KIRA'S POV: NANGINGITI akong pinapanood si River habang nagluluto ng hapunan namin dito sa kusina ng bahay. Hindi na kasi bumalik ang mag-asawang caretaker kaya si River ang nagluto. Mukhang hilig din nito ang pagluluto dahil kita ko naman sa mga kilos niya na alam niya ang ginagawa niya. Napakagwapo nitong pagmasdan na nakasuot ng pambahay at apron. Simpleng black sando at gray sweatpants lang ang suot nito pero ang lakas ng datingan niya. Maingat ito sa paghiwa ng mga sahog na gulay at sa karne. Hindi rin ito makalat magluto. Kitang masaya ito sa ginagawa na kahit nagkukwentuhan kami, hindi siya nagkakamali sa ginagawa. “Yong mga naging girlfriend mo ba. . . pinagluto mo na?” tanong ko. Naghihiwa ito ng beef para sa steak na iluluto niya. “You're the first, baby.” Sagot nito na

