KIRA'S POV: NANGINGITI akong hinahayaan lang itong panaka-nakang hinahalikan ang kamay ko habang magkahawak kamay kami at nagda-drive naman ang isang kamay nito. Wala pa akong idea kung saan kami pupunta. Pero kampante naman akong sumama dito. Una sa lahat, kaya kong mag-self defense kung magkaproblema man kami. Pangalawa, nand'yan si Marco na isang tawag ko lang, sasaklolohan niya ako. "How's your work? Baka naman mapagalitan ka ng daddy mo na lumabas tayo ngayon," pasimpleng saad ko habang nasa kahabaan kami ng byahe. "Don't worry about it, baby. Tinapos ko na muna ang mga trabaho ko para hindi ako matambakan sa monday. Inilaan ko talaga ang araw na ito para sa atin," nakangiting sagot nito na muling hinagkan ang kamay ko. "Kaya pala kitang puyat ka." Saad ko na nakatitig dito.

