KIRA'S POV: PAGLABAS ko ng silid namin ni Raven, nagulat pa ako na may staff ng hotel ang naghihintay sa akin. Matamis na ngumiti ang mga ito sa akin at yumuko. "Magandang gabi po, ma'am. Kami po ang nautusang susundo sa inyo at maghahatid sa rooftop. Nandoon na po si sir Montero na naghihintay sa inyo. Maaari po ba namin kayong suotan ng blindfold? Request ho kasi ni sir para surprised daw." Magalang saad ng isa habang nakangiti sila sa akin. Napangiti akong tumango sa mga ito. "Sige pero--alalayan niyo ako ha? Mataas kasi ang stilleto ko. Baka matisod ako at madapa," wika ko. "We got you, ma'am. No worries po. Aalalayan namin kayo hanggang maihatid namin kayo sa harapan ni sir Montero." Sagot ng isa. Hindi na ako umangal pa at hinayaan ang mga itong sinuotan ako ng blindfold bag

