit akong umirap upang maitago ang pagkamangha. "Ang mahal talaga ng mga papuri mo Aki." Umupo siya sa punong kahoy saking tabi at sabay naming pinagmasdan ang kabuuan ng lawang Taal. "Pero ako na ang pinakamasayang lalaki sa mundo tuwing naririnig ko ang mga papuri mo." Ramdam kong nag-init ang mukha ko sa sinabi n'ya pero hindi ko na lang siya pinansin dahil hindi ko alam ang idudugtong. "Kaya gagalingan ko lalo, iguguhit kita hindi lang dito sa Cuenca, sa harap ng Taal kundi pati sa mga lugar na pagarap kong puntahan. Ipapakita ko ang ganda ng mundo sayo Akira. Ipapakita ko sayo na masarap mamuhay at mangarap, intayin mo lamang" Kitang-kita ko ang determinasyon sa mga mata niya. Pinaghalong apoy ng pangarap at init ng pagsasamahan ang bumabalot sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Gusto kong maiyak at siya'y yakapin pero nakuntento na ko sa pagsabi ng, "Sige, maghihintay ako Reo." End of Flashback Hindi ko na napigilan ang paghikbi habang tanaw ang malaking lawa sa harapan. Kung noon nakikita ko ang kagandahan nito, lulan na lamang ito ngayon ng mga ala-alang pilit akong hinahabol. Bawat sulok ng lugar na ito, ipinapaalala lang sakin ang pangarap kong mananatili na lamang sa nakaraan. Bumalik na ko sa Santa Elena upang maghanda sa pagalis.  Kakaunti lang ang mga damit at pag-aari ko kaya hindi ako nahirapang pagkasyahin ito sa maletang ipinahiram sa akin ni Sister Claire. Dinampot ko ang pinaka-iingatan kong pag-aari at inilagay sa pinakalabas na bulsa ng maleta. Yun na siguro ang lahat. Tinignan ko ang cellphone ko para sa oras at nakitang alas-dose na ng tanghali. May ilang oras pa ako bago ang schedule ng bus paluwas ng Maynila. Nakarinig ako ng pagkatok sa pinto at lumabas si Sister Claire sa kanyang puti at lilang abito. "Handa na ba ang mga gamit mo sa pag-alis Aki?" Tumango na lang ako bilang pagsang ayon. "Kung gayon kumain ka muna ng tanghalian bago ka lumiban patungo ng Maynila." "Sige po, susunod ako sa hapag." Si Sister Claire ang punong madre ng Santa Elena Care for the Children. Dito na ako lumaki at dito ko na rin nakilala si Reo. Tatlong taong gulang pa lamang ako nang mapulot ni Sister Claire sa harap ng gate ng ampunan at dito na ako nagdalaga. Mula nung bata ako ay ilap na sakin ang mga kaedaran ko. Hindi kasi ako pasalita at mas gugustuhing nasa kwarto na lamang o nag-iisa. Kakaiba rin ang kulay ng aking mga mata kumpara sa kanila. Tampulan ako ng tukso dahil dito, tila hindi nababagay ang asul kong mga mata sa kanila. Hindi lamang sa ampunan ako nagkaroon ng malamig na pagtanggap mula sa mga kaedaran kundi pati sa eskwela kaya sa bagong paglalakbay ko sa lungsod ng Maynila, hindi na ko umaasang mababago pa ito. "Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo, Akira?" tanong ni Sister Mary habang nasa hapag kami. Saglit kong ibinaba ang mga kubyertos bago marahan na tumanggi kay Sister Mary. "Mary, nasa wastong edad na si Akira para magdesisyon para sa kanyang sarili. Katunayan magandang oportunidad sa kanya ang makapagaral sa Maynila." Pagdidipensa naman sakin ni Sister Claire. "Nagulat lamang ako na itutuloy mo pa rin ang plano niyo ni Reo pagkatapos ng---" napatigil si Sister Mary sa kanyang sasabihin nang napaubo si Sister Claire. Senyales na gusto nitong patigilin ang kausap sa binabalak na sabihin. Hindi na rin ako kumportable sa takbo ng usapan, kaya't nagpapasalamat ako na binago ni Sister Claire ang usapan. "Basta Akira, iha, kung kailangan mo ng kahit na anong tulong, huwag kang magaatubiling kontakin kami." Sumang ayon ako sa kanya at nagpasalamat ng matapos ang pagkain. Ilang oras din ang naging byahe ng bus patungong Maynila. Pagkarating ko roon, may dormitoryo na akong matutuluyan. Iniisip ko rin kung anong trabaho ang maari kong pasukin pandagdag tustos sa mga kakailanganin sa University. Habang isinasaayos ang gamit binuksan ko ang bintana at saktong-sakto, makikita mo rito ang naglalakihang mga gusali ng Unibersidad. Ilang taon ang nakakalipas hindi ko nakikita ang sarili kong aalis sa bayan ng Cuenca pero heto ako ngayon, nakakuha ng scholarship sa paaralang hindi ko kailanman pinangarap mapasukan. Utang ko ang lahat ng ito kay Reo, ito ang buhay na dapat niyang tinatamasa ngayon. Binuksan ko ang pinakalabas na bulsa ng maleta at kinuha ang journal. Sa pinakaunang pahina no'n ay nakaipit ang litrato naming dalawa ng kababata. Simula sa araw na ito, nangangako akong ipagpapatuloy ko ang pangarap na sinimulan mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD